"She's going home with me now! Yan ang sasabihin niya." out of nowhere, biglang sumulpot si Harland. Madilim na naman ang mukha nito na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Enzo. Sa iilang hakbang ay narating nito ang kanyang kinaroroonan and put his arm possessively around her neck. Maging ang bibig ng kanyang itay ay napaawang sa ginawa ng asawa. "The next time na makita ko pang hinahawakan mo ang asawa ko, aalisin kita sa mundong 'to!" mariin nitong wika kay Enzo. Nakita niyang natigilan ang kaibigan na halata sa mukha ang pagkagulat sa sinabi ni Harland, ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay ngumisi si Enzo sa asawa. He even took 2 steps closer sa kanila. 

"Really now, Mr. Forto? Kaya mo ba?" nakipagsukatan ito ng tingin sa lalaking nasa kanyang tabi. Sa tantiya niya, halos magkasingtakad lang ang dalawa, kaya naman mukha talagang maliit ang kanilang bahay para sa dalawang higanteng ito na nagbabanggaan. 

"Well, try me!" ani naman ni Harland na niluwagan ang pagkakayakap sa kanya at sinalubong ang mga mata ni Enzo. 

"Tama na nga!! Para kayong mga bata!" inis niyang pagitna sa dalawa. Binalingan niya ang kanyang itay na imbis na matakot ay tila naaaliw pa sa kanyang napapanuod na pagtatalo ng dalawang lalaki. "Itay, mauna na nga po kami! Babalik na lang po ako sa ibang araw." aniya. Lumapit siya sa kanyang ama at humalik sa pisngi nito. Nagulat pa siya ng nasa likod na niya si Harland at inabot muli ang kamay ng kanyang itay. 

"Alis na po kami, Tay!" magalang nitong pagpapaalam kay Mang Caloy. 

"Sige, mag-ingat kayo ha!" nakangiting sabi ng kanyang itay. Niyakap pa siya nito ng mahigpit, bago binalingan si Harland. Tinapik-tapik nito ang balikat ng lalaki, which Harland answers back with a gentle rub on Mang Caloy's arm. Curious na pinagmasdan ni Czarina ang dalawa. Ano kaya ang pinag-usapan ng mga ito? Di bale, tatanungin na lang niya sa itay niya sa susunod na dumalaw siya muli rito. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maging sa sasakyan ay wala na naman silang kibuan ni Harland. Hindi maintindihan ni Czarina, pero bakit pakiramdam niya, galit ang lalaki sa kanya at may ginawa siyang mali. She sighed! With Harland, you never know. Minsan parang sobrang bait nito, gaya kanina. Minsan naman, halimaw ang ugali. 

Hanggang sa makauwi at makaakayat sila sa unit nito ay hindi pa rin siya kinausap ng lalaki. She started to feel uneasy. Ano ba ang kanyang nagawa para deadmahin siya nito?

Czarina decided to just fix supper for the two of them. Kanina ng dumating sila ay tinanong sila ni Aling Rosario kung ano ang gusto nilang hapunan, sinabi ni Harland na hindi ito gutom at agad na pumasok  sa silid nito. Pero alam niyang wala pa itong kinain dahil tumanggi ito ng alukin ng kanyang itay na doon na maghapunan sa kanilang bahay. At, ayon na din sa pagkakaintindi niya sa saglit na usapang namagitan dito at kay Luigi sa kotse habang pauwi sila, galing ito sa opisina't dumiretso lang sa kanila sa Sampaloc. 

Nagpalit siya ng kanyang damit pambahay. A white over-sized shirt at maong na walking shorts. Lumabas siya to check what's on the fridge. May nakita siya na ground beef, ground pork, hotdogs, carrots at iba pang gulay. She also check the pantry for pasta. Napangiti siya ng may spaghetti noodles na naroroon, meron ding canned mushroom. Napagpasiyahan niyang magluto ng Italian style spaghetti. Paborito iyon ng kanyang itay. Dati, tuwing may nagagawa siyang kasalanan, o kung may hihingiin siyang pabor dito, lagi na ay pinagluluto niya muna ang kanyang ama. Czarina smiled on the thought. 

Nagsimula na siyang magluto ng hapunan para sa asawa. Sabi ng kanyang itay, wala daw bagay na hindi naayos sa isang magandang usapan over a nice meal. She only wish na sana lang ay sabihin sa kanya ni Harland kung ano ang  problema nito. Oo nga't hindi naman talaga sila mag-asawa, but they will be together for 2 years, kaya naman dapat din ay alam niya ang mga iniisip nito. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now