"Ate alam mo ba may nalaman ako." Habol niya.

Hindi nauubusan ng sasabihin ah.

"Oh ano nanaman?"

"Naalala mo 'yung kinukwento ko sayo noon? Nung fourteen palang ako? Yung internet friend ko? Yung hindi ko na naka usap after 10 weeks?"

"Tapos?"

"Patay na pala 'yon, ate. Sayang, ang pogi pa naman nun. Crush ko nga dati eh."

"Saan mo nalaman?"

"Sa girlfriend ni kuya Sean,"

Tumayo ako nang matapos ko na ang kinakain ko.

"Anong oras kayo aalis?"

"Hintayin ko lang si Brent."

Nang lingawin ko ang orasan ay ala sais na pala ng umaga. Nagpalit na rin ako ng damit.

Longsleeve, itim na pantalon at boots. Ikinabit ko rin ang badge ko pati na rin ang Identity card ko.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagkatok sa pinto.

Si Andrea na ang nagbukas dahik nag aayos ako ng buhok.

"Hello," rinig kong bati ng pamilyar na boses.

"Napaka pormal naman ng suot niyo, kuya." Sabi ni Andrea.

"Where's your ate?"

"Nandoon, nag susuklay." Sabi pa niya.

Nakarinig ako ng footsteps kaya lihim akong napangiti.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko nalang ang mga braso niya sa beywang ko.

"Ang bango," bulong niya.

"Juicy cologne lang 'yan," biro ko.

Mahina siyang tumawa sa tainga ko kaya napatawa rin ako.

"Umagang umaga naglalandian kayo," rinig kong sabi ni Andrea.

Tumawa ng mahina si Brent at kumawala sa pagkakahawak sa beywang ko.

Umupo siya sa sofa at naghintay.

"Kumain kana?" Tanong ko.

"Yeah, tapos na." Sagot niya.

"Dala mo sasakyan mo?"

"Yup. Naka park lang sa baba."

"Tara na?" Sabi ko nang maayos ko na ang buhok ko.

"Hindi ka na mag memake up?"

"Bakit? Pangit ba ako?"

"No. You look fabulous even without make up." Sabi niya.

"Kaya kumalaki 'yang ulo ni ate eh," echos ni Andrea na nagtitiklop ng mga sinampay.

Bumukas ang pinto kwarto nina Mama at sabay silang lumabas.

"Good morning po, ma, pa." Bati ni Brent.

Kinagat ko naman ang pang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya.

"Ang aga niyo namang umalis," sabi ni papa.

"Mag tatrabaho na po eh," sagot niya.

Nilapitan ako ni papa.

"Anak ikakasal ka na bukas," ngiti ni papa.

"Opo, pa."

"Wala ka bang balak dalawin ang kuya mo bago ka man lang humarap sa simbahan bukas?" Tanong ni papa.

Napayuko naman ako dahil doon. "Susubukan ko po mamaya," sagot ko nalang.

Niyakap ako ni papa. "Proud ako sayo, anak." Sabi ni papa at niyakap ako.

Yes, I'm a Secret Agent ✓Where stories live. Discover now