Tuwing gabi, palagi ko siyang naririnig na umiiyak. There were times when I would cry all night, not just because of the nightmares I kept on having, mas madalas, umiiyak ako para kay Mama. I knew Lolo is blaming her again for what happened to me. I cried more, realizing, at some point, I also blamed her for what's happening to me. May pagkakataon na sinasabi ko sa sarili ko na, kundi lang ginawa ni Mama ang mga inaakusa sa kaniya ni Lolo noon, hindi sana ito nangyayari sa akin ngayon. And I feel so guilty for thinking that way.

Nang makauwi si Papa, akala ko mas magiging maayos na si Mama. Pero hindi. Every night, instead of hearing Mama's quiet sobs, I would hear them fighting.

Gaya ng mga nakaraang gabi, I was having a hard time sleeping that night. Pababa na ako upang kumuha ng maiinom nang marinig ko ang pagtatalo ng aking mga magulang. I stopped my tracks and listened with a heavy heart.

"This is why I don't like him courting our daughter. You should've listened to me, hindi 'yong kinunsinti mo pa," si Papa.

"Anong gusto mong gawin ko, kung gano'n? Pigilan ko? Come on, Rhy! Ilang taon na si Yuri! Ayoko namang masyado siyang paghigpitan at lalayo lang ang loob niya sa atin!" nanginginig ang boses ni Mama, tila maiiyak na.

"Yeah, now look what happened to her? O alam mo ang tungkol sa kanila at tinago mo sa akin?"

"Wala akong alam! Walang sinasabi sa 'kin si Yuri!" I heard Mama's deep and weary sigh. "What? Are you blaming me too? Ganoon ba?!"

"You should have checked his family background. He's studying at your school, paanong hindi mo nalaman na anak siya ni Anya?"

"Do you really expect me to know every student, Rhy? Ilang libo ang estudyanteng nag-aaral doon! If you were really worried, bakit hindi ikaw ang nag-check tungkol sa kaniya? Hindi ba diyan naman magaling ang pamilya n'yo?" may halong panunumbat na sinabi ni Mama.

"What?!"

Hindi na nakayanan, I went back to my room bago pa lumala ang pag-aaway nila. I covered myself using my comforter and cried. Mas lalong bumuhos ang mga luha nang hanggang sa kuwarto ay naririnig ko na ang pagtatalo nila sa baba.

Looking back, I think I cried more for what's happening with my family than for losing my baby. Pakiramdam ko kasi, kapag ipinakita ko pa sa kanilang malungkot ako, mas lalo lang lalala ang situwasyon.

Sometimes I feel too frustrated with everything that's going on. Gusto kong magalit. Madalas ay kay Aedion ko binubunton ang galit ko. It just feels unfair. Habang mag-isa akong nagluluksa rito, at nagkakagulo ang pamilya, naroon naman siya sa malayong lugar, namumuhay ng tahimik kasama si Octavia at ang magiging anak nila.

But then, after cursing him and blaming everything to him for hours, I would stop cuz I know, kung mayroon man dapat sisihin sa mga nangyayari ngayon, ako iyon. I knew he was planning something against my family, pero ginusto ko pa rin na may mangyari sa amin no'ng araw na 'yon sa pag-iisip na mababago no'n ang isip niya.

Alam ko rin na maaaring buntis nga ako, pero mas pinili kong baliwalain 'yon. Hindi lang dahil sa natatakot ako, I admit, the other reason why I don't want to accept that I'm pregnant was because of Aedion. I was mad at him and I just can't accept that I might be pregnant with his child.

Now I realize, no matter how much I hated Aedion, hinding-hindi ko makukuhang magalit sa anak namin. Aedion might have tricked me, but our baby has nothing to do with it.

Pero huli na ang lahat. Kinuha na siya sa akin at kasalanan kong lahat 'yon.

Naging mabagal ang mga sumunod na araw. Hindi man nila pinapahalata, alam kong hindi maayos ang relasyon ngayon ng mga magulang ko. Papa is working with Tito David. He wants to keep on watching Aedion. Si Mama nama'y naging abala sa nalalapit na graduation, sa kabila noon, palagi niya pa rin akong chine-check.

Orphic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon