(Pretend Wife) 7

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang si Czarina naman ay hinimas himas ang kanyang balakang. Mabuti na lamang at carpet ang kanyang binagsakan, kundi ay sigurado siya na mas masakit pa sana ngayon ang kanyang pwitan. 

"Ako pa makulit ha? Clumsy ka lang talaga!" inis niyang sabi dito at naupo muli sa couch. She just honestly want to take a bath and rest, pero eto siya ngayon, nakikipag-inisan sa Harland na 'to. Naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang ulo. Yumuko siya at banayad na hinihilot hilot ang kanyang ulo. Napapangiwi pa siya sa tuwing mararamdaman ang tila pagpintig ng ugat sa kanyang utak. 

"Hoy, hoy, eto oh!" nag-angat siya ng tingin ng tapik-tapikin ni Harland ang kanyang ulo. Handa na sana siyang sungitan ito nang makita niya na dalawang tableta at isang baso ng tubig ang inaabot nito sa kanya. Alanganin niyang tinanggap ito. "Tylenol yan. Good for headache and jetlag. Wala kasing Advil dito eh." sabi nito ng mabasa ang kanyang pag-aalangan. Yayamanin talaga! Sa kanila, Biogesic ang iniinom pag masakit ang ulo, dito Tylenol saka Advil?

Ininom niya ang dalawang tableta pagkatapos ay nahihiyang tumingin sa lalaki. Hindi niya talaga gets ang ugali nito! Minsan mabait, madalas bastos. Harland reminds her of Katy Perry's song, "Hot and Cold." 

"Bago ka matulog, we can discussed the contract that I draft." inilapag nito ang brown envelope sa kanyang harap, pagkatapos ay naupo sa kanyang tapat. Dinampot niya ang envelope at inilabas doon ang mga papel. "Gaya ng sabi ko, we will be married for 2 years. Then after that, we will file a divorce without disclosing to the public the contract that we both agreed. Bukod sa lupa ko sa Sampaloc na ibibigay ko sa iyo, I will also give you a huge compensation. Pwede ka pang humiling ng kahit na anong gusto mo..." 

"O-okay na sa akin yun!" putol nito sa kanyang sinasabi. Natigilan si Harland. Is she trying to impressed him? Di ba't halos lahat ng babae na kanyang nakilala ay pera ang habol sa kanya? Kundi pera, fame and power. He shrugged. Baka umaarte lang ito. Well, he is not buying it! 

"Very well! Pero I want you to know na magkasama tayong matutulog sa iisang kwarto, most esp. pag naroon tayo sa bahay namin sa Batangas. We should act as real married couple in front of the people, lalong lalo na sa harap ng mama at lola ko. Hindi sila dapat makahalata na nagpapangap lamang tayo---"

"Teka! Ikaw, ako, matutulog tayo sa iisang kwarto?" namumulang tanong ni Czarina sa lalaki. Tama ba ang kanyang narinig? Shocks! Paanong di niya naisip yun bago pumayag sa kasunduan na ito? 

"Oo! Kung iniisip mo ay pagsasamantalahan kita, don't worry, that will never happen! Not unless ikaw ang mag-insist.." 

"Yuck! Ewwww! Ang kapal talaga ng mukha mo!! Nung nagsabog ng manner para sa mga lalaki ang Diyos, tulog ka nu?" she rolled her eyes na parang kinikilabutan sa sinabi ni Harland. 

"Hahahahah! Well, you can rest now, Mrs. Forto. And please rest well dahil pupunta tayo sa Batangas a day after tomorrow." muling namula ang kanyang mga pisngi sa sinabi ni Harland. Mrs. Forto? That just sounds so surreal. She feels so undeserving for the title. Pero teka, pupunta sila sa Batangas? Eh paano ang kanyang Itay? 

"Harland, eh kasi, g-gusto ko sanang pumunta sa itay ko bukas." 

"No! Kung may sasabihin ka sa kanila, ipapasabi na lang natin kay Luigi." 

"P-pero kasi.." 

"Ano? Anong kasi?" 

Czarina pout, then bow her head. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, lalo't naalala niya ang sinabi sa kanya minsan ng kanyang itay, na pag nag-asawa na siya, kailangan niyang sundin ang desisyon ng asawa dahil ito ang lalaki. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon