Mariin akong napapikit at namilipit sa sakit ng maramdaman ang bubog na nakasaksak sa aking kaliwang braso. Nanghihina man at pagewang-gewang pinilit ko ang aking sarili na tumayo.

May nakita akong dalawang lalaki mula sa dulo, siguro ay narinig nila ang ingay ng pagbasag ko sa salamin. Agad kong itinutok sa kanila ang hawak kong baril at pinapaputukan sila sa ulo. Masakit ang braso ko sa bawat pagtaas ko dahil lalong dumidiin ang bubog.

Napaupo akong muli dahil sa paghihina. Nanginginig na rin ang kamay ko dahil sa pagod na aking nararamdaman. Hindi ko na kaya pang lumaban, ngunit hindi ko rin kayang hayaan nalang si Rose.

Muli kong sinubukang tumayo at halos kaladkarin ko na ang aking sarili papunta sa dulo kung saan nanggaling ang dalawang lalaki kanina. Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa naabutan ko, nakatutok kay Rose ang baril ng dalawang nakaitim na lalaki, habang tuwang-tuwa naman si Mr. Hunter na nakaupo sa may gilid

"Paano ba yan? Lumipas na ang sampung minuto, pero yung ate mo wala paren dito para iligtas ka" nang-aasar ang tono nito habang nakangise. Nakita ko ang pagtaas nito ng kamay sa ere, isa iyong hudyat. Mas lalo pa akong kinabahan ng sabay na kinasa ng dalawang lalaki ang kanilang baril, walang pagdadalawang isip naman akong tumakbo papunta kay Rose.

Para bang biglang nawala ang iniinda kong sakit kanina lang, para bang biglang namanhid ang buo kong katawan, para bang bigla akong nagkaroon ng lakas para tumakbo. Dahil isa lang ang nasa isip ko iyon ay iligtas si Rose sa kanila kahit pa kapalit nito ay ang sarili kong buhay...

Mabilis kong hinarang ang aking katawan kay Rose, tama nga ang iniisip ko dahil wala pang isang minuto, dalawang tama ng baril na ang aking tinamo. Napayuko ako para tingnan si Rose. Mariin itong nakapikit at nakayakap sa sarili. Umiiyak at takot na takot. Natigilan ito saglit at agad na napalingon sakin

"Ate..." Mahina niyang sambit. Napapikit ako ng mariin ng may dalawang tama ng bala muli ang tumama sa aking likod. Nahihirapan man ay ngumiti ako kay Rose para pagaanin ang loob niya at hindi siya matakot. Ngunit ng subukan kong magsalita ay puro dugo lang ang lumabas sa aking bibig.

"Wow! Another dramatic show na naman ba ito? Nagpapakabayani ka ba, Hell?" Humarap ako kay Mr. Hunter pero nanatili parin ako sa harapan ni Rose para takpan siya. Nakatingin lang ako sa kanya na blangko ang emosyon. "Paano ako mag-eenjoy sa laro natin if ngayon palang namamatay ka na?" Saad niya sa tonong malungkot, sa paraang nang-aasar.

Tiningnan ko lang siya ng matalim "Huwag mo idamay ang kapatid ko, ako kalaban mo diba? 'wag mo na namang pairalin ang pagkaahas mo"

Paulit-ulit itong tumango na para bang naiintindihan ang sinabi ko kahit ang totoo ay wala naman itong iniintindi kundi ang sarili niya lang nararamdaman "Maglaro nalang kaya tayo?" sa halip iyan ang sinagot niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at pabalik-balik na naglakad sa pwesto niya. "So this will be the game. You vs. my two dogs" tinuro niya ang dalawang lalaki tsaka siya muling lumingon sa akin.

"If i win, mamatay si Rose but..." Tumigil ito at umastang parang nag-iisip. As if namang na may utak siya. Muli siyang ngumise "But, if you win. I'll consider her life. It depends on my mood. Kapag nag-enjoy ako sa laban, malay mo hayaan kong manatiling buhay ang kapatid mo" saad niya bago tumawa. Napakadaya talaga niya! Kahit ano man sa dalawa ang mangyari, hindi parin ako makakasigurado na maliligtas ko si Rose sa kamay ng demonyong ito.

"Let's change the rules! If i win, you will let Rose and my gangmates leave this arena alive, but if you win. You can kill me and i'll give you all my money" ilang beses akong kumurap dahil umiikot na ang paningin ko at nahihilo na ako sa dami ng dugo na nawala sa akin. Ni hindi nga ako sigurado kung makakatagal pa ako. Ngunit hanggat kaya ko, bago ako mamatay gusto kong masiguro na ligtas sila Rose at ang gangmates ko.

Napapikit ako at palihim na humiling na sana tanggapin niya ang sinabi ko. Ngunit natigilan ako ng tumawa siya ng malakas.

"Anong akala mo sakin, walang pera? Hindi ko kailangan ng pera mo! Marami ako niyan! Kayang-kaya nga kitang bilhin eh, magkano ka ba?" Sarkastiko niyang sagot. Napabuntong-hininga nalang ako mukhang mas lalo ko lang siyang nagalit. " Tapusin na nga natin toh! Masyado nang nasasayang ang oras ko. Patayin niyo na ang dalawang iyan!" Utos niya sa dalawang lalaki at naglakad na papalabas ng storage room.

Muling kinasa ng dalawang lalaki ang hawak nilang mga baril. Hindi ko na kanyang lumaban pa ni hindi nga ako makatayo ng daretso, wala na rin'g natirang bala sa baril na dala ko. Isa na lang ang magagawa ko. Iyon ay ang iharang ang katawan ko para maprotektahan si Rose.

Agad akong lumapit kay Rose at niyakap siya habang tinatanggap ang mga bala ng baril na bumabaon sa likod ko. Napakahapdi at napakasakit. Tahimik na paulit-ulit kong hinihiling na sana dumating sila Ryn para maligtas si Rose bago pa ko tuluyan malagutan ng hininga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon