58. Allowance

8.8K 453 57
                                    

Nakasimangot pa din si Jessica habang pabalik na sila sa Steve Corp kasama niya sina Ben at Talia.

Paano naman kasi hindi manlang siya nakalapit sa crush niyang si Lucas Bratley mukhang mas baliw pa sa kanya ang mga ibang babae na naroon. Nakipagtulukan na siya't lahat pero wala! Dahil hindi na kontrolado ang crowd ay nagdesisyon ang manager ng Trive Band na hindi na tumuloy at tuluyan ng umalis ang mga ito.

Sumama siya kina Ben at Talia dahil kailangan niya umanong magsign ng contract. Pumayag naman siya dahil wala naman na siyang ibang gagawin.

Naglalakad na sila papasok sa Steve Corp ng harangin sila ng mga men in black.

"Ms Jessica Esteban?",tanong ng isa sa kanila.

Bahagyang natakot si Jessica at agad kumapit kay Talia.

Nagtataka din sina Talia at Ben pero alam nilang security ni Xander ang mga ito.

"A-anong kailangan niyo sakin?",kinakabahang tanong ni Jessica.

"Sumama po kayo sa amin ma'am. Pinapatawag po kayo sa office ng CEO",seryosong sabi pa nito.

"M-malakas ba ang pagkakahampas ko sa kanya?",bulong na tanong ni Jess kay Talia.

"Oo girl",seryoso ding sagot ni Talia pero kinagat niya ang kanyang lower lip para pagilan ang tawa.

"N-nagsorry na nga ako eh",nakangusong sabi ni Jess na malapit ng maiyak.

"Naku girl. Wala pang nakakagawa sa kanya non. Kaya malamang galit na galit iyon. Tsk tsk tsk. Steve pa naman siya. Very powerful.",pananakot pa ni Talia.

"A-anong gagawin ko?",maiyak iyak na tanong ni Jess.

"Ang mabuti pa sumama ka sa kanila para malaman mo",sabi ni Ben na naiiling sa kalukuhan ni Talia.

"P-paano kung makukulong ako? Paano na si Lav?",problemadong tanong ni Jess.

"Love? Sino yon? May boyfriend ka?!",hindi makapaniwalang sabi ni Talia. Maging si Ben ay nagulat din.

Napakakomplikado naman ng sitwasyon ng mag-asawang ito. Si Xander may Sofia na buntis tapos si Jess may Love na! Ohmygosh!

"Mrs. Steve ang mabuti pa po sumama na po kayo sa amin",singit ulit ng lalaki na mukhang naiinip na sa pagchichismisan ng tatlo.

"Kuya Ms Esteban po. At Miss palang po ako. Magiging Mrs Bartley in the future." Nakangiting pagtatama ni Jess.

Natawa nalang sina Talia at Ben.

Habang paakyat sila lulan ng elevator ay hindi mapigilan ni Jess ang manerbyos.

Bakit kasi padalos dalos siya sa pagsugod!

Habang naglalakad sila palapit sa office ng CEO ay nasulyapan niya pa ang babaeng humarang sa kanya nung sumugod siya sa conference room. At ang sama ng tingin nito sa kanya. Napanguso nalang siya at nagbaba ng tingin.

Bubuksan na sana ng lalaki ang pinto ng pinigilan ito ni Jess dahil ng nerbyos.

"Kuya,sasama ba kayo sa loob?",tanong niya.

"Hindi na po madam.",magalang na sagot ng lalaki.

Lalo pa atang nanerbyos si Jess ng marinig ang sagot ng lalaki.

So, dalawa lang sila sa loob?

"Kuya naiihi po ako. Iihi muna ako bago ako pumasok",sabi niya.

"May comfort room po sa loob, Madam. Hindi po magugustuhan ni Boss kung magtatagal pa po tayo dito."

Xander:Till Death Do Us PartWhere stories live. Discover now