41. Mrs. Steve

8.9K 169 13
                                    

"Sir",hinihingal na tawag ni Diego kay Xander ng makapasok sila sa building kung saan papunta na sila ngayon sa condo nilang dalawa.

"Nandito na yung mga taong mag-aayos kay Ms. Jess Sir. Meron na ding mga wedding dress na pagpipilian niya."

"And this is the wedding ring sir",sabi niya sabay abot sa box na agad namang kinuha ni Xander.

"Maaasahan ka talaga Diego. Expect your special bonus",natutuwang sabi ni Xander.

Sakay na sila sa lift papunta sa kanilang condo. Nakapaikot ang isa nitong braso  sa kanyang bewang na akala mo naman tatakbo siya sa paraan ng pagkakahawak nito.

Agad siyang napangiwi ng makita kung gaano kastress ang mukha ni Diego. Siya ba naman ang pagbilinan ng maikling oras.

Agad siyang napabaling kay Xander ng maramdaman ang halik nito sa kanyang balikat.

"Eyes on me Love",masungit na sabi nito.

Narinig niyang tumikhim si Diego at hindi na sila pinansin. Napanguso nalang siya.

Pagkapasok nila sa condo ay matinis na boses ni Talia ang agad sumalubong sa kanya.

"Besty! Ohmygosh! Is this really happening? Oh em gee! Grabe wala man lang isang araw, hindi ka manlang nagpabebe! Kasal agad! Ohmygosh!",nalolokang sabi nito.

Napangiwi nalang siya sa kaibigan.

"Jess! I am so happy for you!",naiiyak na sabi ni Gwen sabay yakap sa kanya.

"Thank you"

"Congrats Jess. Huwag mo ng iiwan yan nakakatakot eh. Kami ang nagdudurusa",natatawang sabi ni Martin.

Narito silang lahat at pawang masaya para sa kanila.

Agad dinumog ng mga lalaki si Xander at binati.

"Aayusan na po namin ang bride",sabi ng isang babae.

"Ingatan niyo mag-ina ko. Malalagot kayo sakin kapag nadapa yan.",seryosong sabi ni Xander matapos siyang hilahin ng babae.

Biglang tumahimik ang lahat habang pulang pula ang mukha ni Jess.

"Ang arte!",panunuya ni Talia.

"Wahhh! Buntis ka Jess?",hindi makapaniwalang tanong ni Carmen.

"Wow Idol na kita boss! Ang bilis mo! Sinigurado talaga oh! Wala ng lusot!",natatawang sabi ni Toffie

"Ofcourse. Para hindi na maagaw pa ng iba tinaniman ko na",natatawang sabi ni Xander.

"Yah!",sa inis ni Jess ay kumuha siya ng maibabato kay Xander. Nadampot niya ang isang pillow ng sofa at binato iyon kay Xander.

"Haha! Wala pa shet under na ako!",natatawang sabi Xander na lalong ikinatawa ng mga lalaki.

"Tara na nga po",nakangusong sabi ni Jess sa babaeng mag-aayos sa kanya.

"Miss huwag mo ng masyadong pagandahin yang misis ko baka maging triplets pa yang dinadala niya mamayang gabi eh.",hirit pa ni Xander.

"Waaahhh! I hate you Xander! Neknek mo! Sa labas ka matutulog!", napapahiyang sigaw ni Jess saka nauna ng pumasok sa kwarto at gigil na binagsak pasara ang pinto.

"Pasensyahan niyo na ang misis ko. Pinaglilihian ako eh.", narinig niyang natatawang sabi ni Xander sa kanila.

"Pano yan tol outside kulambo ka daw?",natatawang kantyaw ni Jaime.

"Ha! You think so?",natatawang sabi ni Xander.

He doubt it! He knows better! Haha!

Bale 2 babae at 2 bakla ang naroon sa loob ng kwarto.

Xander:Till Death Do Us PartNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ