46. Pain

6.3K 133 8
                                    

Galit na tinungo ni Xander ang kanyang sasakyan at gigil  na pinatakbo ito.

Damn! Hindi totoo lahat ng sinabi ng gagong Hans na 'yon! Walang sakit ang asawa niya!

His wife! Shit! His wife is sick! At pwedeng mawala ito sa kanya! No! Hindi siya papayag! He is Steve!

Hindi pwede! This is a sick joke! Damn it!

Malakas niyang inapakan ang preno ng maging blurred ang kanyang paningin. Nakabibinging langitngit ang maririnig dahil sa biglaan nitong pagpreno pero wala siyang paki-alam! Gusto niyang magwala! Tang-ina!

"Aggrrhhhh!", ubod lakas na pinaghahampas niya ang manibela  ng kanyang sasakyan upang ilabas doon ang kanyang galit.

Galit siya sa sarili niya! Anong ginawa niya! His wife don't deserve this! Hindi pwedeng mawala ang asawa niya! Hindi niya kakayanin!

Anong gagawin niya para iligtas ang asawa!

Makakaya ba niyang ipalaglag ang kanilanh anak? Damn!

"Fucking shit!",ubod lakas niyang sigaw saka  hinayaan ang sariling umiyak para maibsan ang sakit na nararamdaman.

Nang humapa ng kaunti ay agad siyang nagtungo sa SC. Tinawagan niya sina Martin, Jaime, at Danny para papuntahin ang mga ito sa bar.

---

"What happened?",bulong na tanong ni Martin kay Jaime habang pinapanuod nila si Xander na nagpapakalunod sa alak.

"I had no idea too",iiling iling na sagot ni Jaime.

"Nag-ayaw ba sila ni Jess?",tanong din ni Danny.

"Martin tol, mabuti pa tawagan mo si Jess baka nag-aalala na din yun baka hinahanap na si Xander",sabi ni Jaime.

"Ha? Oh sige",dali daling lumayo si Martin at saka mabilis na kinuha ang cellphone at tinawagan si Jess.

Ring ring ring

Nakailang ring pa ng sagutin na nito ang kanyang tawag.

"H-hello?"

"Jess?"

"Y-yeah?"

Medyo nag-alangan pa na magsalita si Martin matapos mapagtanto ang boses ni Jess. Mukhang may problema ata ang mag-asawa.

"Xander is here at Steve Club. Just to let you know"

"....."

"Pwede bang pakihatid niyo nalang siya dito sa mansion please?",paki-usap ni Jess.

"Sure thing. No worries. Kami naman ang kasama niya. Don't stress yourself okay? Buntis ka pa mandin",nag-aalalang saad ni Martin

"S-salamat"

Ilang oras pa ang nagdaan na hinayaan nilang uminom si Xander.

Nang makita nilang hindi na kaya ni Xander ang sarili ay agad nila itong inalalayang tumayo para ihatid na sa mansion.

Nang makarating sila sa mansion ay sinalubong sila ni Jess na mugto ang mga mata.

Pare-pareho silang natigilan. They don't have any idea what the hell is happening.

"Pakipasok nalang sa kwarto namin.",naiiiyak na sabi nito.

"Salamat ha?",sabi ni Jess matapos nilang maihiga si Xander sa kanilang kama.

"Walang anuman. Alis na kami Jess",sabi ni Jaime.

"Sige. Salamat ulit. Hindi ko na kayo maihahatid sa baba kasi aasikasuhin ko pa ang asawa ko"

"Huwag mo na kaming isipin. Si Xander nalang ang asikasuhin mo.",sabi pa ni Danny.

"Jess",tawag ni Jaime kaya tumingin si Jess sa kanya mula sa pagkakayuko para tanggalin ang sapatos ng asawa.

"Just call the girls if you need someone to talk to",sabi ni Jaime.

"I will. Thank you ulit",sagot naman ni Jess.

"Sige Jess tutuloy na kami",paalam ni Martin.

Tumango nalang si Jess at muling binaling ang atensyon sa asawa.

Hindi na napigilan ni Jess ang maiyak habang nililinisan ang asawa.

"L-love, I l-love you so much. H-huwag mo akong iiwan p-please",umiiyak na sabi ni Xander habang nakapikit pa din ang kanyang mga mata.

Tuluyan nang napahagulhol sa iyak si Jess matapos marinig ang sinasabi ng asawa.

"Diyos ko. Kung dati handa na ako basta mabuhay lang ang anak namin. Pero bakit habang papalapit na ay natatakot na akong iwan sila"

---

Isang linggo na matapos ang gabing nagsimulang magpakalasing si Xander ay palagi na itong umiinom gabi gabi. Lasing na lang siyang hinahatid nina Jaime. Pagkagising niya sa umaga ay wala na ito.

Hindi pa sila nag-uusap manlang.

Sobrang nasasaktan na siya dahil sa nangyayari. Ganito nalang ba ito? Paano nalang sila ng kanilang magiging anak pag iniwan na niya sila.

Kailangan niya na itong maka-usap kaya isang umaga ay sadya talaga siyang gumising ng maaga para makausap ito.

"Xander, let's talk",sabi niya matapos makalabas ang asawa mula sa banyo.

"Not now. Busy pa ako. Marami pa akong gagawin sa kompanya",sabi nito at nagmamadaling nagbihis.

"Kapag sinabi kong mag-uusap tayo, mag-uusap tayo!",sigaw niya dito.

Natigilan naman ito saglit pero pinagpatuloy lang niya ang kanyang ginagawa.

"Mag-uusap tayo mamayang pagkatapos ng trabaho ko"

"I want now!"

"Jess, please. I need to go to work"

"Sige pumasok ka. Pero sisiguraduhin kong hindi mo na ako maabutan pa dito sa bahay na to.",banta ni Jess

Matapang niyang sinalubong ang nag-ngangalit na titig ng kanyang asawa.

Dahil sa galit na nararamdaman ay ubod lakas na hinampas ni Xander ang kanilang closet. Hindi pa siya nakontento at sinuntok ang kanilang salamin.

Sinusubukan niyang linlangin ang kanyang sarili na hindi totoo ang lahat! Pero patuloy na sinasampal sa kanya ang katotohan! 

"Arrggggghhhh!!!!!",malakas  na sigaw ni Xander at unti-unting umupo at humagulhol.

Wala itong paki-alam sa kamay na dumudugo. Mas masakit ang kanyang nararamdaman ngayon.

Nanghihinang napaupo din si Jess saka umiiyak na nakatingin sa asawa.

Masakit para sa kanya ang makitang nahihirapan si Xander dahil sa kanyang sitwasyon.

Tok tok tok

"Xander! Jess! Anong nangyayari diyan sa inyo!",nag-aalalang tawag ni Megan mula sa labas ng kanilang kwarto.

Dahan dahang lumapit si Jess sa asawa at saka yumakap dito. Inalalayan ni Xander si Jess na maupo sa kanyang hita at mahigpit ding yumakap dito at parehong tahimik na naghihinagpis.

"Ganito nalang ba tayo Xander? M-malapit na akong manganak. I want to spend my remaining days to be with you. To love you. To be your wife."

"D-don't say that. H-hindi ka mawawala sakin!"

"Please. Let us accept it, Xander. H-hanggang dito lang talaga ako. Kaya please let us be happy while I am s-still here"

"N-no. Love, please ayoko. There has to be a way. Ayoko. H-huwag mo akong iiwan,Love. H-hindi ko kaya. K-kailangan kita."

"Kaya mo, Love. You are strong. Please for our baby",paki-usap ni Jess.

"No! Gagawa ako ng paraan. Hindi ka pwedeng mawala sakin!"

---

Xander:Till Death Do Us PartWhere stories live. Discover now