36. walang nangyari

8.4K 208 67
                                    

Dahil natuwa ako sa dumadaming comments eto another update.

Hello kay michie_08 nakita ko comment mo sa chapter 1 way back 2016 pa. Grabe hindi bumitaw sa story. This is for you :)

----

"X-xander can we talk?",nanginginig na sabi ni Jess.

Natigilan si Xander sa paglalagay ng pagkain sa plato ni Bea.

"Nandito ang girlfriend ko Jess",seryosong sagot niya.

"P-please?",kinagat ni Jess ang kanyang labi para masupil ang hikbi niya.

"Xander mag-usap muna kayo si Jess",seryosong sabi ni Kristan.

"Dad there's no need-"

"Putang-ina Xander mag-usap kayo o palalayasin kita sa pamamahay ko?",galit na sabi ng ama nito.

Natigilan si Xander.

"Tsss. Fine.",inis na sabi niya sabay tayo sa kanyang inuupuan at nauna ng umalis.

"T-thank you po Tito",sabi ni Jess saka tumayo na din para sundan si Xander.

Nanginginig pa ang kanyang binti pero nagpakatatag siya.

"Ate, are you okay?",nag-aalalang tanong ni Monique.

"Hmmm",pilit ngumiti si Jess saka lumabas na din.

Nakita niya si Xander sa may pool side at nakatalikod sa kanya.

"X-xander",tawag niya dito.

Galit na lumingin ito sa kanya.

"What?!"

"T-totoo bang kayo na ni B-bea?",hindi na niya nakayanan at tuluyan ng nahulog ang kanina pang pinipigil na luha.

Nakita niyang natigilan si Xander at saka iniwas ang tingin sa kanya.

"Don't cry na parang nasasaktan ka. You knew from the very start si Bea ang gusto ko noon pa man."

"P-pano na ako? Iyong nangyari satin? Ganun nalang ba yun? Umasa ako eh. ",umiiyak na sabi ni Jess.

"I never loved you Jess. Si Bea naman talaga sa una palang di ba?"

"Pero bakit iba yung pinaramdam mo sakin! Pina-asa mo ako eh! Umasa ako eh!  Akala ko ako na! Akala ko sa wakas ako na ang laman ng puso mo! Bakit kailangang saktan mo ako ng ganito! Anong ginawa ko sayo! Minahal lang naman kita! Mahal na mahal kita Xander! Binigay ko naman lahat ah! Ano pa bang kulang sakin!"

Dahil sa matinding emosyon ay hindi na napigilan ni Jess ang sumabog at sumbatan si Xander.

"Bakit hindi mo maintindihan! Hindi kita mahal! At kahit kailan hinding hindi kita mamahalin dahil kay Bea lang ang puso ko! Mahirap bang intindihin iyon! Oh sadyang makapal lang talaga ang mukha mo at pinagpipilitan mo pa ang sarili mo sa akin! Magsama kayo ng lalaki mo!", galit na galit na sigaw ni Xander.

"Wala akong lalaki!"

"Ako pa talaga ang lolokohin mo! I saw it with my own eyes Jess!"

"Stop! Tama na! Ang hirap hirap mong mahalin Xander! Ayoko na! Ayoko na! Kung ayaw mong maniwala sakin okay fine! "umiiyak na sigaw ni Jessica kasabay noon ang literal na paninikip ng kanyang puso dahil sa hapdi na dulot ng sinabi ni Xander.

Natigilan si Jessica at pilit kinakalma ang sarili.

"H-huwag k-kang mag-alala dahil titigil na ako...napapagod na akong mahalin ka!...at ang sakit sakit na...", naghihirapang sabi ni Jessica habang hawak ang kanyang dibdib na naninikip.

"S-sana maging masaya ka..kayong dalawa kapag wala na ako", mapait na wika nito saka tumalikod para umalis.

Naiwan si Xander na hindi makapagsalita.

She will stop loving me?

Pagod na siya?

Sisiguraduhin niyang pababagsakin niya muna ang lalaki nito!

Dahil sa galit na nararamdaman niya ay dinampot niya ang upuan na nandoon sa pool side at malakas na binalibag.

"Aarrrghhh!"

----

"T-talia ayoko na. Akala ko kaya ko pa eh. Pero ang sakit sakit na kasi eh",umiiyak na sabi ni Jess kay Talia na naghihintay sa kanya sa labas.

Nakakaintinding dinaluhan siya ni Talia at mabilis siyang niyakap. Hinayaan  niya lang itong umiyak at ilabas ang sama ng loob.

Biglang namutla si Talia ng bigla itong bumigat at mawalan ng malay.

"J-jess!",natatarantang sigaw niya.

---

Nang magmulat si Jess ng kanyang mga mata ay ramdam niya ang pananakit ng kanyang tiyan.

Agad siyang napahawak sa kanyang tiyan at kinabahan.

"A-ang baby ko?",bulalas niya.

"Okay lang siya",mahinang sagot ni Talia na nakaupo malapit sa kama niya.

Natigilan si Jess. Nasa hospital na naman siya.

"You know?"

"Why did you do it Jess? Why?",hindi napigilan ni Talia ang maiyak.

"Pwede mong ikamatay ang pagbubuntis mo Jess! You're so selfish Jess! Lagi nalang iyang pagmamahal mo kay Xander ang inuuna mo! Paano naman ang sarili mo! Ang pamilya mo! Kami na nagmamahal sayo ha! Hindi mo ba naisip yun!"

"See? That's the exact reason kung bakit ayokong sabihin sa inyo! This is my child! Desisyon ko din ito! Kahit ito manlang ang alala ko sa pagmamahal ko kay Xander. Please intindihin niyo naman ako oh",umiiyak na sabi ni Jess.

"Jess! Huhuhu! I hate you! Ang tigas ng ulo mo!",umiiyak na sigaw ni Talia.

"Help me Talia. I want to leave. I want to keep my baby. Please help me",nagmamaka-awang sabi ni Jess.

"What are you planning to do Jess. Kailangang malaman ng pamilya mo ang kalagayan mo!"

"No! They don't have to know yet. I can do this. Please Talia. Nagmamaka-awa ako ilayo mo muna ako please."

"Anong gagawin ko sayo Jess..."nanghihinang bulong nito.

----

Natigilan si Xander sa pakikipag usap sa kanyang kameeting ng makita ang lalaking kailanman ay hinding hindi niya makakalimutan ang mukha.

May kasama itong babae. Agad na nangalit ang kanyang bagang ng maalala ang ginawa nito.

"Excuse me",paalam niya sa kausap.

"Sir hindi pa po tapos ang meeting",paalala ng kanyang secretary pero wala siyang paki-alam.

Agad siyang dumiretso sa lalaking iyon at agad binigyan ng malakas na suntok.

"Ang tagal kitang hinahanap gago ka! Ano sawa ka na agad kay Jess at pinalitan mo na agad ha!",gigil na sabi niya saka pinagsusuntok niya ito sa mukha.

"Ohmygosh! Stop! What are you doing! Help!",sabi ng babaeng kasama nito.

"S-stop!",sabi ng lalaki pero hindi niya tinantanan ito.

"I will fucking kill you! Gago ka! Anong karapatan mong hawakan ang akin!"

"Tama na! Tulungan niyo kami! Awatin niyo siya!",sigaw ng babae .

Agad dumating ang men in black at inawat si Xander.

"Binatawan niyo ako! Papatayin ko talaga yang gagong yan!"

"Tama na!",umiiyak na pagmamaka awa ng babae.

"S-stop.. walang nangyari! Inutusan lang ako. T-tama na. Hindi ko siya ginalaw. ",pagmamaka awa ng lalaki

Natigilan si Xander sa sinabi nito.

"What?"

---




Xander:Till Death Do Us PartΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα