67. Towel-SPG

10K 312 31
                                    

Nagising si Jess dahil sa paulit ulit na pagdampi ng halik sa kanyang mga labi.

"Hmmmm"

Unti unti niyang binuksan ang kanyang mga mata at nakita niya si Xander.

"Goodmorning, Love",malambing na bati nito.

"Morning. Hmmm. Ang aga mo namang mang-gising",sabi ni Jess saka sumiksik sa kili kili ng asawa. Hmmm bango.

"Need to, Love. Ihahatid natin si Lavigne sa Esteban High Laboratory School",sagot ni Xander.

"Huh? Bakit sa Esteban High?",nagtatakang tanong ni Jess at tiningnan si Xander.

"Why not? Why did you enrol him at BIS anyway?", kunot-noong tanong ni Xander.

Natigilan si Jess at nag-aalangan kung sasabihin ba niya kay Xander na crush niya si Lucas Bratley kaya inenrol niya si Lavigne sa pagmamay-ari nilang school.

"Sige na nga. Maliligo na ako",sabi ni Jess saka bumangon na para makaiwas sa tanong ng asawa.

"Sa kwarto na ako ni Lavigne maliligo baka tapos na din siya para mas mabilis tayo",sabi din ni Xander hinayaan nalang ang asawa na obvious namang ayaw sagutin ang kanyang tanong.

Pasasaan ba at malalaman din niya ang rason nito.

Nang makapasok na si Jess sa banyo ay saka palang lumabas si Xander para pumunta sa kwarto ng anak.

Binibihisan na ito ng yaya nito.

"Have you meet my Daddy, Ate Aning?",rinig niyang tanong anak.

"Ano? Sabi sayong wag english me if you talking me"

Muntik nang mapabunghalit sa tawa si Xander matapos marinig ang sinabi ng yaya ng anak.

"But your english is good, Ate Aning",inosenteng sabi ng anak.

"No good. No biri good. No english me. Okay?"

"Pfffftt. Okay po, Ate Aning"

Papasok na sana sa banyo si Xander ng maalalang wala siyang tuwalya na dala.

Kaya bumalik siya sa kwarto ng asawa.

He opened the closet pero pulos mga damit iyon ng asawa.

"Love",tawag niya mula sa labas ng banyo.

"Oh?"

"I need towel"

"Ha?"

"I need towel, Love"

"Ano?"

Napailing nalang si Xander at binuksan ang pinto ng banyo saka pumasok.
Pero natigilan siya ng makita ang hubad na katawan ng asawa habang nakatapat ito sa shower.

"Waaaaaahhh! Bastos bakit ka pumasok!",tarantang sigaw ni Jess at kinuha ang shower curtain para ibalot sa hubad na katawan.

Hindi agad nakapagsalita si Xander at hindi pa din maalis ang tingin sa katawan ng asawa. Nakagat niya ang labi ng maramdaman ang reaction ng sariling katawan.

"I-i need towel, Love"

"Sana sinabi mo nalang kay Aning! Labas!",namumulang sigaw ni Jess saka tinakpan ang maselang bahagi ng katawan gamit ang kamay.

Napangisi si Xander at lumapit sa asawa. Nanlaki ang mata ni Jess at hindi makagalaw.

"I'm so hungry, Love. You need to feed me"

"A-ano ba! Mukha bang hawak ko ang pagkain? N-nasa kusina! We'll eat later. Labas ka na nga!",naiilang na sabi ni Jess.

"I want to eat you,Love. Hurry up! I'll wait for you outside.",sabi ni Xander saka mabilis na hinalikan ang asawa bago lumabas ng kwarto.

Xander:Till Death Do Us PartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant