49. Lost

5.5K 136 15
                                    

Libing ng kanyang mag-ina.

Naka-alis na lahat ng bisita pero ayaw pa din umalis ni Xander.

Pero hindi siya iniwan ng kanyang mga kaibigang sina Jaime, Martin, Danny, Talia, Carmen,Gwen,Tofie at Ben na sinasamahan siya sa kanyang  pagtatangis.

Lahat ay nauna nang umalis maging ang kanyang byenan ay wala na din.

Nakasalampak siya at hawak ang larawan ng kanyang asawa. She is so beautiful. Masuyo niyang hinahaplos ang larawan nito.

Hindi niya mapigilan ang maluha habang nakatingin sa napakagandang ngiti nito.

"Love, kamusta kayo diyan ng anak natin? Okay lang ba kayo? Ang daya mo naman bakit pati anak natin sinama mo? P-paano naman ako,Love? Sana sinama niyo n-nalang din ako"

"T-tol",tawag sa kanya ni Jaime.

"H-how can I start again? How can I live again? H-hindi ko alam kung makakaya ko."

"N-nandito lang kami para sayo. H-hindi ka namin iiwan."

"I miss her so much"

"...."

"Mahal na mahal ko siya. Bakit kung kailan mahal na mahal ko na siya saka naman niya ako iniwan! Ang sakit naman ng karma ko! Ang sakit sakit kasi hindi ko na siya kailanman makikita pa!"

Ilang oras pa sila doon hanggang sa maakay na nilang umuwi ito sa kanilang mansion.

"Xander, anak!",salubong sa kanila ni Megan na nag-aalala.

"Sa kwarto muna ako Mom"

"Kumain ka muna anak",naiiyak na sabi ni Megan.

Tatlong araw na itong walang maayos na tulog at kain. Ang laki na ng hinulog ng kanyang katawan kaya nag-aalala siya para sa kanyang anak.

"Hindi ako nagugutom, Mom. Gusto ko munang magpahinga",balewalang sagot ni Xander saka umalis na at tinungo ang kwarto.

"Xander",mahinang bulong ni Megan.

Naaawa siya sa kanyang anak pero wala siyang magawa.

Napatiim bagang nalang din si Kristan habang inaalalayan ang asawang umiiyak.

"Mauna na po kami, Tita, Tito",paalam nina Jaime.

"Salamat sa inyo ha?"malungkot na ngumiti si Megan sa kanila.

"Wala pong anuman, Tita. Kaibigan din po namin si Jess Tita at nasasaktan din kami sa pagkawala niya. Kung kami nga ang sakit sakit na. Paano pa kaya si Xander?",malungkot na sabi ni Talia.

Hindi na din nagtagal ay umalis na silang magkakaibigan.

Si Megan ay pinuntahan ang anak na nagluluksa.

Si Kristan naman ay pumunta sa kanyang opisina sa mansion. Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon. Agad siyang nagpabuga ng usok sunod sunod para mahupain ang  galit na nararamdaman.

Nang maibsan ang tensyon sa kanyang loob ay agad kinuha ang kanyang telepono at may tinawagan.

Ring ring ring

"Boss"

"Anong resulta ng pinapagawa ko, Gab?"

"Negative boss. Not her"

"...."

---

Kinabukasan ay maagang nagising si Xander at kumuha ng mga pagkain.

Walang umimik kahit sino para tanungin ito kung saan niya dadalhin ang mga hinandang pagkain.

Kumuha din ito ng gatas na iniinom ni Abby.

Iyon ang nabungaran ni Megan pagkapasok niya sa kusina.

"Xander",tawag niya sa anak.

"Morning Mom"

"Saan mo dadalhin ang mga yan?"

"Sa mag-ina ko Mom baka magtampo sila kung hindi ko sila pupuntahan. Doon na ako kakain Mom.",sabi nito saka nilagay na sa lagayan ang kanyang dadalhin.

Napabaling nalang si Megan sa ibang direksyon dahil hindi niya kayang tingnan ang anak sa ginagawa nito. Tumingala din siya para supilin ang luhang nagbabadyang mahulog.

"G-gusto mo bang samahan ka namin anak?"

"I'm fine,Mom. Alis na ako Mom",paalam ni Xander saka umalis na.

Nang makaalis ang anak ay dahan dahang naglakad si Megan doon sa dining para makaupo.

Sobrang nag-aalala si Megan para sa anak ng gumabi na ay wala pa ito.

Saktong 9pm na ng makauwi ito. Agad kinuha ng katulong ang hawak nitong mga lalagyan.

"Salamat Auntie Cora. Paluto nga po ng seafoods bukas auntie paborito kasi ng asawa ko. Iyon ang babaunin ko bukas sa kanya",nakangiting sabi nito sa matandang katiwala nila.

"S-sige anak",naluluhang sagot ng matanda.

"Xander anak! Kumain ka na ba?",tanong ni Megan sa anak.

"Yes, Mom. Akyat na ako Mom"

"S-sige"

Araw-araw ay palaging pumupunta si Xander sa kanyang mag-ina. Umaalis siya ng umaga at uuwi nalang sa gabi.

Hindi na ito pumapasok. Iyon nalang lagi ang kanyang ginagawa sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Noong una ay hinahayaan lang siya ni Kristan dahil naiintindihan nito ang anak na nagluluksa. Bumalik ulit siya para gampanan ang posisyon ng anak bilang CEO ng kompanya.

Nanganak na din si Abby. Muntik na din silang naghiwalay ni Hans pero eventually ay naayos naman nila at tuluyan ng nagpakasal.

Tumutulong na din si Hans sa paghawak ng Steve Corp. Si Aaron ang nangangasiwa sa underground at MIA naman ang anak na si Angelo. Bigla nalang lulubog at lilitaw.

Isang taon na ang lumipas at ganoon pa din si Xander.

Hindi na kayang masikmura ni Kristan na nahihirapan din ang asawa sa pag-aalala nito sa kanilang anak na si Xander.

"Stop",matigas na sabi nito kaya napahinto si Xander na paalis na sana habang bitbit ang pagkain na dadalhin sa kanyang mag-ina.

"Dad, dadalawin ko po ang mag-ina ko"

"You are not going anywhere"

Napasinghap si Megan na nakaupo katabi ng asawang si Kristan.

Nagtatakang tiningnan ni Xander ang ama.

"Hindi pwede,Dad. Hinihintay ako ng mag-ina ko",matigas din na sagot ni Xander saka tumalikod.

"You are not fucking going anywhere Alexander Miguel! Don't make me repeat myself again hindi mo magugustahan ang gagawin ko!",banta ni Kristan sa anak.

"Babe",pang-aalo ni Megan sa kanyang asawa.

"You better stop hurting your Mom! Noon pa ako nagtitimpi sayo Xander! Hinayaan lang kita noong una kasi alam ko kung gaano kasakit mawalan ng minamahal. I felt it too when I thought I lost your Mom and Abby. Hindi mo ba naiisip kung gaano nag-aalala ang Mommy mo sayo! It also breaks my heart seeing her crying every fucking night thinking about you! Kung kailan mo matatanggap ang lahat!   Move on Xander! Don't be selfish! Huwag mong hintayin na may mangyari pa sa Mommy mo dahil ako ang makakalaban mo. Sinasabi ko sayo kahit anak kita hindi mo ako magugustuhang kalabanin."

--- 

Xander:Till Death Do Us PartDove le storie prendono vita. Scoprilo ora