48. Death

6.1K 134 13
                                    

Agad lumuwas pabalik sina Xander ng mga oras ding iyon.

Panay ang tunog ng kanyang cellphone pero kahit isa ay wala siyang sinagot.

Tulala lang siyang nakatingin sa labas habang nagtatangis.

Dapat nakinig siya sa kanyang sarili! Dapat hindi niya iniwan ang asawa!

Hinding hindi niya mapapatawad kailanman ang kanyang sarili.

Nang pinikit niya ang kanyang mga mata ay nakita pa niya ang nakangiting mukha ng asawa habang kumakaway sa kanya.

"Aaaarrggghhhh! This is not true! This is not happening. Please wake me up",umiiyak na kumbinsi niya sa sarili.

Panaginip lang to. Please wake me up.

Pero kahit paulit ulit niyang gisingin ang sarili ay nandun pa din siya.

Ilang oras din ang tinagal ng kanilang byahe bago nakarating sa hospital.

Agad siyang tumakbo papunta sa operating room.

Nakita niya doon si Talia na umiiyak habang yakap yakap ito ni Jaime.

Naroon din si Hans na pinapatahan si Kendra na umiiyak.

"Xander!"umiiyak na lumapit sa kanya si Talia.

"W-where's my wife?",nahihirapang tanong ni Xander.

"W-wala na siya! W-wala na si Jess! H-hindi nila kinayang iligtas pati ang baby sa tiyan niya!",umiiyak na sumbong ni Talia.

"N-no! No! That's not true! Where's my wife? Love! Love! Nandito na ako,Love! Ilabas niyo ang asawa ko!"

"Stop it, Xander! Binalaan na kita dati pa pero hindi kayo nakinig! Now, we lost her!",puno ng poot na sigaw ni Hans.

"Shut up! Buhay pa ang asawa ko! H-hindi niya ako iiwan! B-bakit ba ako nandito? Wala dito ang asawa ko! Nasa bahay lang ang asawa ko! Tama! Hinihintay niya ako! Sabi niya hihintayin niya ako!"

"Nasaan ang anak ko!",sigaw naman ng kararating na si Ginang Esteban kaya nabaling ang pansin ng lahat sa kanya.

"Ma...",agad na salubong ni Hans sa kararating na ina.

"Nasaan si Xander!",galit na sigaw nito saka agad sinugod ng hampas si Xander.

Pero hindi siya lumaban at tinanggap lang lahat ng galit ng ina ng asawa.

"How dare you! Wala akong paki-alam kung isa kang Steve! Walanghiya ka! Wala kang narinig sa akin ng puro pasakit ang binigay mo sa anak ko! Pati ba naman buhay niya ay kukunin mo na rin sa akin!"

"Ma tama na....",saway ni Hans sa ina.

Binigay niya si Kendra kay Talia at pinaki-usapang ilayo muna ang anak.

"Nakikiusap ako sayo Xander! Sa akin uuwi ang labi ng anak ko!",hagulhol ng ginang.

"H-huwag niyo naman ipagkait na makasama ko sa huling sandali ang asawa at anak ko",umiiyak na paki-usap ni Xander.

"Pasensyahan nalang tayo pero ngayon gusto ko namang ipagdamot ang anak ko! Kahit anong gawin mong pagmamaka-awa ngayon! Kukunin ko ang anak ko!",matigas na saad ng ginang.

"Nagpapamaka-awa ako, Ma! Gusto kong makita manlang ang asawa at anak ko! Paki-usap!",nakikiusap  na sabi ni Xander habang nakaluhod sa harap ng ginang.

"Lumayo ka! Ikaw ang dahilan kung bakit nawalan ako ng anak!",galit na sigaw ng ginang.

Agad dinaluhan ni Jaime si Xander at pilit pinapatayo.

"Ilayo niyo muna si Xander. Kakausapin ko muna si Mama",sabi ni Hans.

"Let's go, bro",sabi ni Jaime rito saka ito inalalayan palayo doon.

Inihatid  na nila si Xander sa mansion para makapagpahinga na din ito.

Nang makarating sila sa mansion ay napakatahimik ng bahay.

Walang nagsasalita kahit isa sa mga kasambahay. Naaawa sila sa kanilang amo. Naluluha din sila sa sinapit ng asawa nito.

Hindi nagtagal ay dumating na din sina Kristan maging sina Megan kasama ang kambal. Maging sila ay nagulat sa balitang narinig nila.

"X-xander anak. Nandito lang kami",masuyong sabi ni Megan at yumakap sa tulalang anak.

"Mom? Hindi ko kaya Mom! I need my wife! Give me back my wife!",umiiyak na paki-usap nito.

"Oh Xander anak! Magpakatatag ka! Andito lang kami para sayo hindi ka namin iiwan anak!"

"Ang sakit sakit Mom! Bakit pati anak ko! Pano na ako!"

Nang gabing iyon ay nagluksa ang lahat sa pagkawala ni Jess.

Galit na galit naman si Kristan ng malaman na kinuha ng mga Esteban ang mga labi nina Jess at ang kanyang anak.

Kinaumagan ay maaga silang umalis para pumunta sa chapel kung saan naroon ang mga labi ng mag-ina ni Xander.

Nang makarating ay madami na ring mga tao ang naroon. Ang lahat ng kanilang mga kaibigan ay naroon.

"Where's my wife?",galit na tanong ni Xander ng makita ang malaking larawan ng asawa at sa harap niyon ay isang maliit na jar.

"What the fuck did you do to my wife!",galit na sigaw niya kay Hans.

"Si Mama ang nagdesisyon na ipacremate-"

"Without asking me! This is bullshit! I am her husband! Hindi ako kung sino sino lang! Asawa ako!",galit na sigaw ni Xander.

Lahat ay natahimik at napatingin sa nagwawalang si Xander.

"Xander! Huwag mong batusin ang lamay ng anak ko!",galit na sigaw ng kanyang byanan.

"Ma! I have the right to decide for my wife dahil asawa ako Ma! Bakit hindi niyo man lang ako sinabihan na ipapacremate niyo ang asawa ko! Hindi ko man lang nakita ang asawa ko Ma! Because you never gave me the chance!"

"You deserve that pain! Dahil sobra pa yan sa nararamdaman ko ngayon!"

"..."

"3 days. Tatlong araw lang ang ibibigay ko para ipagluksa mo ang anak ko. Hindi ko kayang makita pa ang pag-mumukha mo kaya aalis  ako papuntang America para malimot ko ang sakit na dulot mo sa pamilya ko."

---


Xander:Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon