2. New Friend

15.1K 354 31
                                    

"Okay class, I will distribute your paper so you would know your score during the long quiz. This will be your basis on what to review for the final exam. Those who got perfect score are exempted", litanya ni Mrs. Ocampo.

"Mr. Falcon"

"Mr. Dela Vega"

Nang makuha nila ang kanilang papel ay hindi nila mapigilan ang mapangiti ng makita ang nakasulat na score sa taas ng kanilang papel.

"Ms. Esteban"

Excited na kinuha ni Jessica ang kanyang papel at mahinang napayes! Kaya naman kumunot noo si Mrs. Ocampo.

"Ms. Esteban, tuwang tuwa ka pa sa score mo sa lagay na yan? You only got 25 out of 100 for Pete's sake!", sarkastikong sabi ng kanilang guro.

Nagtawanan naman ang mga estudyante.

"Ma'am this a good news nga eh! Buti naka 25 ako at hindi zero kasi nagreview ako!", natatawang sagot ni Jess. She's really having fun.

Lalo tuloy natawa ang kanyang mga kaklase.

"Hay naku! Ewan ko sayong bata ka! Kailan ka ba magseseryoso?", naiiiling nalang sa sagot ni Mrs. Ocampo.

"Ms. Vera Cruz", pagpapatuloy nito.

Tumayo naman si Bea matapos matawag ang kanyang apelyido.

"Congratulation Bea, you nailed it again. You are exempted in the final exam!", nakangiting wika ng guro sa kanya.

"Thank you po ma'am", nahihiyang sagot ni Bea.

Kinuha niya ang kanyang papel at nakangiting bumalik sa kanyang pwesto.

"Congrats besty", nakangiting bati ni Jessica dito.

"Thanks besty. Hayaan mo sa susunod tutulungan kitang magreview", nakangiting wika ni Bea.

"No need besty! I have a better idea in mind. Nyahahahaha"

"Pero-"

"Shhhh!"

"Okay class! That's all for today! Again congratulations to Mr. Porifio and Ms. Vera Cruz. You may now go to the canteen and have your snack."

Agad namang nagsilapitan sina Talia at Carmen sa kanila.

"Hoy! Enchong! Congrats ha? Galing niyo talaga ni Bea. Bilib na 'ko sainyo!", sabi ni Talia

Si Enchong ang presidente ng classroom nila na naging kaibigan na din nila.

Siya ay pusong mamon na pilit nagpapakalalake.

"Guys! Mauna na ako ha? Hahanapin ko pa kasi si Xander! Bye gurls! Kita kits sa kantina", mabilis na paalam ni Jessica sa mga kaibigan sabay alis.

Wala ng nagawa pa ang apat kundi tanawin ang nagmamadaling kaibigan.

Mabilis na pinuntahan ni Jessica si Xander sa kanyang classroom. Sakto namang patapos narin ang klase nila kaya naghintay nalang si Jessica sa labas.

Napailing nalang si Xander matapos makita ang dalagang naghihintay sa kanya. Nairita pa siya sa mga pasimpleng paghagod ng kanyang mga classmate na lalaki dito. Paano ba naman kasi bastusin naman kasi ang suot nito. Napaiksi ng kanyang palda at kitang kita ang kanyang hita.

At higit sa lahat ay nakamake up pa ito. Kaya ayaw na ayaw niya sa dalaga eh. Kabaliktaran kasi ang kanyang tipo. Iyong kagaya ni Bea pero hindi naman siya makaporma dito kaya hanggang tingin nalang muna siya.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?", inis na asik ni Xander dito.

Bahagya pang namula dahil sa pagkapahiya si Jessica dahil madaming nakikiusyosong estudyante sa kanila pero kinapalan nalang niya ang mukha. Matagal na niyang hinahabol ang lalaki kaya sanay na siyang ireject nito. Pasasaan ba at mamamahalin din siya nito pabalik. For now, titiisin nalang muna niya ang pagpapakipot nito.

Xander:Till Death Do Us PartWhere stories live. Discover now