25. Taking the Risk

9.2K 164 8
                                    

Gabi na ng hinatid siya ni Xander sa kanilang bahay.

"Saan ka galing?",bungad sa kanya ng ina pagkabukas niya ng pintuan.

Natigilan si Jess ng makitang seryoso ito. Dahan dahan niyang sinara ang pinto.

"This week is sportsfest Mummy. Nagkayayaan pa kaya ngayon lang ako nakauwi"sagot niya

"Sinong naghatid sayo?"

"Si Xander po"

Narinig niyang humugot ng malalim na hininga ang kanyang Mummy bago nagtanong ulit.

"Kayo na ba?"

Natigilan si Jess sa tanong ng kanyang ina. Sila na ba ni Xander? They are kissing, making out and now they did it all the way pero hindi niya sigurado kung ano ba talaga sila.

"We're good, Mum. Iyon naman ang mahalaga eh"sagot niya.

"Take care of your heart Jess. Ayokong makitang masaktan ka na naman. Go to your room and please don't forget to drink your medicine"sabi ng kanyang ina saka siya iniwan.

Should she call Xander and ask kung anong status nila? She treat her as her girlfriend pero he never ask her.

Paano sila magcecelebrate ng monthsary? Anniversary?

No Jess. Don't entertain those in your mind. Ang importante pinaparamdam niya sakin na sa kanya ako.

Tiningnan niya ang suot na singsing.

Can she really be a good wife for Xander? Maibibigay ba niya ang gusto nito? Makakaya ba niya?

She touch her stomach and it breaks her heart thinking na hindi niya kakayanin.

No, there has to be a way.

That night, she did not take her medicine.

----

Kinabukasan maagang umalis si Jess sa kanilang bahay. Agad niyang nakita si Ben sa labas na naghihintay sa kanya.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng sasakyan ni Ben.

"Anong nangyari? Why do you want to meet your doctor?"tanong nito habang nasa biyahe sila.

"May tatanungin lang ako"sagot ni Jess.

Natigilan si Jess ng makitang tumatawag si Xander. She choose to ignore the call and put it into silent.

Napataas ang kilay ni Ben ng mapansin iyon.

"Nag-away kayo?"usisa nito.

"No. We are okay. Baka kasi tanungin niya kung nasaan ako hindi ko alam ang sasabihin ko. Tawagan ko nalang after ko makausap si Doc" paliwanag ni Jess.

Screeachh!

Biglang natapak ni Ben ang preno ng sasakyan ng mapansin ang suot na singsing ni Jess.

"Anong nangyari?"gulat na tanong ni Jess.

"Is that an engagement ring?"hindi makapaniwalang tanong ni Ben.

"Oh this? Yes. He said we'll get married after his graduation"masayang sabi ni Jess saka nilapit ang kamay sa kaibigan.

"Ohmygosh! For real? Bakit hindi namin alam? How did he proposed? Candle light? Tapos may rose petals?"

Napangiwi nalang si Jess. Well hindi naman kasi ganun ang nangyari. He just slidd the ring in her finger.

"He bought a condo for us then doon siya nagpropose"nakangiting sabi niya.

"I'm so happy for you Jess! But, are you gonna tell him about your heart?"

"No. Not yet"mabilis na sagot ni Jess at biglang naging seryoso.

Hindi nagtagal ay narating na nila ang hospital kung saan naroon ang personal doctor ni Jess. She refuse to call her sa bahay nila kasi malalaman ng kanyang Mummy kaya siya nalang ang pupunta dito.

The doctor is expecting her to come so she freed her sched to accommodate Jess.

"Ben, pwede bang hintayin mo nalang ako sa labas? I want to talk to my doctor alone"request ni Jess.

"Why?"nagtatakang tanong ni Ben.

"Please?"

Bumuntong hininga si Ben pero walang nagawa kundi umalis din.

"Jess, what do you need? Are you feeling well?"tanong ng kanyang doctor.

"Okay naman po Doc. May tatanungin po sana ako kaya ako nagpunta"sabi ni Jess saka umupo.

"What is it?"

"Doc, okay lang po ba kung mabuntis ako?"kinakabahang tanong niya.

Hindi agad nakasagot ang doctor at tinitigan si Jess kung seryoso ito sa tanong.

Kumakabog ang puso ni Jess habang hinihintay ang sagot nito.

"I have to be honest with you hija. It will be very risky sayo to get pregnant. You cannot take your medicines kapag nabuntis ka. And you know what will happen to you when you stop taking your med Jess. We are currently in search for a compatible heart for you. You can still bear a child after the transplant. But for now please do not think of it first"

Hindi mapigilan ni Jess ang maluha.

"When is it Doc? Wala namang kasiguraduhan kung may makikita tayong donor eh. Gusto kong malaman  if my child can survive sakaling mabuntis ako. Kahit huwag na ako. Okay lang"

"Jess hindi magugustuhan ng Mummy mo pag narinig niya yan"

"Just answer me, Doc"

Matagal bago sumagot ang doctor at tinatantiya ang isasagot.

"Yes pero pwede mo itong ikamatay, Jess"sabi nito.

"That's what I want to hear, Doc. If my child will survive, I will take the risk" sabi ni Jess saka nagpa-alam na  sa kanyang Doctor.

Agad lumapit si Ben ng makitang lumabas na si Jess mula sa loob.

"Hey, are you okay?"tanong niya kay Jess.

"Yes, let's go"sagot ni Jess saka nauna ng naglakad.

Nagtataka man ay mabilis din sumunod si Ben.



Xander:Till Death Do Us PartWhere stories live. Discover now