12. Sweet Sauce

10.5K 225 9
                                    

"Wow, hiyang hiya naman kami sa inyo ano? Wala ng paki kung gusto namin kayo kashare no? Pumayag kami?", sarkastikong tanong ni Talia.

"Maawa ka naman samin Talia", pacute na sabi ni Martin.

"Never!"

"Ang harsh mo! Bitter ka pa din kay Jaime no?", hindi patatalong komento ni Martin na ikinalaki ng mata ni Talia.

"Ako? Jan sa lalaking yan! Magsama sila ng babae niya no! Isaksak niya pa sa baga niya! Sa ganda kong to! Duh!", gigil na sagot ni Talia saka inirapan ang katabing si Jaime.

Natawa nalang si Jaime. Maging si Xander ay hindi napigilan ang ngumiti ng nakakaloko.

"Nakakatawa?", nagngangalit na tanong ni Talia.

 "None, babe", nakangising sagot ni Jaime na ikinamula ni Talia.

"Babe your face! Hindi ako baboy!" inis na singhal niya kay Jaime.

"Naku bro! Nakikinita ko na ang future mo. Kawawa ka naman", kantiyaw ni Danny kay Jaime.

"Talaga Danny? Eh kung tawagan ko kaya si Carmen no?", hirit naman ni Martin.

"Oh bat nasali ako diyan. Makaorder na ngalang ng pagkain"

"Makasabi ka pareho lang naman kayo eh."

Natutuwang nanunuod lang sa kanila si Jess. Tutok na tutok sa kanilang mga pagbabangayan.  Hindi niya na napansin si Xander na kinuha ang tinidor sa plato niya at balewalang kinain ang pagkain ng dalaga.

Syempre hindi iyon nakaligtas ta matalas na mata ni Talia.

Napairap nalang siya kay Xander.

Sobrang tawa ni Jess habang nakikinig sa asaran nila. Kinuha niya ang kanyang tinidor at tutusok na sana ng kanyang pagkain kaso wala ng laman ang kanyang plato.

Nagtaka pa siya. Hindi na niya napansin ang oras at naubos na pala niya ang kanyang pagkain.

Kinuha nalang niya ang tinidor at saka sinubo. Sayang kasi ang sauce. Ang sarap pa naman. 

Napatigil siya ng makitang nakanganga sa kanya si Talia.

"Why?", nagtatakang tanong ni Jess dito

"Masarap?", natatawang tanong ni Talia ng makabawi sa pagkabigla.

"Of course. It's sweet. I want more pa nga eh. I didn't even noticed I already finished my food. Pati ang sauce ang sarap", nagtatakang  sagot ni Jess na sinagot lang ng malakas na tawa ni Talia.

Nagtataka siyang napalingon ng sunod sunod na umubo ang katabi. Sobrang pula ng mukha nito.

"Are you okay?", nag-aalalang tanong ni Jess kay Xander.

Pero napanguso nalang siya ng biglang tumayo si Xander at mabilis na tinungo ang toilet.

"What happened?", hindi pa rin maunawaang tanong ni Jess.

-

Xander:Till Death Do Us PartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora