62. Picture

9.8K 319 83
                                    

Pagpatak ng alas singko ay dali-daling nagligpit si Jess ng kanyang gamit.

Kailangan na niyang umalis dahil susunduin na niya ang kanyang anak.

Buti nalang wala sa mesa ngayon si Danica kaya mas binilisan pa niya ang kanyang kilos. Baka siya maabutan eh pigilan pa siya nitong umuwi kasi hindi pa niya tapos ang pinapaencode nito.

Lihim siyang nagdiwang ng makapasok na siya sa loob ng elevator.

Halos takbuhin na niya ang car park sa sobrang pagmamadali.

Dahil uwian na ng mga empleyado ay traffic na sa daan.

Malapit na siya sa BIS ng magring ang kanyang cellphone.

Boss calling....

Hinayaan niya iyong magring habang nagpapark siya ng kanyang sasakyan.

Kaunti nalang ang mga bata na naroon.

Nang tingnan niya ang oras ay 5:45 pm na. Dali-dali siyang bumaba at lakad takbo niyang tinungo ang classroom ni Lav. Binalewala nalang niya ang walang tigil na pagtunog ng kanyang phone.

Hindi nagtagal ay nakarating din siya. Natigilan siya ng mapansin kung gaano kalungkot ang anak habang nakaupo na sa labas ng classroom nila.

Kasama nito ang kanyang guro na hindi din masaya ang mukha. Nakita pa niya ang pasimple nitong pagtingin sa kanyang relo.

"Mommy!",masayang sabi ni Lav ng makita siya at patakbong pumunta sa kanya.

Agad siya nito niyakap ng mahigpit ng makalapit.

"Mommy, why are you so late?",nakangusong tanong nito

"I am sorry anak.",she said guiltily.

"It's okay Mommy. I understand that you need to work kasi wala na tayong money",nakangiti ng sabi ni Lav.

"Thank you teacher",nahihiyang sabi ni Jess sa kanyang teacher.

"Misis sana po sa susunod mas agahan niyo po na sunduin si Lavigne",seryosong sabi ng guro.

"I will try po. Thank you again teacher", sabi ni Jess saka kinuha na ang maliit na kamay ng anak saka sila naglakad paalis.

"Mommy",tawag ni Lavigne

"Yes,Lav?"

"I don't like in here",malungkot na sabi ng kanyang anak.

Napatigil siya sa paglalakad at pumantay sa anak na ngayon ay malungkot na nakatungo.

"Why? Is there something that happened?",nag-aalalang tanong ni Jess.

"I can handle them pa naman po Mommy but I don't know until when. If they won't stop I will just punch their ugly face!",nakasimangot na sagot ni Lavigne.

"Lav!",natitilihang sabi ni Jess.

"They make fun of me! They said I got no Daddy!",nakasimangot na sabi ni Lav.

"Hayaan mo anak. Malapit mo ng maging tatay si Lucas Bratley",nakangiting sabi ni Jess.

Pero mas lalo pa atang napasimangot si Lav at hindi nagustuhan ang sinabi ng ina.

"I don't like him! I want my real Daddy!"

"Saan naman natin hahanapin ang Daddy mo?"

"Tsss. I'll wait for you to remember him nalang po",malungkot na sabi nito saka nagdiretso na ng sasakyan at saka pumasok.

Naiwan na natitigilan si Jess. Ang totoo natatakot siya na alamin ang tungkol doon. But, is she selfish para hindi naisip na kailangan din ng anak niya ang tatay nito?

Xander:Till Death Do Us PartWhere stories live. Discover now