13. Smells good

10.4K 215 16
                                    

Monday

Jessica is so excited to go back to school.

Ngayon din ang dating ni Ben from US. Pero ayaw nitong magpasundo.

"Jess ang bilin ko sayo. No extreme emotions", seryosong bilin ni Mrs Esteban sa anak.

Jessica is not fully healed yet.

She still need heart transplant. Pero wala pa silang mahanap na donor. Nagpalista na sila sa nangangailangan ng heart transplant dahil hindi naman iyon madali. Hindi rin siya nag-iisa. Marami sila and they don't have a choice but to wait for their turn.

However, they are grateful to God kasi sobrang laki ng improvement sa health niya. Hindi na siya kagaya dati na sobrang putla. Hindi na kailangan ang sobrang kapal na make-up para itago ang kanyang pagkaputla.

"Yes, Mum. Don't worry much. I can handle myself", nakangiting sabi ni Jessica saka naglalambing na yumakap sa kanyang ina.

"Ang tigas ng ulo mo,Jess. We don't need to come back yet", nangingilid ang luha na saad ni Mrs Esteban.

"Mum, ayan na naman tayo eh. I'm very fine Mum. Stop worrying okay?", malambing na sabi ni Jess saka pinunasan ang luha ng kanyang ina.

"I love you Jess. Please take care of your health. Kayo nalang ni Hans ang meron ako.", emosyonal na sabi ni Mrs Esteban.

"Yes Mum I will and I love you too", mabilis na humalik si Jess sa pisngi ng kanyang ina at saka tuluyang nagpa-alam na para pumasok.

As much as possible ayaw niyang nakikitang malungkot ang kanyang ina.

"Goodmorning Mang Andres", masayang bati niya sa kanilang driver .

"Maganda ka pa sa umaga Ma'am Jess", sagot ni Mang Andres at mabilis na pinagbuksan si Jess.

Sobrang excited na siya talaga. She was very obedient to take her medicines para lumakas na siya because she really wanted to go back to Pinas. And thank God it really happened.

She miss everyone so much. Her friends. And of course si Xander.

She haven't visited their house yet eh magkapit-bahay lang naman sila. Sobrang higpit kasi ng Mummy niya. She think her Mum is so scared about what happened a year ago so, she strictly wanted her to distance from Xander.

Which is very impossible thing to happen. He is the reason why she gets better. She wanted to go back because of him so she obediently take her medicines and all.

Nang malapit na sila sa Steve Uni ay biglang kumabog ang dibdib niya sa sobrang kaba.

What if, marami na palang nagbago?

Kinakabahan talaga siya.

The car stop at the parking area. Sobrang dami na ng mga estudyante. May mga ilan na nakatingin sa sasakyan nila. Siguro curious kung sino ang laman nun.

Bumaba si Mang Andres at pinagbuksan siya ng pinto.

Kinakabahan pa din siya habang palabas ng sasakyan.

Agad namang napasinghap ang mga estudyante ng makita si Jessica.

"Si Jessica Esteban ba yan?"

"Oh my gosh bumalik na siya!"

"Ang ganda niya!"

May ilan pa na kumuha sa kanyang larawan.

Huminga siya ng malalim at saka siya ngumiti sa lahat.

"Goodmorning", masaya niyang bati sa lahat.

"Hi, Jess!"

"We miss you!"

"Ang ganda mo lalo!"

"Maganda ba sa US?"

Hindi niya napaghandaan ng bigla siyang dumugin ng lahat.

"I'm fine. A-aray", sabi niya ng bigla siyang natulak ng isang babae dahil nagsisiksikan na sila para mapalapit lang sa kanya.

Hindi pa siya nakakabawi ng biglang may humigit sa kamay niya at hinila siya.

"Aaahhh",dahil sa gulat ay hindi na niya napigilan ang mapahiyaw habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Natahimik tuloy ang lahat ng naroon.

Nauntog lang naman kasi siya sa matigas na bagay pero hindi iyon masakit. 

Pero teka bakit parang ang bango naman ng naamoy niya. Inamoy niya pa ulit.

Hmmmmm. Ang bango.

Pero natigilan siya ng makarinig ng hagikhik.

Ha?

Dahan dahan siyang nagmulat ng mata at sumalubong lang naman sa kanya ng hindi maipintang mukha ni Xander! Nanlaki tuloy ang kanyang mga mata sa pagkabigla.

Paanong nangyaring nasa dibdib siya nito?

Dibdib lang naman ni Xander ang inamoy amoy niya kanina.

"I'm sorry", pulang pulang hingi ng paumanhin ni Jess at saka nagmamadali ng umalis.

-






Xander:Till Death Do Us PartWhere stories live. Discover now