Fifty-four (special chapter)

2.4K 61 12
                                    

Fifty-four

"Dad!" kumaway-kaway pa si Nairo nang bumaba ako ng sasakyan. Inihagis ko ang susi sa tauhan at excited na binuhat ito ng makalapit sa akin.

"What happened to your face?" takang tanong ko rito. Waring namantal kasi iyon at pulang-pula. Matatagpuan iyon sa kaliwang pisngi nito.

"Kinagat ako ng mosquito."

"What?"

"Don't worry, Dad. Kasi gaya nang turo ni Mommy, hindi po ako nanakit, because I know it's bad." Proud na proud pang sabi nito.

"Pero mosquito lang naman iyon," napakamot sa ulong sabi ko rito.

"Pero kadugo ko na s'ya, Daddy. Dapat ang mga kadugo ay minamahal." Pagrarason ng apat na taong gulang kong anak. Napabuntonghininga ako, hindi ko na nga kinakaya ang isang Nazneen sa buhay ko sa mga kainosentihan, domoble pa iyon sa katauhan ng anak ko.

"Pasok na nga tayo, nasaan ba ang Yaya mo? Pinapabayaan ka rito sa labas."

"I told her po na bumili s'ya sa blood bank ng blood. I think ang mga mosquito ay need ng dugo. So, mag-give tayo sa kanila."

"At pumayag ang Mommy mo?" nakaangat ang kilay na tanong ko rito.

"Yes, she did. I don't understand Mommy, kasi hungry raw s'ya, pero tinititigan n'ya lang 'yong food." Napangiwi ako sa narinig. Dahan-dahan pa akong sumilip sa bukana ng dining room.

"Why, Daddy?" malakas na tanong ni Nairo. Dahilan para maagaw ang atensyon ni Nazneen at agad na ngumiti.

"G---ageeee, thank God, narito ka na. Halika rito." Nakakapanlumo. Dati naririnig ko lang kay Cayde ang sinasapit nito sa tuwing naglilihi si Anila. Pero ngayon nararanasan ko na. Mas malala pa, dahil kung si Anila ay isa-isa lang na putahe ang gustong ipakain kay Cayde, iba naman si Nazneen. Dalawang buwan na ang pinagbubuntis nito sa second baby namin. At kapag nagpahanda ito ng pagkain ay manlulumo ka talaga. Dahil gusto nitong ipatikim lahat sa akin ang mga nakahain.

Para ma-satisfy rin ito, kailangan ipakita kong natutuwa ako at sarap na sarap sa kinakain ko. Dahil tiyak na iiyak ito kapag hindi nasunod ang gusto.

"Wowwww, mukhang masarap." Ngiting-ngiti na sabi ko. Nanlulumo, dahil tiyak magtatagal na naman ako mamaya sa gym.

"Sabi ko na nga ba magugustuhan mo."

"What happened to your face, My Nairo?" takang tanong nito.

"Kinagat daw ng lamok."

"What?"

"Mom, sinabi ni Yaya kanina, 'di ba?"

"Hindi ko narinig anak, sorry." Matulis ang nguso nito. Napailing na lang ako. Mabuti nga at mukhang ayos ang pakiramdam nito ngayon. Medyo maselan kasi ang unang stage ng pagbubuntis nito, 'di tulad noong unang pagbubuntis pa lang nito. Mabilis pang ma-upset sa simpleng bagay lang.

"Nasaan na si Yaya?"

"Nagpunta nga pong blood bank."

"Why?"

"Don't ask na lang, baka ma-stress ka." Sabi ko rito ngunit nagsalita na ang anak ko.

"'Di ba nga po blood ang food ng mga mosquito, mag-do-donate ako ng food sa kanila." Nagsalubong ang kilay ni Nazneen. Oh God, salamat naman at hindi na nito sinakyan ang trip ni Nairo. Pero ang ngiti kong naging malawak ay kusang nawala.

"Dapat sinabi n'yo sa akin, at ipinaliwanag na mabuti. Para sana nakapagpadagdag pa tayo." Oh God.

"Kain ka na!" utos nito sa akin. Ngayon ang pagkaing nakahain ay mukhang nagmula pa sa paborito g store ni Nairo. Jollibee.

"In-order ko lahat ng favorite ni Nairo, alam kong gustong-gusto mo rin 'yan."

"Y-eah, gusto ko nga rin 'yan." Tugon ko at ginagap ang kamay ng asawa ko at hinalikan iyon.

"I love you."

"I love you too. Pero no sex pa rin, kasi tinatamad ako."

"Sex?" tanong ng anak ko. Nakalimutan na namang nasa paligid lang ang makulit na anak.

"Yes, anak." Tugon ni Nazneen." Sex means..." mabilis kong tinakpan ang tenga ni Nairo. Hindi pa rin talaga nagbabago si Nazneen. Inosenteng-inosente pa rin, para rito ang mga bagay-bagay ay maaaring ipaliwanag. Palibhasa matalino talaga ito, at lahat ng bagay ay tinitignan into positive way. Kahit nga 'yong snacher na humaltak sa bag nito noong nasa labas kami ng mall, hindi nito ipinakulong noong nahuli. Imbes, tinulungan pa nito.

"Nairo, nakausap ko ang teacher mo." Parehong napatingin si Nairo at Nazneen sa akin.

"Sinabi po ba n'yang very good ako?" tanong nito. Mabilis akong umiling.

"Bakit? Hindi ba very good ang anak natin?" worried na tanong ni Nazneen.

"Anak, kaya nagpupunta si Teacher dito, kasi gusto ka n'yang turuan. Pero sa tingin mo magagawa n'ya pa iyon kung sa bawat pagdating n'ya, ipasasagot mo ang math problem mula sa calculus?" ipinasuri na namin si Nairo. Masyadong matalino ang anak namin, paborito nitong basahin ang mga libro ko sa library, imbes na mga story book na available sa mini library nito. Hindi rin ito mahilig sa mga toys, dahil mas mahaba ang oras nito sa pagbabasa. Imagine, he's just 4 years old.

"Gusto mo ba anak, i-hire natin si Ninang Jas? Teacher din 'yon." Ngiting-ngiti na sabi ni Nazneen. Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling.

"No! No! No! Mag-ha-hire na lang ako ng panibago, maawa na kayo sa akin." Sabi ko sa mga ito saka nagsimula nang kumain. Pakiramdam ko, bigla akong nagutom.

"Daddy, kapag nag-five na ako sa birthday ko, ako na po ang gagawa ng work mo." Nasamid pa ako sa spaghetti na kinakain ko dahil sa sinabi nito.

"Anak, bata ka pa. Hindi mo need magtrabaho. Kapag 20 ka na, payagan ka ni Daddy." Malumanay kong paliwanag dito.

"Okay." Sabi naman nito at kumain na rin. Pinapanood lang kami ni Nazneen, at nang makitang hindi ko na talaga kayang kainin ang natitira, saka ito kumain.

•••••••••••••

"Daddy..." sunod-sunod na tumahip ang dibdib ko nang marinig ko ang tinig ni Nairo. Kapag ganoong tono kasi, it's either pasasakitin nito ang ulo ko sa mga out of this world na tanong, or may ipagagawa ito na hindi ko kaya.

"A--nak?" pumasok ito sa office ko, humakbang patungo sa akin at nagpakandong.

"Can you please teach me how to use this." Bitbit pala nito ang tablet nito, at kasalukuyan nasa app ito ng online shopping. Nanlaki ang mata ko sa mga item na naka-add to cart doon.

"Anak?"

"Daddy, I think soon kakailanganin ko ito."

"Hindi mo kailangan ng mountain bike, you're just 4, anak."

"Still, I want to buy this one." Chineck out na nito iyon. At waring nanghula lang ng pinindot. Napabuntonghininga ako dahil nabayaran na nito, it's a Lamborghini x Cervelo P5X. Hindi ko na babangitin pa ang presto. Kung tutuusin barya lang naman sa aming mag-asawa iyon. Mukhang namana ni Nairo ang pagiging mahilig sa online shopping.

"Daddy, how about this?" tanong nito sa akin.

"Motor parts? Anak, wala ka namang motor." Paliwanag ko rito.

"I think I'll need that in the future." Sabi nito. Saka chineck out iyon at binayaran na agad. Napakamot na lang ako sa ulo saka inagaw rito ang tablet.

"That's enough, maligo na tayo, at matutulog na. Ayaw na naman akong katabi ng mommy mo."

"Big boy na ako, Daddy. Sa guest room ka po matulog. Bye-bye!"

"Nairo!" tawag ko rito. Parang tumatalbog-talbog pa ito dahil sa medyo chubby ito.

Napabuntonghininga na lang ako. Siguro nga, sa guest room na muna ako.

A/n: end of special chapter 1.

Nasa D•R•E•A•M•E na po ang ibang part ng series ko. Shade, Cayde, L.A, Gage, Abe, Boss H, Landon, Abram, Soul, Yko and Mec.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainWhere stories live. Discover now