Thirty-five

1.1K 48 5
                                    

THIRTY-FIVE

"Alam mo bang nasa Mansion namin si Naz, Quinn, Batsy at Bible?" natigilan ako sa pagsara sa laptop ko. Si L.A ang kameeting ko ngayon, may malaking proyekto ang na-i-close ng team. Napaangat ang kilay ko at 'di naiwasang kabahan.

"W-hat do you mean?"

"Ipinakilala nila Quinn si Naz kay Jas!"

"Nagbibiro ka lang, sabihin mo na biro lang!" mariing sabi ko rito. Sabay iling. Nabuhay ang masamang kutob sa puso ko.

"No, I'm not!" sabi ni L.A. Masama kong tinignan si Yko at Mec na tumatawa.

"A-nong oras mo pa nalaman?"

"Kaninang 1:30 pm, ngayon ay 5:30 na!" nanlulumong napasandal ako sa upuan at hinilot ang sintido. Hindi rin naging madali ang meeting na ito, ilang oras ang seryosong usapan upang matiyak lang na walang magiging problema.

"Pakiramdam ko hindi ko na maisasalba si Nazneen sa impyerong pagdadalhan ng mga asawa n'yo sa kanya!" pabirong sabi ko rito. Tinawanan lang naman ng mga ito.

"Matino ang asawa ko!" nakangising sabi ni Shade na ngayon ay prente na ring nakaupo sa couch ng office ko.

"Tama si Shade, lahat ng babae sa The Alpha's Town, kay Danny lang ako kumbinsidong matino s'ya." Sabi ni Yko na kadarating lang kahapon. Nanghinayang pa ito na hindi nakasama sa outing ng lahat.

"By the way, Yko, nakausap mo na ba 'yong babaeng tinakbuhan mo at ang anak mo!" napatingin kaming lahat.

"Dude, nakakakilabot! Wala akong tinakbuhan at wala pa akong anak!" mabilis nitong depensa para sa sarili.

"Pero si Boss H ang nilapitan ng babae!"

"Tsk, pera lang ang kailangan ng taong iyon. Wala pa akong nabubuntis!" depensa nito na nakasimangot na. Napailing na lang ako, alam namin ang issue na iyon dahil noong nasa abroad si Yko ay kami, kasama sina Boss H ang humarap sa mag-ina.

"Bakit kasi ayaw mo pang magpa-DNA test kayo?" tanong ko rito.

"I'm not going to waste my time, mag-aaksaya lang ako ng oras ko. I'm busy, dude!" napatango-tango naman kami. Iba talaga kapag may pera, habulin ng mga babae. Isa pa, gwapo rin ito medyo lamang nga lang ako.

"Kailangan ko ng umuwi, nag-text ang guard, hindi pa raw lumalabas ang asawa ko kasama ang girls." Tumayo na rin ako pagkasabi ni L.A noon. Si Shade na malawak ang ngisi ay papito-pito pa.

"See you say The Alpha's Town!" sabi ni Yko na mukhang may plano pang gumala bago umuwi.

"How about you, Mec?"

"I'll go with Yko!" sabi nito na ngayon ay abala ang mata sa cellphone. Ang tsismosong si Yko ay nakisilip din.

"Who's that? You're daughter?" tanong nito sa lalaki. Na-curious tuloy kami at lumapit sa kanila.

"Of course not!" akmang itatago nito ang cellphone ngunit mabilis na naagaw ng papasok na si Landon.

"Not his daughter, but his girl!" nakangising sabi nito at iniharap sa amin ang screen.

"Mace?" napasimangot si L.A at ginulo ang buhok ni Mec.

"'Wag mong hayaang lunurin ka ng nararamdaman mo sa kanya, she's too young, Mec!" ngumisi naman si Mec at nagkibitbalikat.

"I don't give it a f*ck if she's too young, I'll wait, pag-18 na s'ya. Pakakasalan ko na s'ya!" napailing na lang kami. Ibang klase rin ang tama ng taong ito sa kapatid ni Jas.

"By the way, any update sa asawa ni Cayde?" tanong ni Yko ng sabay-sabay na kaming lumabas.

"Wala pa rin, para na ngang masisiraan ng bait ang lokong 'yon!"

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainWhere stories live. Discover now