Thirty-one

1.1K 43 1
                                    

Thirty-one

"Madella?" patakbo akong lumapit sa pinsan ko. Nagpaalam ako kay Gage na pupunta muna sa banyo. Gusto pa nga nitong sumama kaso mabilis akong tumutol nakikita ko kasing masayang-masaya itong nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nito.

Inabutan ko ito sa lounge area na umiiyak at inaasikaso ng ilang staff. May nagpupunas ng buhok nito at may naglilinis ng kamay nitong may gasgas. Nag-aalalang lumapit ako rito.

"What happened? Sinong gumawa sa'yo n'yan?"

"Kasalanan mo ito! Baka nga ikaw ang nag-utos na gawin sa akin ito ng mga kaibigan mo! Nagpapanggap ka lang na santa pero demonyita ka talaga!"

"Hindi ko inutos, sinong may gawa sa'yo nito?" gusto ko s'yang hawakan at aluin sa pag-iyak ngunit nakikita kong sa paraan ng tingin nito ay ayaw n'ya akong lumapit.

"M-adella!"

"Ikaw talaga ang peste sa buhay ko, inagaw mo na ang lahat sa akin! Pati si Gage! Akin si Gage eh, bakit ang landi mo!"

"H-indi ko a-lam!" naiiyak kong sabi rito. Akala ko ba walang ibang kasintahan si Gage?

"Lagi ka na lang walang alam, malandi ka! Ikaw ang dahilan kung bakit napahamak ako."

"Naku, masama po ang magbintang!" singit ng isang staff." 'Di ba po natumba po kayo dahil sa suot n'yo, tapos para mapansin kayo ni Sir Gage, humingi kayo ng dinuguan at ibinuhos sa sarili n'yo." Natigilan ako at sumeryoso ang mukha. Bakit nga ba hindi pa ako nasanay sa pinsan kong ito. Madalas magalit ang mga relatives ko sa akin, dahil kahit wala akong ginagawa ay napapahamak ako sa tuwing gumagawa ito ng totoo.

"What are you talking about? Liar!" sigaw ni Madella na ikinakislot ko sa kinatatayuan. Takot, dahil sa galit na expression ng mukha nito.

"Ma'am, nakita po namin ang nangyari. Ikaw po ang nanakit sa sarili n'yo. Wala pong ginawang masama sa'yo ang mga tao rito. Tsaka bakit po kasi ganyan ang ayos n'yo? May shooting po ba?"

"Madella, stop lying!" usal ko rito. Galit na tumayo ito at mabilis na sinugod ako.

"Ikaw ang sinungaling!" galit na sabi nito ng hawakan ako sa magkabilang balikat. Mabilis naman pumagitna ang mga staff.

"Madella, please don't make a scene here. Masaya ang lahat dito. You see, it's my dream na maka-experience ng ganito. 'Wag mo namang sirain!" pakiusap ko rito.

"Ako pa ngayon ang nanira? Ha! 'Yong mga kaibigan mo ang nanakit sa akin! Sila ang nauna!" sigaw na nito. Galit na galit, pero hindi ako naniniwala dahil narinig ko na ang sinabi ng mga tauhan.

"Hindi ako naniniwala sa'yo!"

"I don't f*cking care kung 'di ka naniniwala. Hindi rin naman mahalaga sa akin ang say mo. Hihinhin-hinhin kunwari pero malandi naman, ang bata-bata mo pa pero nakikipag-live in ka na sa mas matanda sa'yo!"

"Saan pala ako magli-live? Sa labas?"

"Nazneen!" pikon na sabi nito. Napapadyak pa ng paa at gusto na naman sana akong sugurin.

"What's wrong with you, Madella? Please, tumigil ka na!"

"Hindi ako titigil, iaalis kita sa lugar mo ngayon, ako dapat ang nandyan! May nangyari na sa amin ni Gage, sa inyo ba? Kaya mo bang ibigay sa kanya ang naibigay ko na? I'm sure hindi, wala ka kasing alam! Kukunin ko ulit si Gage sa'yo, sa kahit na anong paraan!" pinanood ko lang ito ng mag-walk out na ito. Napabuntonghininga ako, ano ba itong nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko may nabuhay na takot sa puso ko matapos nitong sabihin iyon? 'Yong takot na ngayon ko lang naramdaman. Kailangan kong makausap sila Quinn. Gusto kong malinawan.

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainWhere stories live. Discover now