Fifty-two

1.2K 48 3
                                    

Fifty-two

A/n: Pansin n'yo, hindi tulad sa ibang kwento ko na mabigat ang ending. Super light lang talaga ang plano ko sa kwento ni Nazneen at Gage.

•••••••

"Mommy!" excited na sinalubong ko ito nang yakap. Maayos ang lagay nito ng makuha nila Gage. Hindi ko alam kung nasaan na si Princess, ang sabi kasi nila Gage tumakas daw ito after nitong barilin si Gage. Much better na rin siguro iyon, kasi may tampo ako sa kaibigan ko. Paano kung malala 'yong naging tama ni Gage? Masama talaga ang loob ko sa kanya.

"Nasaan si Gage? Anak, sure ba talaga kayong okay lang dito muna ako mag-stay?"

"Yes po!" ngiting-ngiti na sabi ko rito.

"Nakakahiya naman, pero i-gra-grab ko na rin para makasama ka."

"I'm so happy po, kasi kasama ko 'yong dalawang taong love ko. I-kaw po at si Gage." Napatango-tango ito at niyakap ako. Pumasok kami sa loob, naroon si Gage na kauuwi lang galing office. Ang gwapo-gwapo nito sa pambahay na suot nito. Bumitaw ako kay Mommy at lumapit dito.

"Bakit ang gwapo mo po?" halos masamid ito sa gulat na saktong iinom sana ng juice.

"Love, hindi mo dapat ako ginugulat ng ganyan." Inilapag nito ang baso at hinarap ako. Sinapo ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

Nagawi ang tingin nito kay Mommy Olly.

"Good afternoon!"

"Good afternoon, Gage! Salamat talaga sa offer mo na manatili muna ako rito."

"For Nazneen!" yumakap ako sa bewang ni Gage at sinulyapan si Mommy.

"Mommy, sabi ni Gage bibigyan na raw n'ya ako ng baby." Sabi ko rito na proud na proud pa.

"Really?" nang bumaling ang tingin ko kay Gage, pulang-pula ang mukha nito.

"Pasensya na po kayo kay Nazneen." Hinging paumanhin ni Gage kay Mommy.

"Well, kung saan sasaya ang anak ko. Okay lang sa akin, basta aalagaan mo at mamahalin."

"Makakaasa po kayo."

"Bweno, magpapahinga muna ako. Ayos lang ba?"

"Yeah, sure! Manang pakihatid s'ya sa kwarto n'ya." Sumunod naman agad ang mga ito at tinulungan s'ya sa mga maleta n'ya.

"Gage, gawa na tayong baby!"

"Naz, 'wag mo naman akong binibigla." Natatawang sabi nito pero iginiya n'ya naman ako patungo sa kwarto.

"Later, pupunta tayo sa The Alpha's Foodie."

"Anong meron?"

"Surprise!" sabi nito na may pangisi-ngisi pa. Pagpasok namin sa silid natigilan si Gage.

"What the f*ck?" gulat na sabi nito.

"Naisip ko kasi, it's time na gamitin na natin 'yong iba ko pang binili sa online, like this one, napanood ko sa educational videos ang paggamit, hihiga ka sa bed, I'll chain you like this," dinemostrate ko rito kung paano habang nakanganga n'ya akong pinanonood.

"Are you serious with that?" tumango-tango naman ako.

"Then this one," ipinakita ko ang laman ng kahon."hindi ko alam ang tawag dito, pero ilalagay ito sa mouth mo."

Humakbang ito palapit sa akin na parang namumutla. Pero maya-maya lang bigla na lang itong nag-collapse.

"Tama nga ang sabi ni Jas, kailangan kong palakasin ang resistensya mo para hindi ka na mahimatay." Nanunulis ang ngusong sabi ko rito. Hinila ko ang kumot at ikinumot sa binatang nakahiga sa sahig at walang malay.

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ