Fifty-three

1.7K 49 5
                                    

Fifty-three

"Gage!" naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na pagpalo ni Nazneen sa tiyan ko. Napabalikwas ako ng bangon at tulirong tinignan ito.

"W-hy?"

"Ang sakit!" luhaang sabi nito. Napatingin ako sa tiyan nito na parang nakalunok ng pakwan. Parang sinampal ako ng katotohanan na manganganak na ito kaya naman dali-daling tumayo ako at tatakbo na sana palabas.

"Where are you going?" humihikbing tanong nito na kahit hirap sa pagtayo ay napatayo rin ng makitang tatakbo na sana ako sa labas. Nasampal ko ang sarili dahil sa naging akto.

"I'm sorry, love!" mabilis akong lumapit dito."Liraaa!" sigaw ko sa high-tech na system ng bahay ko.

"Lira is listening."

"Inform them na dadalhin si Nazneen sa hospital."

"Information transferred!" tugon naman nito. Pero muling sumigaw si Nazneen at dahan-dahang napaupo sa lapag.

"Why? Why? Buhatin na kita!"

"Nooooo, I think lalabas na s'ya."

"What? W-hat? Anong g-agawin ko? Ha?" tarantang tanong ko sa asawang pulang-pula na ang pisngi at tungki ng ilong.

"Tanggalin mo 'yong panty ko!" utos nito.

"W-hat? Helppppp!" sigaw ko sa natatarantang tinig. Nakuha pang matawa ni Nazneen ng makita ang reaction ko.

"Akala ko ba ready ka ng maging daddy?"

"Y-eah, f*ck!" muling humilab ang tiyan ni Nazneen base sa reaction n'ya. Basta na lang itong bumukaka at malakas na humiyaw. Para na rin akong papanawan ng ulirat sa sobrang nerbyos.

Hindi ito ang nasa utak kong klase ng panganganak ng asawa ko.

"Nazzzzzz?" napahiyaw ko dahil kitang-kita ko ang pagkababae nito at ang paglabas ng sanggol doon.

"C-atch the b-aby!" todo ireng sabi nito. Nanginginig na inihanda ko ang sarili ko. Nag-enrol pa kami sa isang class for first time parents. Para mapaghandaan ang araw na ito.

"F*ck!" pero hindi ito ang inaasahan ko.

"Liraaaaa, call my friends! I need their help!" wala na sa sariling hiyaw ko. Saktong paglabas ng baby, bumukas ang pinto at pumasok doon si Olly na napitili pa nang makita ang else sa paanan ng kama.

"Oh, Jesus Christ!" tarantang hiyaw nito na nagkalkal sa gamit na nakahanda na at dadalhin sana sa hospital. Nakuha n'ya ang pranela at dali-daling lumapit para nabalot ang baby. Nakahinga lang kami ng maluwag ng marinig namin ang pag-iyak nito.

"It's a boy!" usal ko. Hindi namin inalam ang gender.

Dumating ang ibang tauhan, kasama ang nurse na stay-in sa The Alpha's Town. Ito ang umasikaso sa sanggol at ng maging okay na si Nazneen naman ang chineck nito. Binuhat ko na si Nazneen nang sabihin na dalhin na namin sa hospital. Paglabas ng sasakyan sa gate, inabutan namin ang nakahanay na mga sasakyan ng mga kaibigan ko.

Sumunod ang mga ito hangang makarating kami sa hospital. Inasikaso agad ang mag-ina ko habang ako, tuliro na palakad-lakad. Kalaunan ay napahalakhak na lang sa sobrang intense ng experience na naranasan.

"Nakalas na yata 'yong tornilyo nito."

"Shut up! That's so f*cking amazing, guys!" tuwang-tuwa na sabi ko sa mga ito. Ang mga binatang kaibigan ay sabay-sabay na umiling at ang mga may anak ay tumango-tango, dahil alam din ng mga ito ang pakiramdam.

"Congratulations!" nakangiting sabi ng mga ito.

"Ninong ako!" kumaway pa si L.A na panay ang sipat sa cellphone nito.

"I need to go na, baka magising ang mag-ina ko at malamang wala ako." Nakangising sabi ni L.A.

"Thank you for coming!" sabi ko sa mga ito. Maaasahan talaga sila sa lahat ng sitwasyon.

"Congratulations!" labis-labis ang pasasalamat ko sa mga ito, kaya hindi ko rin natanggihan ng sabihin ng mga ito na sagot ko ang pakain sa The Alpha's Foodie.

Nang sabihin na ayos naman ang lagay ng mag-ina ko, nagpaalam na rin ang mga kaibigan ko. Hinintay ko na lang sa private room ang mag-ina ko. Pagpasok ni Nazneen, ako na rin ang bumuhat dito para maihiga s'ya nang maayos sa hospital bed.

Halatang hinang-hina ito pero may ngiti sa labi.

"I'm so proud of you!" hinaplos ko ang mukha nito.

"I'm so proud of you too, hindi ka hinimatay!"  sabi nito sa mahinang tinig. Napangiwi naman ako.

"Muntik na, love! Pero mukhang malaki ang naitulong ng pagpapakalas ko ng resistensya ko." Natawa ito pero unti-unting hinila na rin ito ng antok. Iniayos ko ang kumot n'ya at hinalikan s'ya sa noo.

Kahit ng maikasal kami, nanatiling inosente sa maraming bagay ang asawa ko. Lahat ng bagay, ni-lo-look up nito into positive way. I want her to stay that way. Bihira na lang ang ganitong babae.

Nang masilayan kong muli ang anak namin pagkahatid ng nurse, halos maluha ako na kinuha iyon. Marunong na akong magbuhat. Bukod sa nag-aral talaga ako, ang first baby ni Boss H at ni Shade ay nakarga ko rin.

"Baby Nairo." Usal ko sa pangalang plano na naming ibigay. Mapababae man o lalaki. Saktong nagising si Nazneen na agad napangiti nang makita kami ng kanyang anak.

"I want to see our baby Nairo." Ngiting-ngiti na sabi nito. Hindi naitago ang malawak na ngiti. Mabilis along lumapit dito at ipinakita rito ang sanggol. Saka maingat na iniabot sa asawa ang anak.

"Good job, love!" usal ko rito. Dahil ito ang sobrang nahirapan pero naging matapang na harapin iyon.

"It's worth it, thank you sa sperm mo, may baby Nairo na tayo." Ngiting-ngiti na sabi nito na ikinatawa ko na lang. Nazneen is Nazneen, hindi na mababago ang ganitong ugali n'ya.

End

End

End

A/n: 'yong special chapter not sure kung kailan iyon. Abangan n'yo na lang. Maraming salamat sa umabot sa parteng ito.

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainDove le storie prendono vita. Scoprilo ora