FOURTEEN

1.2K 46 0
                                    

FOURTEEN

"Alone?" Tanong ni Gage kay Ate Keia na nagkibitbalikat lang pero muling nasentro ang tingin naming lahat ng sumunod na pumasok ang isa pang lalaki. Matangkad ito tulad ng mga binata sa lugar na ito. Panibagong mga mukha kaya hindi nanaman stable ang kabog ng dibdib ko. Saktong bumitaw si Batsy. Hinila ako ni Gage palapit rito. Inakbayan ako at bahagyang pinisil ang balikat ko.


"Relax! Mga kaibigan din namin sila, She's Keia and that guy is her husband!" Honestly right now, hindi ang mga bagong dating ang nagpapakabog ng dibdib ko. Kundi ang lalaking ngayon ay nakaakbay sa akin.


But I know his reason. Ginagawa n'ya ito para tulungan ako.


"Your girl?" Nakataas ang kilay na tanong ng lalaking sabi ni Gage ay asawa raw ni Ate Keia.


"No, she's not!" Tugon ni Gage rito. Totoo naman, I'm not his girl.



"Muling nagkanya-kanya upo ang mga ito. Ako naman ay iginiya ni Gage pabalik sa upuan.


"I'm Hendrix!" Sabi ng lalaki na tumayo sa upuan at naglahad ng kamay sa akin. Siguro ako lang ang di nito kilala sa mga tao sa lugar na ito. Napatingin ang lahat sa pwesto ko na waring naghihintay kung tatanggapin ko ba ang nakalahad nitong kamay.


Huminga ako ng malalim tsaka dahan-dahang iniangat ang kamay para makipagkamay dito.


"I'm N-azneen!" Sabi ko rito. Hindi talaga mapigil ang pagkautal kapag bumibilis ang kabog ng dibdib sa kaba.


Nakahinga lang ng maluwag ng nawala na ang atensyon ng mga tao sa akin.


"You okay?" Tanong ni Gage ng mapansin halos di ko na magalaw ang pagkain at nakayuko na lang. Parang sa ilang oras sa lugar na ito naubos ang lakas ko. Pilit akong ngumiti."Your not!" Mahinang anas nito kaya ginagap ang kamay ko.


"Guys, we're leaving!" Biglang anunsyo nito. Nagtataka namang tumingin sila sa akin. Pero ng makita nila ako nagsisang-ayon na ang mga ito. Inalalayan pa ako ni Gage na tumayo at iginiya palabas ng restaurant.



"Nice try Nazneen!" Sabi ng binata ng makasakay kami sa kotse nito at parehong nakaayos ng upo.


"T-hank you!"


"Uwi na tayo!" Tumango ako at nagsuot ng seatbelt.


Pagdating namin sa bahay ay inabutan namin sa sala ang isang package.


"Ito na ba ang inorder ko Rosalinda?" Tanong ni Gage rito.


"Yes sir!" Mabilis na sagot ni Rosalinda.


"Check it Naz, it's for you!"


"S-aakin? Talaga?" Nakadama ako ng excitement. Wala man lang takot sa dibdib. Dahil siguro ito sa nagsisimula ng magtiwala ang puso't isip ko sa binata. Na hindi ako nito ipapahamak tulad ng ibang tao na nagpapadala ng mga package or gifts.


"Go!" Sabi nito na may ngiti sa labi. Excited na lumapit ako roon. Si Rosalinda na ang nagprisinta ng magbukas habang naghihintay lang ako sa gilid at magkasalikop ang kamay sa dibdib. May malawak na ngiti sa labi.



"Someone is excited!" He teasingly said to me. I just nodded my head and looked again to the package.


"Wowww!" Masayang sabi ko na mabilis na lumuhod ng makita ang laman nun. Everything that inside the box looks like an eyecandy for me.


Lahat ng naroon ay gamit sa pagpipinta.


"You love painting, right? Habang narito ka at walang ginagawa yan ang pagkaabalahan mo!" Sabi nito. Excited na tumayo ako at mabilis na lumapit rito. Without thinking about my action, I hugged Gage because of too much happiness in my heart.


"Thank you!" Bukal sa loob na sabi ko rito. Nang mag-angat ako ng tingin hindi ko man lang mabasa ang expression na nasa mukha nito.


"Kapag may kailangan ka pa, sabihin mo lang!" Sabi nito. Waring napapasong kinalas nito ang kamay kong nakayakap rito at bigla na lang tumalikod. Pinanood ko itong humakbang patungo sa hagdan."Rest for now Nazneen!" Sabi nito ng lumingon sa akin tsaka tuloy-tuloy ng humakbang paakyat.


"Sige na Ma'am, ako na po ang bahala sa mga ito! Magpahinga ka na po!" Nakangiting sabi ni Rosalinda.


"Salamat!" Mahinhing kumilos patungo sa hagdan. Wala na ang binata parang madaling-madali na umakyat. Napabuntonghininga na lang ako.


---

Her innocent face is the same with that woman, that sweet smile makes me go crazy like before. Hindi dapat ako makadama ng kahit anong emosyon sa dalaga. Parang uulitin ko lang ang komplikadong posisyon ko katulad ng dati.


Imbes na pumasok ako sa aking silid binaybay ng aking mga paa ang daan patungo sa pribadong silid na ako lamang ang may access.


"Lira, access please!"

"Lira giving you access!" Tugon ng system ng bahay ko. Lira, the same with the houses in this village have this unique system that makes our lives so easy.

Pumasok ako sa pintong kusang bumukas at ang unang tumambad sa akin ay isang maliit na espasyo. Mayroong dalawang pintuan pagpasok ko. Kusang bumukas ang pintong tinapatan ko. Nang makapasok sa loob nun ay bumukas na ang ilaw.


Tumambad ang mga paintings and photos of Olivia Willis. That woman who broke me in to a million pieces.


This place reminds me of my past. How stupid and careless I am. I let myself fall to someone whom I shouldn't give any space in my heart in the first place.


Her smile. Na kahit parang minamaso ang puso ko sa sakit kapag nakikita ko hindi ko pa rin mapigil ang puso na isigaw ang pangalan nito.

Olivia, my Ole who played and toyed me for so many years.


Hindi ko alam noong una na may pamilya ito. Noong lulong na lulong na ako saka lang nito sinabi sa akin na kasal ito sa asawa at may isang anak.


Mahal daw n'ya ako. Na pinaniwalaan ko at pumayag na ipagpatuloy ang bawal na relasyon naming dalawa. I am too young for that kind of love pero itinanim nito sa utak ko na walang mali sa ginagawa namin.


Humakbang ako at hinaplos ang mukha ni Olivia. Kahit malaki ang agwat ng edad namin nito minahal ko ito ng sobra. At hanggang ngayon kahit masakit pa rin sa dibdib ko na makita ang mga larawan at paintings nito na ako mismo ang gumawa hindi ko pa rin naman mapigil ang sarili na magpunta sa silid na ito.


Ito lang ang way ko para sabihin sa sarili ko na hindi na dapat ako magpakatanga sa isang babae.


At si Nazneen, hindi s'ya ang babaeng nakikita kong magsasalba sa akin sa ginawa ng ina nito. Hindi s'ya.

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainWhere stories live. Discover now