Fifty

1.2K 47 2
                                    

Fifty

"Nandito na ako." Mabilis akong bumangon nang marinig na ang boses nito. Hindi pa man ako nakakabangon ay nakalapit na ito at mahigpit akong niyakap nito.

"Ang sakit na ng heart ko, Gage. Hindi ko h-indi ko matanggap eh!"

"It's okay, I understand. Kung gusto mo, rito lang ako sa tabi mo. Halika, higa ka muna." Inalalayan ako nito pahiga sa kama.

"Na-hu-hurt ako sa sinapit ni Tita Olly, na-hu-hurt din ako para kay Mommy Olivia. Pero 'yong puso ko, parang may tampo kay Mommy Olivia kasi s'ya ang dahilan kung bakit hindi naging normal ang buhay ko." Para akong nagsusumbong dito, habang mahigpit ako nitong yakap. Ang mukha ay nakasubsob sa kanyang dibdib.

"Ayaw kitang nasasaktan nang ganito, pero parte ito ng buhay mo, mas mabuti ng nalaman mo na. Mas madali kang makaka-move on."

"Hindi ko alam, Gage! A-yoko nitong nararamdaman kong bigat sa dibdib ko. Hindi kasi ito healthy, pero paano ko maaalis ito. Buong buhay ko ang pinag-uusapan dito. Alam kong mahal ako ni Mommy Olivia, pero nagawa n'ya sa akin iyon Gage, pumatay s'ya dahil sa galit n'ya sa magulang ko. Kay Daddy Mason at Tita Olly, kailangan bang umabot sa gano'n? Tapos, dinamay ka pa n'ya sa sakit at lungkot na naramdaman n'ya."

"Magiging okay rin ang Lahat, love!"

"Sana nga, kasi hindi ko gusto itong nararamdaman ko. Ayoko na nakakaramdam ako ng ganito."

"Nauunawaan ko, nandito lang kami para sa'yo, love. Gusto mo ba tawagin ko sila Quinn?"

"Hindi, gusto ko ikaw lang ang makakita sa ganitong sitwasyon ko. Ayokong madamay pa sila sa nararamdaman kong lungkot. May mga pinagdaraanan din sila, hanggat maaari ayokong may malungkot dahil lang malungkot ako."

"Okay!"

"Gusto mo bang makausap ang tunay mong ina?" tanong nito habang ang kamay ay humahaplos sa buhok ko.

"Hindi muna, 'wag muna."

"Why?"

"Natatakot ako, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Tita Olly. Malaki ang naging kasalanan ni Mommy Olly and Daddy Mason sa kanya."

"Pero hindi mo kasalanan iyon, ikaw ang biktima nang lahat ng pagkakamali nilang lahat."

"Kaunting panahon lang, ihahanda ko lang ang puso ko."

"Okay, I understand."

"I-kaw ba, Gage, kumusta ka? Okay na ba ang puso mo?" natigilan ito.

"Tara, may gusto akong ipakita sa'yo." Inalalayan n'ya akong makatayo ng maayos.

Lumabas kami ng silid. Tinahak ang daan patungo sa isang silid na pinagbabawal nitong pasukin naming lahat, s'ya lang ang pumapasok dito.

Nabangit na ni L.A ang tungkol sa silid na ito. Naikwento na rin minsan ni Rosalinda. Bumukas ang pinto at iginiya n'ya ako papasok sa loob.

Napasinghap ako ng makapasok, kasunod no'n ay pagtulis ng aking nguso.

"Ako naman 'yan eh!" sabi ko rito.

"Ito ang silid na pinagkulungan ko ng lahat ng sakit. Nakakatulugan ko na lang ang pagkalasing sa silid na ito. Hindi ko matanggap na pinaglaruan ang ng unang babaeng inibig ko." Naiiyak ako sa kwento ni Gage. Ramdam ko kasi 'yong damage na ginawa ni Mommy sa kanya.

"Pero ito ring silid na ito ang naging lugar ko para muli kong gawing maganda ang mga alaala rito. Tinaggal ko na sa puso ko 'yong lahat ng sakit, i-kaw ang dahilan kung bakit masaya na ulit ako."

"Kailangan mo pa inipon ang mga ito?"

"Ako ang nagpinta ng lahat ng 'yan, gusto ko lang maitanim sa isipan mo na ayos na ako, Naz! Buo na ulit ako, dahil iyon sa'yo."

Yumakap ako rito na naiiyak.

"M-ahak kita, Gage."

"Alam mo bang ang sarap marinig ang mga katagang iyan, sa bawat pagbigkas mo ay pinasasaya mo lalo ang puso ko."

"Mahal kita!"

"Mahal din kita." Tugon nito na mas humigpit ang kanyang pagyakap sa akin.

Inisip ko na magiging maayos din ang lahat. Dahil okay na kami ni Gage, kilala ko na ang tunay kong ina. Nalaman ko na kung sino ang dahilan kung bakit natrauma ako, pero mali ako.

Lalo pa't malalim ang naging galit sa puso ni Princess. Hindi ako nakinig kay Gage nang sinabi n'yang manatili lang ako sa mansion. Nakatanggap ako ng tawag mula rito at sinabing kailangan n'ya ako. Malungkot si Princess, mahal ko ang kaibigan ko kaya naging madali lang para rito na mapasang-ayon ako.

"Magiging okay lang ako kung lalayuan mo si Gage." Umiiyak na sabi nito. Lasing na lasing ito at nakayukyok lang sa paanan ng kama.

"P-rincess? Love ko si G-age, 'yong love na sa totoo lang hindi maipaliwanag sa sobrang sarap sa feeling---"

"Pero 'yon lang ang paraan para maging masaya ako, Naz!" sabi nito na gumapang palapit sa akin.

"Gustong-gusto ko rin si Gage, Naz! Ang dami mo ng kinuha sa akin, 'yong freedom ko. 'Yong oras at panahon ko. Naz, gusto ko si Gage!"

"P-ero, gusto ko s'yang ipagdamot. Gusto ko akin lang s'ya. Naguguluhan ako sa'yo, Princess!" naiiyak na niyakap ko s'ya.

"Hindi mo kasi naiintindihan, Nazneen! Hindi ka pa handa sa ganyang pakiramdam. Masasaktan ka lang, pero ako! Kaya kong ipaglabas si Gage. Unang kita ko pa lang sa kanya, gustong-gusto ko na s'ya!"

"Pero, hindi ba't mali na ipilit natin ang gusto natin lalo't may maaapakan tayong tao."

"No! Wala akong pakialam, akin na lang s'ya, parang-awa mo na, Nazneen!" iyak ito nang iyak na nagmamakaawa sa akin. Ngunit umiling ako. Paninindigan ko si Gage. Hinding-hindi ko s'ya sasakyan katulad ng ginawa ni Mommy Olivia sa kanya.

"Princess!"

"Kung hindi mo ibibigay, aalisin na lang kita sa landas naming dalawa!" para itong nagkaroon ng lakas na inatake ako. Dahilan para mapasalampak ako at mabilis nitong daganan.

"P-rincess!" hirap kong sabi. Mukhang tototohanin nito ang balak nitong alisin ako sa landas nito at ni Gage.

Hirap na akong huminga ng pumasok si Quinn sa silid. Mabilis nitong nahaltak sa buhok si Princess at malakas nitong sinampal. Dahilan para sumadsad si Princess at bumagsak na wala ng malay.

"P-rincess?"

"Buhay pa s'ya, don't worry! Halika na. Sinasabi ko na nga bang hindi magandang idea na puntahan s'ya. Mabuti na lang isinama mo ako, tsk! Tignan mo oh, namumula 'yang leeg mo." Hinila na n'ya ako palabas ng silid.

"Paano si Princess?"

"Magigising din 'yon,  uwi na tayo." Sabi nito na ikinatango ko.

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainWhere stories live. Discover now