Twenty-six

1.1K 39 9
                                    

Twenty-six

"Gage, sige na please!" halos magmakaawa na ako rito. Kanina pa n'ya ako iniiwasan, pero talagang makulit ako at paulit-ulit s'yang sinusundan.

"Ma'am, ano po ba kasi iyon?" nahahabag ng tanong ni Rosalinda sa akin. Para akong nakahanap ng kakampi. Baka sakaling mahikayat din ni Rosalinda si Gage at pumayag na.

"Nanghihingi kasi ako ng anak sa kany---" hindi pa man tapos ang sinasabi ko ay humagalpak na ito ng tawa. What's funny? What's wrong with that? Hindi ko napigil na maluha. Maybe I'm stupid, kaya pinagtatawanan nila ako. Kanina pa sa sari-sari store ni L.A, Gage's friend.

"Halaaa, Ma'am! Sorry!" takot na sabi ni Rosalinda ng mapatingin sa akin. Pinigil ko ang sarili ko at pilit na nagpakakalma. Hindi talaga sapat ang mga natutunan ko sa libro. Kailangan ko pang mag-aral para hindi na nila ako pagtatawanan.

"Nazneen, do you really have any idea kung paano kita mabibigyan ng anak?" stress na stress ito ng tumingin sa akin.

"Yes! If your sperm cell and my egg cell combin---"

"That's according to the book, tell me paano natin mapag-co-combine ang sperm and egg cell natin?" si Rosalinda na nagpipigil ng tawa ay pasimpleng umalis na. Napasimangot ako bago sumagot.

"Mag-se-sex tayo, mukha ba akong stupid?" bumuntonghininga si Gage.

"Easy to say, pero hindi mo naman naiintindihan. Nazneen, ang paggawa ng baby ay malaking obligasyon. Hindi lang basta hinihingi ang anak!"

"Pero sabi ni Quinn---"

"That's it, hindi na talaga ako papayag na kausapin mo s'ya."

"But why? Marami s'yang knowledge na alam!"

"Hindi makabubuti sa'yo ang mga knowledge na alam n'ya!"

"Bakit naman hindi? Kung ayaw mo, pwedeng mag-hire ka na lang ng magtuturo sa akin---"

"Never!"

"Gage!" napipikong sabi ko rito.

"Nazneen, please!" pakiusap nito sa akin.

"I get it, baka nga kulang talaga ako sa knowledge. Kung ayaw mo, gagawa na lang ako ng paraan. Tsk, sabi mo tuturuan mo ako!" yamot na tumayo ako at iniwan ito sa sala.

"Naz!" tawag nito sa akin pero hindi ko s'ya nilingon. Pumanhik ako sa silid. May cellphone sa kwarto, pwede akong mag-search doon. Kailangan ko lang mag-ingat para hindi mag-trigger ang phobia ko. Ayokong magmukhang mangmang sa harap ng iba.

"Naz!" naririnig ko pa ang pagtawag nito pero ini-lock ko na ang pinto. Hindi kami bati ni Gage, pinagtatawan n'ya ako.

•••

Hindi pinansin ni Naz ang pagtawag ko, kahit pa paulit-ulit ko ng kinatok ang kanyang pinto ay hindi pinansin ng dalaga. Nagpasya na lang akong umalis at tumambay sa The Alpha's Foodie.

Inabutan ko roon ang mga kaibigan kong sina Cayde, L.A, Mec at Abe. As usual naroon din si Quinn.

Malawak ang ngisi nito na ikinasimangot ko.

"Stress?"

"Shut up!" natawa si Quinn. Masama naman ang naging tingin ni Abe sa akin pero nagkibitbalikat lang ako. This guy is crazy. Pakiramdam ko pati ako pinagseselosan.

"Hindi ako pinagbuksan ng pinto, kinukulit n'ya ako, Quinn! Bigyan ko raw s'ya ng anak!" hindi na lang si Quinn ang tumatawa ngayon. Pati na ang iba naming kaibigan.

"Bigyan mo na kasi!" sabi ni Cayde. Habang si L.A ay tikom naman ang bibig. Napabuntonghininga ako.

"Masyadong inosente, ayokong dungisan iyon. Gusto ko manatiling inosente si Naz. Para kasing ang mga tulad n'ya ang masarap i-treasure."

"Kung wala kang plano sa babaeng iyon, itigil mo na ang ginagawa mo." Seryosong sabi ni L.A. tikom ang bibig naming magkaibigan tungkol sa nakaraan ko. Alam ni L.A kung gaano ako nabaliw kay Olly. Minahal ko ang babae kahit pa napakalayo ng agwat ng edad namin. Pero iniwan n'ya rin naman ako na wasak na wasak na. Parang binigyan ko ng trauma ang kaibigan ko dahil sa past relationship ko.

"May plano ako at hindi ang itigil ang kung ano man ang mayroon sa amin ni Naz na nasimulan ko." Buo ang loob na sabi ko sa mga ito. Sa aming lahat, ako 'yong tipo ng lalaki na never ginamit ang mga babae para lang paglabasan ng frustration ko sa buhay. Ang laki ng ginawang impact ni Olly sa buhay ko.

"L.A, hayaan mo lang si Gage. Alam n'ya ang ginagawa n'ya. Kung ano man 'yong past na hindi n'yo nasabi sa amin, tiyak namang natuto na si Gage roon." Sabi ni Mec. Matured kung mag-isip ang isang ito. Napangiti ako at tumango-tango bilang pagsang-ayon.

"Innocent Nazneen texted me!" imporma ni Quinn. Malawak ang ngisi nito sabay harap sa akin ng screen ng cellphone n'ya.

"Hi Quinn, pinagtatawanan ako ni Gage, even Rosalinda. Feeling ko ang bobo ko masyado. Gusto kong matuto. May mga recommended books and sites ka bang pwedeng ibigay sa akin. Especially in making a baby? I really wanted one, sabi mo pwede akong humingi kay Gage. Pero ayaw n'ya, may kilala ka bang pwedeng magbigay sa akin." Napanganga na lang ako sa nabasa ko. Hindi ko inaasahan ang message nito sa asawa ni Abe. Hinilot ko ang sintido ko habang ang mga kaibigan ko ay tumatawa na rin. Nakibasa na rin kasi ang mga ito at ang pagiging inosente ng dalaga sa mansion ko ay isa sa panibagong libangan ng mga ito. Parang nag-aantabay sa maaaring gawin ng inosente kong 'kasintahan'.

"Nag-reply na ako!" natigilan ako at napatingin kay Quinn.

"Anong sinabi mo?" kabadong sabi ko rito.

"I told her na marami s'yang matututunan sa paggawa ng baby sa mga sites na tinext ko sa kanya."

"At anong mga site iyon?" nanlalaki ang butas ng ilong na tanong ko rito.

"Mga sites na paborito n'yo noong teenager pa k---" hindi ko na pinatapos ang sinasabi nito. Iniwan ko ang mga ito na malakas ang tawa habang ako, patakbong tinungo ang parking lot at lumulan sa sasakyan. Tiyak na mas lalong maguguluhan si Nazneen sa mga pwede n'yang makita sa mga iyon.

Iba rin talaga ang tama ng asawa ni Abe. Isa pang masakit sa ulo. Mabilis kong ipinasok sa gate ang sasakyan. Hindi na iniayos ng garage, bahala na ang mga tauhan na ayusin iyon. Patakbo akong pumanhik sa silid nito.

"Open the door, Lira!" mariing utos ko sa high tech na system ng bahay ko. Bumukas naman iyon agad. Pero bagsak ang panga ko ng abutan ko si Nazneen, nagsusulat, habang nag-ple-play ang isang video.

"W-hat are you doing?" manghang tanong ko rito. Mabilis itong lumingon sa akin at malawak ang naging ngiti.

"Look, Gage!" iniangat pa nito ang notebook."Marami akong natutunan kahit simula pa lang sa site na sinabi ni Quinn, she's the best!" masayang sabi nito. Parang huminto ang pag-inog ng mundo ko. Habang malawak ang ngiti nito, ako nama'y nakatayo sa bukana ng pinto, nanoot sa pandinig ko ang mahalay na halinghing ng babae sa video na nag-ple-play sa cellphone nito.

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainWhere stories live. Discover now