Thirty-four

1K 39 4
                                    

Thirty-four

"Rosalinda!" kumaway-kaway ako rito ng makababa ng sasakyan. Niyakap ko pa ito ng makalapit ako rito.

"Mukhang masayang-masaya ka, Ma'am!"

"Masayang-masaya talaga ako, Rosalinda!"

"Naz, magpahinga ka muna, may work ako!" sabi ni Gage. Actually, ihahatid n'ya lang ako pauwi. May tumawag kanina sa kanya at kailangan n'ya ng bumalik sa trabaho. Lumapit ako at hinalikan ito sa pisngi. Kinailangan ko pang tumingkayad para maabot ang pisngi nito.

"Ingat!" napangiti naman si Gage sa naging gesture ko. Gaya ng gusto nito, nagpahinga muna ako pero after an hour, nagising ako at nabobored na. Kaya sinubukan kong tawagan si Quinn.

"Papunta ako d'yan, nakauwi na 'yong asawa ni L.A! Gusto naming makilala mo 'yon!" na-excite na tumayo ako sa kama.

"Really? Okay, bababa na ako!" sabi ko rito. Nagbilin si Gage na pwede na akong lumabas, kasama syempre ang mga bodyguards. Nabangit n'ya kagabi na nakipag-meeting s'ya minsan sa head security ng village at kinausap ito tungkol sa sitwasyon ko.

"Nasa labas na po sila Miss Quinn!" imporma ni Rosalinda.

"Sama ka ha!" sabi ko rito at iniabot ang cellphone rito. Nasa driveway na sina Quinn ng tuluyan akong nakalabas. Ang mga bodyguards ay sumakay sa van, habang ako, sa kotse ni Bible sumakay. Katabi ko si Quinn sa backseat, si Batsy naman ang nakaupo sa passenger seat.

"Iba talaga kapag nakakain, glowing!" nakangising sabi ni Quinn sa akin. Mukhang hindi narinig ng mga nasa harap.

"Glowing?" bumungisngis lang ito at ginagap ang kamay ko. Quinn is so sweet. Para akong nakahanap ng kapatid dito.

Nakarating kami sa store na ipinagawa ni L.A sa asawa nito. Inabutan namin ang isang babae na nakasalampak ng upo sa kahoy na upuan at waring naghihintay talaga sa amin.

"Nazneen, s'ya si Jas! Jas, si Nazneen!"

"For sure narinig mo na ang pangalan n'ya sa mga kaibigan ni Gage, asawa s'ya ni L.A!"

"Napakaganda mo po!" matamis ang ngiti sa labi na sabi ko rito. Totoo naman kasi. Maganda ang babae, hindi nagpapahuli sa ganda ng mga kasama ko ngayon dito.

"Naku, baka maniwala ako d'yan!" natawa ang mga kasama ko sa naging tugon nito.

"Bukod sa akin, d'yan ka dapat nagtatanong. maraming alam si Jas sa mga bagay-bagay, after all, matagal na silang mag-asawa ni L.A!" sabi ni Quinn na iginiya ako paupo sa upuang kahoy.

"Talaga? Marami kang alam?" excited na tanong ko rito.

"Girl, 'wag kang nagpapaniwala d'yan kay Quinn! Inosente ako, mabuting ehemplo."

"Tsk, I doubt!" singit ni Quinn. Nanulis ang nguso ko at napatingin kay Jas.

"Pwede mo ba akong turuan ng mga alam mo?" tanong ko rito. Natigilan si Jas na tumitig pa sa akin sabay buntonghininga.

"Ano bang gusto mong malaman?" hindi nakatiis na tanong nito."Mukhang hindi pa nabibisita ang paraiso ng batang ito!" bumaling ang tingin nito kina Batsy. Nagkibitbalikat naman ang mga ito.

"Paraiso? As in, paradise?"

"Vagina, Nazneen!" singit ni Quinn na ikinatawa ng mga kasama namin.

"Kailangan bang bisitahin ang vagina?  What do you mean by that?" tanong ko rito. Naguluhan kasi ako. I'm always cleaning it naman, 'yon ba ang ibig n'yang sabihin?

"Virgin ka pa ba?" deretsang sabi ni Jas sa akin. Mabilis akong tumango.

"So, wala pang ibang nakakabisita d'yan!"

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin