Fifty-one

1.2K 43 0
                                    

Fifty-one

Akala ko tapos na, pero isang balita ang natanggap ko mula kay Princess. Ayon dito, wala na raw buhay si Tita Olly sa silid nito ng matagpuan n'ya. Wala si Gage. Kasama ito ni Lolo, sa sobrang tuliro ko, dali-daling umalis ako ng mansion ni Gage na hindi man lang nagpaalam. Nope, tumakas talaga ako. Sa pag-aakalang hindi ako lalayo ay nagtiwala sila. Lakad takbo ang ginawa ko.

"Saan ka pupunta?" bumusina pa si Quinn ng madaanan n'ya ako sa gilid ng kalsada.

"I need to see my Tita Olly--"

"Sakay!" sabi nito. Mabilis akong sumakay sa passenger seat at nagsuot ng seatbelt.

"Sa bahay ni Tita Olly!" humihikbing sabi ko rito. Kinuha nito ang cellphone ko kung saan ang address. Ibinalik din nito iyon at tinutok ang atensyon sa pagmamaneho. Maya-maya pa'y kinapa nito ang cellphone at may tinawagan ito.

"Need back up, in case na kailanganin." Sabi nito. Hindi na ako nagtanong pa. Ang gusto ko lang ngayon ay mapuntahan si Tita Olly. Kasunod nitong tinawagan si Gage.

"She's crying, hindi ko alam ang dahilan. Don't worry ako ng bahala!" sabi nito.

Panay ang sipat ko sa cellphone ko.

"Alam mo ba kung saan tayo pupunta, Quinn?" tanong ko rito ng mapansin na nagpapaikot-ikot na lang yata kami.

"Yeah, relax!" sabi nito. Tumango na lang ako.

"Ano ba kasi ang dahilan bakit bigla kang pupunta roon?"

"T-umawag si Princess, wala na raw buhay si M-ommy, 'yong tunay kong mommy." Umiiyak kong sabi rito.

"Really?" napailing-iling ito. Nag-ring ang phone nito.

"Hello? Saan?" gulat na sabi ni Quinn. Naguguluhan ako, pero itinikom ko ang bibig ko. Mas lalo pa akong naguluhan ng makita ko ang lugar na pinaghintuan ni Quinn sa kanyang sasakyan.

Hospital?

"Tara!" mabilis din akong bumaba at tinanggap ang inilahad nitong kamay.

Lakad takbo ang ginawa namin. Sinalubong kami ng mga kaibigan ni Gage. Kasama ang asawa ni Quinn.

"What's going on?" tanong ko sa mga ito.

"Tara, Naz!" sabi ni L.A.

"B-akit m-ay dugo?" itinuro ko ang kamay ni L.A na nababalutan ng natuyong dugo. Ganoon din ang damit ng ilang kaibigan ni Gage.

"Naz!"

"Nasaan si Gage? Ha? Nasaan s'ya?" niyakap ako ni Quinn.

"Tatagan mo ang loob mo Nazneen, i-kaw naman ang kaibigan ni Gage ngayon." Bulong nito sa akin na ikinahinto ng pag-inog ng mundo ko.

Flashback

"Help me, help me, Gage! Nasisiraan na ng bait si Princess. Hindi n'ya ako pinalalabas ng silid, ang dami rin n'yang armadong tauhan na nagbabantay sa akin. Narinig ko s'yang papupuntahin n'ya si Nazneen dito." Napatayo ako sa gulat sa sinabi ni Olly. Dali-daling tinawagan ko ang mga kaibigan ko. Nanginginig ako sa takot ng malamang wala si Nazneen sa mansion. Kaya si Quinn ang tinawagan ko.

Dali-daling nagpunta ang grupo ko upang iligtas si Olly. Tiyak na masasaktan na naman si Nazneen kapag may nangyaring masama rito.

Pagdating namin sa area, kinailangan pang makipagpalitan ng putok ng mga kasama naming autoridad at ng mga tauhan namin ng mga kaibigan bago kami nakapasok sa mansion ni Olly Willis. Pero pagdating namin sa loob, tumatawang si Princess ang inabutan namin.

The Bad Billionaire Series 4: Mirror Of PainWhere stories live. Discover now