Chapter 17: the enchantress

Start from the beginning
                                    

Dahan-dahan na naglakad patungo sa kanya ang nakapalibot na mga nakatalukbong na nilalang. Ang mga luha nya ay unti-unti nang tumulo at agad na sumagi sa kanyang isipan si Eros.

'Sana pala nakinig na lang ako sa kanila na huwag lumabas ng silid na iyon. E 'di sana hindi nanganganib ang buhay ko ngayon. Sana kasama ko pa sya hanggang ngayon' puno ng pagsisisi na sabi ni Erza sa isipan.
Subalit para saan pa nga ba ang pagsisi nyang iyon kung hindi an nya muling masisilayan ang lalaking gusto. But at the depth of her heart, she is still hoping that Eros would come to rescue her. He would come to cast all her fears away and pamper her with his hugs and kisses.

'Eros hanapin mo ako. Umaasa ako sa iyo. Please, pangako makikinig na ako sa iyo' piping hiling ni Erza. Lalo na nang makitang gahibla na lang ang pagitan nila ng mga nilalang na nakatalukbong na tila ba ay kontrolado ng kung anong pwersa.

Sina Eros naman ay nahihirapan sa paghahanap dahil kahit na mga makapangyarihang bampira sila ay hindi nila mawari kung bakit hindi nila magawang sagapin ang iniisip ni Erza, ni hindi nila masagap kahit ang bakas ng amoy nya.

Halos mawalan na sila ng pag-asa na mahanap pa si Erza pero nagpatuloy pa din si Eros, ramdam nya sa puso nya na hinahanap sya ng babaeng mahal, naghihintay ito sa kanya.

Sa di kalayuan ay may napansin silang kakaibang pwersa na bumabalot sa paligid. Ang paligid ay nababalutan ng makapal na hamog. Wala pang isang segundo ang lumipas ay agad na nag teleport sila sa lugar kung saan naroroon ang makapal na hamog. Sa loob ng pwersa ng hamog na iyon ay nasagap nila ang enerhiya ni Erza at mas lalong nakaramdam si Eros ng kaba, alam n'yang nanganganib na ang babaeng iniingat-ingatan nya.

Sa loob ng hamog na iyon ay naroroon si Erza, takot na takot na nakayakap sa sarili habang humihikbi at piping nananalangin na sana ay mahanap sya ni Eros. Kaunti na lang at makukuha na sya ng mga nakabalabal ng itim na mga nilalang at nakikinita na din sya nina Eros, kaunti na lang subalit malakas ang pwersang pumipigil sa kapangyarihan nila para makapag teleport na para bang may isang mahika na pumipigil at s'yang nagmamanipula ng espasyo. Kung kayat napilitan silang makipaglaban sa mga nakatalukbong ng itim na kasuotan upang makagawa ng daan patungo sa kinaroroonan ni Erza. Kaunti na lang at mararating na nila si Erza subalit ang mga nakapalibot sa dalaga at nahawakan na ang dalagang umiiyak na sa takot. Hindi alam ni Erza ang nangyari sa paligid, pero isa lang ang sigurado nya, bago pa man sya tuluyang makuha ng mga nakakatakit na nilalang na iyon biglang may liwanag mula sa kung saan na sobrang nakakasilaw dahilan upang maglaho ang mga nilalang na napapalibutan ng hamog.

Sina Eros naman sa di kalayuan ay nakita ang nangyari, and they knew that it was about time to train Erza. They knew it was her doing, it was her power protecting her from any forms of danger. Kusa itong lumabas nang lubha nang nanganib si Erza upang mailayo sa tuluyang kapahamakan. They were just staring at her in awe and feeling proud that she could finally protect herself whenever he would not be around, but at the same time Eros feel bad. Kasi muli ay nalagay sa panganib ang buhay ng babaeng mahal nya. 

She's not sure of what happened earlier, she was not sure about that blinding light pero alam nya, ramdam nyang galing ito sa kanya and when Erza settle her eyes on the two familiar built, she then smiled and finally closed her eyes out of exhaustion.

'Alam kong hahanapin nyo ako. Alam kong mahahanap mo ako Eros. Salamat' and with that she let the darkness ruled over her.

Nang mapansin ni Eros na mabubuwal sa kinatatayuan si Erza ay agad syang nagteleport para saluhin ito.

'I'm sorry I'm a bit late baby. Sorry, pangako babawi ako' Eros thought while looking at the woman in his arms.

"Dude let's go" Drake broke the silence of the night.

Agad naman na tumayo si Eros habang nasa mga bisig nya ang babaeng mahal. They used teleportation para madali silang makarating sa kani-kanilang rooms.

Agad naman na inilapag ni Eros ang dalaga sa kama nya. He softly touched her delicate face, the face that mirrored fear earlier.

"Pasensya na mahal kong binibini kung nahuli ako. Pero siguro tama lang yata ang nangyari, nakatadhana iyong mangyari upang matagpuan mo ang iyong kapangyarihan" mahinang sambit nya habang nakatitig sa mukha ng dalaga.

Nang masiguro na mahimbing na ang tulog ng dalaga ay siniguro nyang may proteksyon ito, open ang mind link at sinuguro n'yang hindi ito basta bastang makakaalis sa kwarto nya. Pagkatapos ay tinawag nya si Drake through telepathy at agad na lumabas ng kwarto nya para makapag-usap sila ng kaibigan.

"So what's the plan?" Drake asked him as soon as he arrived.

"I want you to find a mage, yung may alam sa rite of passage. Yung may alam about sa transition ng isang enchantress na kagaya n'ya, for proper training na din ni Erza. Basta iyong may alam sa mga witch thing"

"Yun lang ba?"

"Yeah, ako na ang bahala sa paunang training nya. For self defense na rin"

Matapos ang pag-uusap ay agad na bumalik sa kwarto si Eros para bantayan ang natutulog na dalaga. Drake on the other hand started his journey to find an elderly witch who has knowledge about the rite of passage of witches.

Bukas na bukas ay magsisimula na ang pagsasanay ni Erza, pagsasanay upang palakasin ang kapangyarihan at hasain ang kakayahan upang maprotektahan ang sarili mula sa tiyak na kapahamakan.

"You will undergo a proper training too soon baby" Eros whispered and gently kissed the top of Erza's forehead and let his hands hug his baby and let the darkness invade his senses.

CURSED: THE LONG LOST ENCHANTRESS (ON-HOLD)Where stories live. Discover now