"May gago kasi kaming nakita dito."

"Gago? Sino?" Tanong naman ni Lyndon na papalapit sa amin at humikab na naman. Antok ka, pre? Aba'y matulog ka muna at baka bigla ka na lang bumagsak mamaya kapag tayo na ang tutugtog.

"'Yong gago niyang best friend na sa kasamaang palad ay best friend ko rin. Gago 'yon, animal pa."

"Best friend naman pala. Bakit gago?" Tanong JV at halatang kabado pa rin, tumabi ito kay Lyndon at hawak niya pa rin ng bottled water.

"Ah, basta, gago 'yon. Putangina 'yon. Abnormal 'yon. Hayop 'yon. B'wisit 'yon. Tanga-tanga 'yong tanginang gagong hayop na b'wisit na hinyupak na lalaking 'yon."

"Woiii easy ka lang, Mac," natatawang sabi sa akin ni Ram ngunit parang nahawa na rin ako kay Zac dahil sa galit na nararamdaman niya ngayon.

Sino nga naman ang hindi magagalit kung iyong taong pinagkakatiwalaan mo ay trinaydor ka ng patalikod?

"Bad trip!"

Umalis na lang ako roon at hinanap si Zac. Baka magpakamatay pa ang gago. Mamaya pa naman kami magpeperform dahil halos sampo kaming lalaban. Teka, nasaan na ba kasi ang orangutan na 'yon? Bigla na lang magwawalk out, nakakainis! Baka ako pa ang pagalitan ng mga Kuya kapag nalaman nilang nawawala ang unggoy kong kakambal.

Pumunta ako sa likod ng venue ng event at nag-ikot-ikot, patuloy na hinanap si Zac. Nasaan na ba kasi? Kapag 'yon nakita ko babatukan ko talaga 'yon ng kaliwa't-kanan left and right. Aba'y pinapagod ako makahanap lang siya. Sasapakin ko rin si Cid dahil sa ginawa niya.

"Zac!"

Nakita ko siya sa ilalim ng puno habang nakatanaw sa malayo. Siguro iniisip niya na naman ang nangyari. Hindi niya naman kailangang isipin iyon dahil matagal nang tapos iyon. Siguro ay hindi pa siya nakakamove on kaya ganito ngunit bata pa naman ang kakambal ko, may mahahanap pa siyang mas matino kaysa sa haliparot na iyon.

Napalingon siya sa akin ngunit wala pa ring nagbago sa emosyon niya, malamig pa rin, malayong-malayo sa Zac na kilala namin. Kung tutuusin ay hindi niya na dapat iniisip ang nangyari sa kanilang tatlo. Ang dapat niya na lang gawin ngayon ay magmove on. Ipagpatuloy lang ang buhay kahit wala ang dalawang iyon. Isa rin ito sa dahilan kung bakit naisipan ni Kuya Levi na lumuwas. Gabi-gabi niya kasing naririnig ang iyak ni Zac kaya napagpasyahan niyang pumunta kami rito upang makalimot ang kakambal ko.

"Mac," tawag niya sa pangalan ko nang makita akong papalapit sa kaniya.

"Tara na sa loob, magsisimula na ang event. Baka mas lalong kabahan si JV kapag hindi niya tayo makita sa loob."

"Mauna ka na, Mac. Magpapahangin lang muna ako rito," sabi niya at muling tumingin sa langit.  Napabuntong-hininga na lamang ako at tumabi ng upo sa kaniya. Inakbayan ko siya at agad niya namang isinandal ang ulo sa aking balikat. Gusto kong tulungan ang kakambal ko. Alam kong sa kabila ng mga ngiti at tawa niya ay nakakubli ang sakit na idinulot ng dalawang taong malapit sa kaniya. Tuwing umiiyak siya ay hindi ko rin mapigilan na umiyak. Kakambal ko 'to, hindi dapat 'to ginaganito ng ibang tao.

Saksi ako kung gaano kamahal ng kakambal ko ang haliparot na iyon. Kahit hindi na siya kumain ng tanghalian, basta mabilihan niya lamang ng mga mamahaling pagkain ang ex niya. Una pa lang ay sinabihan ko na siya na masasaktan lang siya sa babaeng iyon ngunit hindi siya nakikinig sa akin. Wala akong nagawa noong panahong natuklasan niya ang relasyon ng haliparot na iyon at ni Cid. Wasak na wasak ang kambal ko.

"Zac... Mac..." Sabay kaming napalingon ni Zac sa nagsalita at doon ay nakita si Cid na nakatingin sa amin, isang malamig na tingin lamang ang iginanti namin sa kaniya.

Ano naman ang ginagawa ng gagong 'yan dito at talagang sinundan pa kami? Aba'y gusto niya talaga yatang humiga sa hospital bed.

"What?" Malamig na tanong ni Zac na siyang ikinagulat ni Cid. Ngayon niya lang kasi narinig na ganoon ang boses ni Zac.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now