Kabanata 30

820 25 3
                                    

Nakatingin lang ako sa dalawang taong kaharap ko ngayon, lalo na sa batang katabi niya. Busy ito sa tablet na dala niya, parang walang pakealam sa paligid. May pinagmanahan?

"How are you?" I automatically looked at Camille.

Simula kaninang pagdating namin dito sa cafe ay nagtataka pa rin ako kung bakit nya ako inaya. Ipapamukha niya ba sa akin na may anak na silang dalawa?

She smiled, "I guess okay ka lang. Anyway, this is my son. Zander." Huminto ang bata sa paglalaro at ngumiti sa akin sabay kaway, cute.

"Hi, how are you baby?" I asked.

"I'm doing good po," he said. Ang layo naman yata ng ugali niya sa mga magulang nito.

Bumalik ang tingin ko kay Camille nang magsalita siya. "Ikaw, may anak ka na ba ulit?" she asked.

Umiling ako, "I don't have one. Kumusta kayo ni...uhm." hindi ko masabi ang pangalan niya, I sighed. "Ni Rexford?" mahina kong tanong.

Kumunot naman ang kanyang noo na tila nagtataka sa sinabi ko at saka tumawa. "Silly, of course hindi mo alam ang nangyari. Actually, that's the reason kung bakit kita inaya rito. Buti nga ay nakita kita."

Parang hindi ang dating Camille ang kausap ko ngayon, she changed a lot. From her figure and her attitude towards to me.

"Oh wait, are you thinking that Zander is his son?" she asked, umawang ang labi na parang hindi makapaniwala. Mali ba ako?

"H-hinid ba?" I curiously asked.

"Of course, No. Iba ang Tatay niya at look." She faced her right finger at me. "I am married, at sa ibang lalaki." Halos umawang ang labi ko sa sinabi niya.

Damn, all this time mali ako pero...

"Paanong...I mean, paanong hindi siya?" kunot noo kong tanong.

"Si Rexford lang ang Ninong niya but hey hindi iyan ang rason kung bakita kita inaya." she seriously said.

Taka at gulat pa rin sa nalalaman ngayon, nag-aantay pa rin akong may idadagdag siyang sasabihin. What's the reason then?

"First, I am so sorry for the last time. Sa ginawa ko sa'yo at sa inyo ni Rexford. That's a childish act of me."

"It's in the past now, Camille." Umiling siya.

"Yeah, but the last time. 'Yong huli ninyong pagkikita, gusto kong humingi ng tawad sa'yo dahil kasalanan ko kung bakit mo bakita 'yon, I seduced him again. Wanting him again but I failed dahil ikaw pa rin ang gusto niya and..." She stopped, umiiyak na.

Nataranta naman akong lumapit sa kanya, inalala ko rin ang anak niya sa gilid pero tuloy pa rin naman ito sa paglalaro.

"Bakit ka umiiyak? Ha?" tanong ko.

"That day, nalaman namin na...na lumala na pala ang sakit niya. Sinisi ko ang sarili ko no'n, Rhenise. Sinugod siya sa hospital noong araw na iyon at ilang buwan siyang hindi nagising, natakot ang lahat na operahan siya. Ilang beses ka na rin naming hinanap para pabalikin pero bigo kami. Galit ako sa'yo noon, galit na galit. Sinisi rin kita."

Hindi ako makapagsalita, nakatulala lang akong nakatingin sa kanya. Hindi ko maintindihan.

"Nang nagising siya, hinanap ka niya ulit. Nang nalaman niyang nasa Manila ang pamilya mo, dalawang taon siyang pabalik-balik sa inyo. Nagbabasakaling bumalik ka na. Rhenise, hindi siya tumigil sa kakaantay sa'yo. Hindi siya tumigil sa pagmamahal sa'yo." I wiped my tears na kanina pa umaagos. Nahihirapan akong huminga dahil sa mga sinasabi niya. Kasalan ko ang lahat.

Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon