Kabanata 14

622 22 9
                                    

Gustong-gusto kong batukan si Rexford habang hawak ang kamay ko at hinihila. Para akong kambing sa ginawa niya.

"What are you thinking? Bakit mo kasama ang kaibigan ko sa madilim na lugar?" bakas sa boses niya ang inis. Ano bang problema? Wala naman kaming ginagawang masama ni Kenjo.

"Nagpasama lang po siya, wala naman po kaming ginawang masama." sagot ko. Pilit kong binawi ang kamay ko mula sa pagkahawak niya pero pilit niya rin itong pinigilan.

"Matulog ka na, maaga tayo uuwi bukas." Tinalikuran niya agad ako pagkarating namin sa tapat ng kwarto namin ni Mica. Halos mapaawang ang labi ko sa ginawa niya, naguguluhan na nalilito sa inaasta ng alaga ko. Ano bang nangyayari?

Kinabukasan, maaga nga kaming nagising lahat. Nauna ang ibang kasama nilang umalis habang kaming lima ay nandito pa rin.

"Isasabay ko na si Rhenise," sabi ni Kenjo. Napalingon kami sa kaniya na nakangiti na pala sa akin.

"Sinong kasabay ni Mica?" seryusong tanong ni Rexford. Nasa kaniya na ngayon ang attention ko.

"Ay twinny, may dadaanan pa kasi ako kaya si Kenjo muna ang kasabay ni Rhenise. Sige ha, mauuna na ako. Ingat kayo!" Umalis siya agad sa harap namin at dumiretso sa kotse niya. Napaawang ang labi ko sa nangyari, bakit biglaan?

"Uhm so paano ba tol? Ihahatid ko nalang si Rhenise sa inyo. Tara n-"

"No," biglang sabi ni Rexford.

"What? Anong no Rex?" inis na tanong ni Camille. "Ayaw mo siyang ipasabay kay Kenjo?" dagdag niya pa.

Bakit sa tuwing kasama ko silang tatlo ay ganito ang nangyayari? May parte na tuloy sa sarili ko na lumayo sa kanila, pakiramdam ko laging nanganganib ang buhay ko kapag kasama sila.

"She will be with us along the way." hindi ko malaman kung ano ba talaga ang gustong ipahiwatig ni Rexford.

"What? But why babe? I mean, Kenjo can handle her. Hayaan na natin sila. Let's go," wika ni Camille at pilit hinila si Rexford. Gulat akong napatingin sa ginawa niyang paghawi ng kamay ni Camille. "What the hell?!"

"Kung gusto mo ikaw ang sasabay kay Kenjo, go ahead Camille. Basta isasabay ko si Rhenise sa akin." hindi ako naka imik nang hawakan niya ang kamay ko at hinila papalayo.

"Rexford!" rinig kong sigaw ni Camille.

Hindi ko na alam ang nangyayari, pinaupo niya lang ako sa loob ng kotse at siya na rin ang nag-ayos ng seatbelt kung tawagin. Pagkatapos non, pumunta na rin siya sa driver seat. Gulat at naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Gusto kong lumingon para tignan si Camille at Kenjo pero hindi makagalaw ang katawan ko, para bang napako na ito kung saan ako ngayon.

Tahimik ang biyahe naming dalawa, walang ni isa ang nagsalita. Gustuhin ko man magtanong tungkol sa nangyari kanina pero hindi ko pa rin magawa. Ewan ko ba!
Hanggang nakarating kami sa bahay, nauna siyang bumaba at pumasok sa loob. Naiwan akong naguguluhan pa rin. Ngayon, hindi niya na naman ako pinapansin. Daig pa namin mag-asawang nagkakatampuhan. Napailing nalang ako bago bumaba.

"Hi!" Napahinto ako nang marinig ang boses ni Kendrine sa gilid. "Dad, this is Rhenise." masayang sabi niya sa lalaking katabi. Halos mapaawang ang labi ko sa lalaking kaharap ko ngayon, bigla akong kinabahan nang inilahad niya ang kamay niya.

"Hello ija," aniya. Nataranta akong abutin ang kamay nito. Ang gwapo! Hindi mukhang matanda o may anak na kaedad ko lang.

"Siya ang bagong yaya ni Rexford," Nakangiting wika ni Kendrine. Napalunok ako ng dalawang beses habang nakatingin sa Daddy niya. Lakas maka laglag panga.

"Hey Rhenise, thank goodness ay nandito ka. Can I have a favor?" Napalingon ako kay Ma'am Elaine na lumabas ito mula sa kusina, kasama si Sir Jalwin.

"Opo Ma'am," sagot ko.

"Ayaw kasing bumukas ng pinto ni Rexford, dadalhan ko sana siya ng paborito niyang pagkain. Can you do it for me?" sambit niya habang nakangiti. Agad ko siyang nilapitan at kinuha ang dalang pagkain.

"Sige po ma'am," wika ko. Nagpaalam ako sa kanila para puntahan na ang magulo kong alaga.

Tatlong beses akong kumatok pero hindi pa rin ako binuksan hanggang sa aalis na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang mabangong katawan na nakahubad sa harap ko. Halos mapaawang ang labi ko at hindi makagalaw. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kaniya. Napalunok ako ng dalawang beses bago umiwas ng tingin. Inilahad ko sa kaniya ang dala kong tray ng pagkain.

"P-pinabigay po ng mommy niyo," nauutal kong sambit. Halos mangalay na ako, hindi niya pa rin kinuha!

"Pakilagay na lang sa table." Gulat akong tumingin sa kaniya. Bakit hindi niya na lang kunin?

"S-sige po," sambit ko at dumiretso sa loob ng kwarto niya. Binigyan niya ako ng daan para makapasok. Pagkalapag ko ng tray nagulat ako nang biglang sumarado ang pinto. "Alis na p-po ako." Akma akong pupunta sa pintuan nang bigla niya akong hinarangan.

"Let's talk," wika niya. Naguguluhan ko siyang tiningnan. "I have something to tell you. Hindi ko na ata kayang palampasin pa ng ilang araw 'to." dagdag niya pa. Hindi ako nakapagsalita, kinakabahan sa sobrang lapit niya tapos nakahubad pa siya sa harap ko. Diyos ko!

"A-ano pong sasabihin niyo?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya, ginulo ang basak buhok. "I don't know why I felt something rare. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang naiisip ko araw-araw. How do you do that?" bakas sa mukha niya na naiinis siya.

"H-huh?" hindi ako sigurado kung naiintindihan ko ba o ano ang sinabi niya.

"You keep running in my mind. Simula nang dumating ka rito naguguluhan na ako. You're just my maid pero bakit mo ako ginugulo!" Nagulat ako sa pagsigaw niya. Ano bang ginawa ko?

"Ano pong ginawa ko?" tanong ko.

"Wala kang ginawa, ginugulo mo lang ang isip ko. Nasisira ang relasyon ko kay Camille. Please...please stay away from me," nasasaktan ako sa sinabi niya. Wala naman akong ginagawa para sabihin niya iyon.

"Pasensya na po kung may nagawa akong hindi ko alam. Nagtatrabaho lang po ako at hindi ko hinangad na maguluhan ka sa ano man ang nangyari." mahabang wika ko.

"Makakalabas ka na," sambit niya. Tanging tango lang ang sinabi ko at umalis na sa harap niya. Hindi ko pa rin alam ang ginawa ko at bakit ako nasasaktan sa sinabi niya. Gusto niya akong umalis dito? Pero bakit?

"Sir," tawag ko sa kaniya. Hindi siya lumingon, nakatalikod pa rin kung saan ang pwesto niya kanina. "Salamat sa pagtanggap sa akin dito. Aalis na lang po ako para hindi na kita magulo." huling sinabi ko.

Akma kong bubuksan ang pinto nang mapahinto ako dahil sa pagsalita niya. "I like you Rhenise, but I can't afford to lose Camille."

Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon