Kabanata 29

744 24 0
                                    

"Uuwi ka na ba?" tanong ni Rhian. Nag-video call kami ngayon, nasa tabi niya si Tatay at Rhema at nasa likod naman si Rhione at Rhanzen. Ang laki na ng pamangkin ko.

Ngumiti ako sa kanila ng malapad. "Inaayos ko nalang ang trabaho ko rito para wala akong maiwan, pero hindi ko sasabihin sa inyo kung uuwi na ba ako." Tumawa ako pagkatapos at nakasimangot naman sila.

Sa ilang taon ko rito sa New Jersey, naka bili ako ng bahay para sa kanila galing sa ipon ko sa pagtatrabaho bilang Journalist. Sa Pilipinas ako nakapag tapos sa kursong iyon, marami akong napagdaanan bilang isang studyante pero hindi naman naging hadlang ang pagtatapos ko. Wala akong ibang ginawa no'n kundi ang mag-aral.

Nang grumaduate ako, nag-apply kaagad ako sa ibang bansa bilang isang journalist at mabuti ay natanggap ako kaya kagaad akong lumuwas. Tatlong taon na ako rito at balak kong bumalik sa Pilipinas pagkatapos ng naiwang trabaho.

"Ate." Napatingin ako kay Rhione nang tawagin niya ako.

"Bakit? Wala ka na bang allowance?" Umiling siya bilang tugon. Natahimik silang lahat at ako naman ay nagtataka.

"Dapat po dati pa namin 'to sinasabi sa'yo kaso natatakot kami baka magalit ka." I frowned of what he said. Ano ba kasi 'yon.

"Say it, Rhione." Maotoridad kong sabi nagkatinginan muna sila bago bumuntong hininga, sabay pa.

"Dalawang taon na po kasing pabalik balik si Kuya rito, nagbabasakaling nandito ka raw pero isang taon na rin pagkatapos no'n ay hindi na siya bumalik pa." Tumango ako.

I smirked in my mind, aaminin kong sa tatlong taon ko rito ay naiisip ko siya paminsan minsan pero palagi rin sumasagi sa isipan ko ang anak ko.

I smiled at them. "Aalis na ako, tapusin ko lang ang trabaho ko," saad ko at pinatay na ang tawag.

I heaved a sighed, nakatingin sa laptop ko. Kumusta na kaya siya? Kasala na kaya siya nang tumigil siya sa kakapunta sa amin? Iwinakli ko iyon sa isipan ko at saka tumayo na. May report pa pala akong ibabahagi sa team ko. I am the team leader in my team maya todo trabaho ako, buti nga ay masisipag din ang mga kasamahan ko. Pumapalpak minsan pero kaagad din namang nasulosyunan.

Sumakay na ako ng train pagkarating ko sa station, hindi pa naman ako late pero gusto ko nang pumunta sa office. I want to avoid the thoughts about him. Ang tagal na ng panahon, maayos na rin ako at hindi na umiiyak. Siguro, kunting kirot pa pero balewala nalang sa akin. I make myself busy since three years, gano'n naman talaga. Para makalimutan ang minsang sakit, make yourself busy sa mga bagay na sa tingin mo ay hindi mo na ulit maiisip at maramdaman pa ang mga sakit.

"Are you free tonight?" Lumingon ako kay Franco, my foreigner friend here. Siya lagi ang kausap ko at nakakasama. Ewan ko ba rito dikit nang dikit sa akin.

"I don't know yet, I need to finish my paper works first before going out to somewhere," I said to him, he just smiled and pinch my cheeks.

"I told you, don't do that again. It's hurt, Franco." I rolled my eyes.

"You're cute when you rolled your eyes." He smiled bago ako talikuran. Ang daming alam ng kano na 'yon. Matagal naman na akong cute kahit hindi ako umirap.

Natapos ko nga kaagad ang lahat ng dapat kong gawin, thanks to my team dahil mabibilis din sila kung tumulong.

"Everyone," I called their attention. Hindi ko alam kung bakit sila umiiyak. I'm with Filipino and some foreigner in my team. "What's with your faces?" I asked.

"Are you really sure you're going back to Philippines? I think, finishing all the works here is not a good idea." Natawa ako sa sinabi ni Miyenda.

"I'll be back here but I don't know yet. But don't worry, I will call you guys." I smiled. Lumapit naman sila sa akin at niyakap ako isa-isa. Sa sobrang close ko sa kanila, hindi ko mapagkaila na ma-mi-miss ko rin sila. Hindi ako nahihirapan dahil sa kanila, mas pinapadali nila ang trabaho ko bilang team leader nila.

Pagkatapos ko kasing gawin lahat ng tarabho ko kanina, I booked a flight at bukas na kaagad ng hapon ang flight ko kaya ngayon pumayag na rin ako kay Franco na lumabas. Pumunta kami sa isa sa sikat na Restaurant dito sa New Jersey, ang City Dinner. This was my favorite restaurant din. Bukod sa masarap ang mga pagkain, crop the price dahil legit talaga na mahal ito. Bukod do'n, mababait ang mga staff.

"I was thinking." Nilapag ko ang menu nang matapos akong pumili, tumingin ako kay Franco nang magsalita siya. "I want to join you for leaving here." Napakunot ang noo ko.

"What do you mean?" I asked.

"I want to go with you in your hometown. I think, you need me there." Napailing at napapangiti ako sa sinabi niya. Bakit niya naman iniisip iyon na hindi naman kailangan.

"Don't be silly, Franco. I'll be back here, don't worry," saad ko. Nagulat naman ako nang hinawakan niya ang isa kong kamay.

"Is it too late to request to you not to go?" I frowned. Ano ang ibig nitong sabihin. "I mean, I don't know how to say this properly but Rhenise. I want to court you." I stopped, may bumara yata sa lalamunan ko bigla sa sinabi niya.

Tumingin ako sa kamay naming dalawa at dahan-dahan kong inalis ang kamay ko. Hindi ko alam kung paano ko rin sabihin sa kanya na ayaw kong magpaligaw. Mabait si Franco, I think nasa kanya na yata ang hinahanap ng mga babae sa mundo pero iba ako, matalik ko siyang kaibigan. Tinuring na kapatid, I won't destroy our relationship dahil lang doon and besides, hindi pa ulit ako handang pumasok sa relasyon.

"Oh, I know that look. It's okay, don't pressure yourself. I can wait you."

"F-franco--"

"Let me wait you, Rhenise. Let's eat." Ngumiti ako ng tipid.

I remember Rexford, inaantay niya rin kaya ako-- come on, Rhenise. You left him, how are you sure na hinahantay ka niya ulit. You left him, remember that. You left him because you are hurt.

Kinabukasan, hinatid ako ng team ko kasama si Franco, para silang buong barangay.

"Hindi niyo naman ako kailanga ihatid," sabi ko kay Mari. Isa sa Filipino worker na kasamahan ko.

"Gusto namin eh. Ma-mami-miss ka namin. Kapag ako na rin ang uuwi sa Pilipinas, magkita tayo." Tumango ako at niyakap na sila isa-isa. Ang huli ay si Franco.

"I'll wait here," he said. Hindi ako makasagot kaya tanging pagngiti nalang ang tinugon ko.

Nang makababa ako sa erolplano at nakarating na sa Pilipinas, balak ko sanang tawagan si Rhema ngunit nalala ko pala ay e-susurpresa ko sila na umuwi ako.
Na-miss ko na ang pamangkin kong si Rhanzen, siya lang yata ang sobrang na-miss ko sa pamilya.

I grab a taxi at sinabi na ang address sa amin. Ganito pa rin ang Pinas, walang pinagbago. Dumadaloy pa rin ang trapiko. Hanggang kailangan kayang manatili ng ganito ang bansa natin?

Habang nakatingin sa labas ng binta, may nakita akong pamilyar sa akin.

"Camille?" Nakasakay ito sa kotse at siya ang nagmamaneho, tiningnan ko pa ang batang kasama nito sa kotse. May anak na siya?

I wonder kung sino kaya ang ama ng bata? Siya kaya? Siguro oo, siya ang huling kasama ni Rex nang huli naming pagkikita. Napangiti na lamang ako, kung buhay kaya ang anak ko ganyan na siya kalaki ngayon? Ang swerte ni Camille.

Napaiwas kaagad ako ng tingin nang biglang lumingon si Camille banda ko, nakita ko pang binuksan nito ang bintana niya. Dahil hindi pa rin gumagalaw ang traffic, dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nakatingin pa rin siya sa akin na nakangiti? Huh?

Kumaway ito sa akin kaya binuksan ko ang bintana ng kotse, kinawayan ko rin siya. Sobrang lapit lang namin sa isa't isa.

"Hi, umuwi ka na pala? Hmm, can we have a coffee? D'yan lang banda." Tinuro niya ang isang coffee shop na hindi kalayuan sa amin.

Nag-aalinlangan man at nagtataka, tumango na lamang ako at ngumiti sa kanya.

"Great! See you," she said and by that umandar na ang mga sasakyan.

Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon