Kabanata 16

688 23 12
                                    

Isang buwan na ang lumipas simula no'ng mangyari ang hiwalayan nina Rexford at Camille, hindi mawala sa isipan ko ang sisihin ang sarili. Pakiramdam ko, ako ang dahilan ng tuluyan nilang pagkawasak. Kaya simula no'n at hanggang ngayon. Tanging pag-iwas kay Rexford ang nagawa ko.

Nilalapitan ko lang siya kung kinakailangan pero hanggang doon nalang iyon. Hindi na lumagpas at wala namang dapat pang ilagpas.

Nag-iimpake ako ng mga damit ko para umuwi sa probinsya namin. Matagal na rin na hindi ko nakita ang pamilya ko. Kumusta na kaya sila? Naalala pa kaya nila ako? Napabuntong-hininga ako at binilisan ang pagkilos, kailangan ko pang bumyahe papuntang sakayan ng bus.

Noong nakaraang Linggo lang akong nagpaalam kay Ma'am Elaine, buti nalang at pinayagan ako. Napakabait pa dahil binigyan niya ako ng advance payment para sa buwan na ito.

"Tapos ka na?" Napalingon ako sa pintuan nang bumukas ito. Nakasilip na mukha ni Manang ang nakita ko.

"Opo, paalis na rin po." Nakangiti kong sambit. Naglakad siya patungo sa akin at may inabot na bag. Taka ko siyang tiningnan.

"Baon mo sa byahe, baka gutumin ka." sambit niya. Kinuha ko ito at nilagay sa isa ko pang bag.

"Salamat po," wika ko.

"Mag-ingat ka sa byahe nak, kung maaari bumili ka ng cellphone mo para matawagan kami rito. May naipon ka naman na. Ito ang numero ko, tawagan mo kaagad ako kapag magkaroon ka na." mahabang sabi niya.

Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya bago magpaalam. Hindi naman talaga kailangan na magkaroon ako ng bagong cellphone, pero siguro nga bibili na ako at para na rin matawagan ko sila Mama pagbalik ko rito sa Manila.

Akma akong lalabas nang bumungad sa akin ang isang bulto ng tao. Napaatras ako bigla nang makilala siya.

"Are you going home without my consent?" Napalunok ako nang marinig ang malamig na boses niya.

"U-uwi po muna ako S-sir sa a-amin," bakit na ako nauutal? Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa harap ko siya kahit na nakayuko lang naman ako. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Ihahatid na kita." Otomatiko akong tumingin sa kanya. Mabilis na umiling.

"Hindi na po kailangan, kaya ko naman p-"

"Ihahatid kita, Rhenise." Hindi na ako nakapagsalita nang bigla niya akong talikuran, pinagmasdan ang likod niyang papunta sa kotse nito. Naglabas ako ng isang buntong-hininga, may magagawa pa ba ako kung siya na mismo ang nagsabi.

"Sa sakayan nalang po ng bus, Sir. Baka po matagalan ang balik mo rito sa Manila." sambit ko. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Siguro naman, papayag siya roon?

Inayos ko nalang ang sarili at tumahimik na. Mamaya nalang ako magpasalamat. Gulat naman akong tumingin sa kanya nang may inabot ito sa akin.

"Take this," wika niya na hindi nakatingin sa akin. Alinlangan man ngunit kinuha ko rin ito at tiningnan ang laman. Halos manlaki ang mata ko nang mapagtantong cellphone ang laman ng maliit na bag.

"Sir, bakit po? Hindi ko po 'yan matatanggap." Ibinalik ko sa kanya ang bag. Anong nakain nito at binigyan ako ng cellphone.

Hindi niya tinaggap kaya pilit niya itong binigay sa akin, pilit din akong tumanggi pero natigil din nang samaan niya ako ng tingin. "Take that and call me kapag nakarating ka na sa inyo."

"P-po?" ewan ko ba? Lagi akong nabibingi kapag siya ang nagsasalita.

"I already put the sim card there and my number. Nag-iisang contact d'yan ay akin. You're not allowed to put another contact unless it's your family or my family." h-huh? Ano? Teka, sandali. Nakanganga lang akong nakatingin sa kanya.

"Do you understand, Rhenise Deign?" Mabilis pa sa alas kwatro akong tumango sa kanya. Wala akong naiitindihan sa sinabi niya dahil ang bilis niya magsalita. "Now, close your mouth and let's go." Umayos na siya sa pagka-upo at sinimulan ang byahe.

Pinagmasdan ko ang hawak kong bag na naglalaman ng cellphone. Parang kanina lang, napag-usapan namin nito ni Manang na bibili ako at ngayon, nasa kamay ko na. Hindi nga lang ako ang bumili.

"Stop staring that thing. Nagseselos ako." Gulat akong tumingin sa kanya, natawa pa siya ng bahagya na dahilan nang pagtigil ko. Pinagmasdan ang ngiti sa labi nito. Ang ganda sa pangingin.

"You should open it, marunong ka naman siguro gumamit ng cellphone?" tanong nito.

"Opo, s-salamat po," nahihiya kong sambit.

Sinimulan kong buksan ang cellphone. Halos matapon ko sa harap nang magulat na bumungad sa akin ang litrato niya. Napatingin ako sa kanya nang marinig ang munting tawa nito.

"I'm sorry, nagulat yata kita. I put my picture as wallpaper para hindi mo ako makalimutan." Hindi ako makapagsalita, naninikip ang dibdib ko nang hindi malaman ang dahilan.

"Is that okay, right? Gwapo naman ako riyan." sobrang gwapo. Lumunok ako ng dalawang beses.

"A-ayos lang po, maganda naman po pagmasdan sa ma-" halos mauntog ako sa harap namg bigla niyang e-preno.

"Shit, come again?" sambit niya. Hindi agad ako nakasagot dahil kinapa ko pa ang dibdib ko. "Sorry, kasalan mo naman." Doon na ako lumingon at sinamaan siya ng tingin na agad ko rin iniwas. Amo ko pala siya.

"Paanong kasalanan ko?" kalmado kong tanong. Wala naman akong ginawang mali para sisihin niyang kasalanan ko.

"You were saying something nang dahilan ng pag-hinto ko. Now can you say it again?" Kunot-noo ko siyang pinagmasdan. Pinagsasabi na naman nito?

"Hey, say it again." parang batang pagmamaktol niya.

"Anong sasabihin ko ulit?" tanong ko.

"The last sentence you said to me earlier. Say it again," inaalala ko pa lahat ng sinabi ko mula kanina nang magkasami kami. Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig nang mapagtantong namali ata ako ng pagkasabi. Dahan-dahan akong umiwas ng tingin.

"Wala po iyon, hayaa-"

"Cut the po, Rhenise. Hindi mo ako amo o alaga ngayon." ma-oridad na sambit niya. Tumango-tango ako bilang pag sang-ayon. "Now, tell me the last one you said. Malapit na tayo sa sakayan ng bus na sinasabi mo, hurry up." pagmamadali niya pa.

Napabuntong hininga ako at binuksan muli ang cellphone. Nakatingin ako sa litrato niya. Seryuso ang mukha nito na para bang hindi alam paano ngumiti. Dahan-dahan akong ngumiti nang maalala ang ginawa niya.

"You're smiling at my picture." Napalingon ako sa kanya.

"Ang ganda sa mata ng litrato mo," sambit ko. Biglang bumagal ang pagmaneho niya hanggang sa huminto ito. Lumingon siya sa akin ng seryuso.

"Ang sarap pagmasdan ng mukha mo, Rexford." sana araw-araw kong makita ang mukha mo. Sana, araw-araw kitang kasama. Pero malabo, dahil hindi naman magkatugma ang buhay nating dalawa.

Nakatingin lang ako sa kanya nang dahan-dahan itong lumapit sa akin, mas lalo akong kinabahan nang hinawakan niya ang pisngi ko. Hindi ako makagalaw, nakatingin lang sa mukha niya. Napapikit ako nang maramdaman ang malabot niyang labi. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko siyang itulak ngunit kumontra ang sarili ko, mas gugustuhin kong malapit siya sa akin.

Gulat man nang iginalaw niya ang labi niya, wala akong ibang ginawa kundi ang sumunod sa galaw. Hindi ako marunong sa ganito! Pero ayaw ko naman mapahiya sa kanya.
Napamulat ako nang bumitiw siya sa halik. Sabay kaming lumingon sa harap at likod nang marinig ang ingay ng ibang sasakyan. Hindi namin napansin na Go na pala.

Unang halik ko na hindi pinagsisihang naibigay ko sa lakaing 'to. Sumilay sa labi niya ang isang matamis na ngiti na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Mas masarap ang labi mo,"

Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon