Kabanata 2

975 32 27
                                    

"Aalis ka?" lumingon ako sa taong kasama ko rito sa kwarto. Si Nita, ang isang kasambahay pa.

"Aalis daw kami ni sir Rexford," sagot ko naman sa kanya at inayos ang damit ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero mas okay na 'yong maayos ang suot ko baka mga mayayaman din ang mga nandon.

"Ayan lang susuotin mo? T-shirt at maong na pants?" nakakunot na tanong niya, tiningnan ko siya na may pagtataka. Wala naman sigurong problema na simple lang ang susuotin ko.

"Ah, oo." sagot ko. Nakita ko kung paano siya ngumiwi at tumalikod sa'kin, may binuksan siya sa cabinet niya, nagulat ako nang iharap niya sa'kin ang isang damit.

"Anong gagawin ko r'yan?" taka kong tanong.

"Sure ako beh na sa mamahaling lugar kayo pupunta, baka e-judge ka ng mga taong nandon kapag 'yan lang ang suot mo. Ito hiramin mo yung dress ko, hindi ko pa nasusuot 'yan kasi hindi kasya sa'kin, sayo nalang. Katas yan ng sweldo ko." nakangiti nitong sabi, bigla akong nahiya.

Dahan-dahan kong kinuha ang damit sa kamay niya, maganda nga ito halatang mamahalin din. Sayang naman kung hindi niya nagamit, pang-bayad na siguro ng kuryente ang presyo nito.

"Ano, titignan mo lang 'yan hanggang 'yan na mismo ang magsusuot sa katawan mo?" nabalik ang attention ko sa kanya at binalik ang damit niya.

"Sayang, mukhang mamahalin." sabi ko.

Mukha rin namang hindi bagaya sa'kin ang damit, kulay asul ito at halata kapag isusuot ko ay ipit ang katawan ko, nakakahiya hindi rin naman ako sanay sa mga ganitong damit.

"Marami akong ganyan, mayaman akong kasambahay." sabi niya at binigay sa'kin ulit ang damit. "Bilisan mo na at baka nainip na ang kamahalan mo kaka-antay sa'yo." dahil sa sinabi niya, naalala ko agad si Rexford na nag-aantay nga. Panigurado tatalakan niya na naman ako, potek naman unang araw ko palang ito agad ang gagawin ko sa trabaho. Kasama ba sa trabaho ko ang bantayan siya kahit saan?

Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang damit at nagpalit na, ayaw ko naman na papagalitan ako dahil lang mabagal ako kumilos, baka palayasin ulit ako. Hindi ko na alam kung paano pa ako makakahanap ng trabaho.

"Ayan, ang ganda mo na lalo." nahiya ako bigla sa sinabi ni Nita, twenty-five palang siya, kaya bata pa at kita naman sa kanya na may taste talaga siya sa mga damit.

"Lumabas ka na, mag-ingat ka sa mga kaibigan niya ah." biglang sabi niya, kinunotan ko siya ng noo.

"Bakit ate?" tanong ko, kinakabahan.

"Wala, sige na at nag-aantay na si Rex." tinulak niya na ako palabas ng kwarto, bigla akong kinabahan. Bakit ba kasi gusto pa akong isama ni Rexford kung saan siya pupunta. Magmumukha lang akong basahan kapag sinama niya ako, hindi ba siya nahihiya na isama ako?

"Ang tagal mo, late na tayo." laking gulat kong tumayo siya mula sa pagka-upo at hinila ako palabas. Nakaramdam ako ng pag-kuryente sa aking katawan nang hawakan niya ang kamay ko, nakatingin lang ako sa kamay naming dalawa na mag-kadikit.

"Do you want me to carry you? ang bagal mong kumilos." gulat parin akong nakatingin sa kanya, hindi parin niya inaalis ang pagkahawak sa kamay ko. "What? titingin ka lang ba, hindi ka papasok?" pagsusungit na naman nito. Hindi ko alam kung sinong mas tanga sa'ming dalawa, paano ako papasok kung hawak niya parin ang kamay ko.

"S-sir, yung kamay ko po hawak niyo." pagkasabi ko non, agad niyang inalis ang kamay niya sa kamay ko.

"O-oh, get in." sabi niya at iniwan ako sa labas ng kotse, nauna siyang pumasok.

"Fasten your seatbelt," tumingin ako sa kanya ng bahagy, hindi naiintindihan ang sinasabi. "Ikabit mo na at aalis na tayo." hindi parin ako gumalaw, hindi ko naman alam kung paano. Unang beses akong nakasakay ng kotse.

Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon