Kabanata 15

680 25 17
                                    

"Rhenise!" Napalingon ako kay Mica nang tawagin niya ako, bihis na bihis na rin siya para sa skwela. "Pasensya na, kailangan ko pa lang mauna sa school. Susunduin ko pa si Kendrine dahil may problema siya. Uhm, can you do me favor? Pwede bang pakisabi kay Sir Bernard na malelate ako?" mahabang wika niya. Tumango ako at ngumiti.

"Sige, magje-jeep na la-"

"Huh? Bakit? Kasabay mo si Rexford, sige na. Paalam," gusto ko siyang pigilan umalis para magreklamo pero nawala na siya ng tuluyan. Napabagsak ang dalawa kong balikat sa inis. Bakit ba kasi kailangan pa akong sumabay sa kaniya, kung puwede naman akong mag-jeep!

"Hoy, inaantay ka na ng alaga mo sa labas." Napairap ako ng palihim sa biglaang sabi ni Manang. Kinakabahan na naman ako, naalala ko na naman ang nangyari kahapon, ang sinabi niya sa akin.

"Sige po," wika ko. Nagmamadali akong lumabas patungo sa kotse, nakita ko pang nasa labas siya na nag-aantay, napaiwas ako ng tingin at dumiretso sa pagpasok na hindi siya pinansin o binati man lang. Ano naman ang sasabihin ko sa kaniya?

"Seatbelt." Gulat akong napatingin sa kaniya na agad rin umiwas nang makitang nakaharap pala siya sa akin. Nagmamadali kong inayos ang seatbelt at hindi na nagsalita pa. Nagsimula na rin naman siyang magmaneho.

"From now on," panimula niya. Nagulat pa ako ng bahagyan sa biglaang pagsalita nito. "Let's not encounter each other in school. Sa bahay na lang tayo mag-usap kapag mahalaga." Tumango na lang ako sa kaniya. Buti naman siya na ang nagsabi no'n. Hindi ko rin kayang maka-usap siya sa skwela, kinakabahan ako lagi nang hindi malaman ang dahilan.

Para akong batang pinapagalitan dito sa kotse, ipit na ipit sa gilid ng pinto. Pinipilit na malayo sa kanya, nagdadasal na sana makarating na kami pero bakit ang bagal ng byahe. Malapit lang naman!

"Shit, traffic." Lumingon ako sa paligid nang magsalita siya no'n. Hindi naman traffic.

"Sira po ba ang kotse mo? Baka po ma-late na tayo." wika ko. Siya lang naman kasi atang nagpapabagal ng takbo. Mabilis naman ang usad ng ibang sasakyan.

"Oh, yeah. Baka nga, ipapatingin ko nalang 'to mamaya." malamig niyang sabi. Napakunot ang noo ko sa inasta niya, bakit pakiramdam ko nagsisinungaling siya?

"We're here," sambit nito kaya agad akong lumabas pagka hinto niya. Nauubusan ako ng hangin dahil sa kanya.

"Babe!" Napahinto ako nang makita si Camille, naglalakad papunta kay Rexford. Kasama niya ang mga kaibigan nito na masama ang tingin sa akin. Kitang-kita naman sa mga suot nila ngayon na hindi sila basta-basta.

Napayuko ako at maglalakad na sana nang tawagin ako ni Camille. "Kasama mo pala si Rhenise?" tanong nito.

"Yeah, let's go babe." rinig kong sabi ni Rexford, tumabi ako para makadaan sila. Hangga't maaari, iiwasan ko si Camille, ayaw ko ng gulo.

"Camille!"

Hindi pa ako tuluyang makalayo nang mapasigaw ako dahil sa sakit na naramdaman ko. Hinila ako ni Camille sa buhok. "Bitch!"

"Stop that now!" hindi niya sinunod si Rexford at patuloy lang niya akong hinila. Ano bang problema?

Kinuha ko ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko. Hinawaka ko rin ang buhok niya at sinabunutan ito.

"Ano bang problema mo?!" sigaw kong tanong.

"Ilang ulit ko na bang sinabi na layuan mo si Rexford!"

"Camille, stop that!" Napahiwalay kaming dalawa nang hilahin siya ni Rexford. Dumating din sila Mica at Kendrine kasama ang iba kong kaklase, dinaluhan nila ako.

"Are you okay?" Tumango ako sa tanong ni Kendrine.

"Rhenise, I'll bring you to the clinic." Lumingon ako kay Kenjo nang dumating din siya. Umiling ako. Wala naman kasing sobrang natamo ang katawan ko.

Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon