Kabanata 20

716 25 2
                                    

Agaran ko siyang tinulak. Hindi ako makahinga sa sitwasyon ko ngayon.
Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. The way he said that makes me melt more, nakakapanlumo.

Umayos siya ng tayo, tiningnan niya ako ng seryoso kaya umiwas ako ng tingin. Ano ba ang iniisip niya? Bakit niya sinasabi iyon? Hindi kami puwede. Wala akong makitang rason para gawin ang gusto niya.

"I'm sorry," he said and walked away. Pinagmasdan ko ang likod nito habang lumalayo sa akin.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan siyang nawala.

Be mine, baby

Umiling ako nang paulit-ulit dahil sumagi na naman sa isipan ko ang huling sinabi niya. Seryoso ba siya? Pero bakit? Totoo ba talagang gusto niya ako? Paano si Camille? Ang tagal na no'n pero ayaw ko pa rin maniwala. Inaamin ko naman na ako rin, may gusto sa kanya kaso malabo. Sobrang labo para maging kami. Amo ko siya, katulong lang nila ako. Hindi puwede.

"Hoy!"

"Ay, Baby!" Napatakip kaagad ako ng bibig ko nang mabanggit iyon. Ang kaninang nanggugulat na si Ate Nita ay nagtataka akong tiningnan at maya't maya ang pagtawa niya.

"Oy, baby. Sino 'yan ha? May baby ka na?" tukso niya sa akin.

Sakto ang pagdating ni Manang kaya lumapit ako sa kanya para tulungan siya sa mga dala niya. Ayaw kong tuksuhin lalo ako ni Ate. Bakit ko ba kasi nabanggit iyon.

"Ah, Rhenise. Pinapasunod si Nita kina Ma'am Elaine at ako naman ay pupuntahan sila Mica at Kendrine para samahan." Otomatiko akong lumingon kay Manang, napatigil sa ginagawa kong pag-aayos. Ano raw? Paano ako.

"Eh, ako po?" nahihiya kong tanong. Napakunot naman ang noo ni Manang at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ate. Bakit?

"Anong ikaw? Dito ka sa bahay, samahan mo si Rexford." Shit! Napakagat ako sa ibabang labi ko, ako pala ang yaya ni Rexford. Bakit ko naman naitanong iyon? Dahil, ayaw kong makasama si Rexford sa isang lugar lalo na't kami lang dalawa.

"Bakit parang nanlumo ka riyan? Ayaw mo na bang alagaan si Rexford?" Mabilis akong umiling sa sinabi ni Ate.

"Hindi naman po, nagtanong lang naman eh." Nakanguso kong sabi sa kanya. Ma-issue talaga 'tong babaeng 'to.

"Ngayong araw kami aalis, Rhenise kaya namalengke na kami para sainyo ni Rexford. Baka ay matagalan kami sa pagbalik." Gusto kong magreklamo! Gusto ko rin sumama.

Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos. "Sige po. Ako na po nito. Mag-handa nalang po kayo sa pag-alis." Nakangiting sambit ko.

Sumang-ayon naman sila at umalis na. Napabuntong-hininga ako nang mawala sila sa paningin ko. Kapag minamalas na may s'werte ka nga naman oh. Kaming dalawa lang ba talaga ang maiwan dito? Hindi naman siguro magka-ilangan 'no? Kung pag-alis nalang kaya nila ay aalis din ako para hanapin si Nanay, pero saan ko naman hahanapin 'yon. Nakakabaliw!

"Rhenise." Lumingon ako sa tumawag, si Manang. "Aalis na kami. Nagpaalam na kami kay Rexford. Ikaw na ang bahala sa bahay at sa alaga mo ha? 'Yong gamot niya, huwag mong kalimutan." paalala niya sa akin.

Tumango ako at sinundan sila sa labas. Habang naka sunod ako, nakita ko si Rexford na nasa labas din. Mukhang nag-aantay rin kina Manang. Hindi ko siya magawang tignan kaya umiwas ako.

Bakit naman parang ang dami nilang dinalang damit? Hindi na ba sila uuwi rito? "Babalik pa po kayo, hindi ba?" tanong ko.

Inilagay na nila ang tigdalawang dalang bag sa kotse. "Oo naman, kailangan lang talaga ni Ma'am Elaine na makakatulong doon at sila Mica ay dapat kong alagaan dahil umalis ang katulong nila Kendrine." Paliwanag ni Manang.

Tumango nalang ako at hinayaan na silang maka-alis. Ilang araw naman silang mawawala? Ilang araw ko makakasama si Rexford na kaming dalawa lang? Ilang araw akong magiging ilang sa kanya?

"Huwag kang pasaway kay Rhenise," sambit ni Manang kay Rexford. Hinawakan lang niya ang balikat ni Manang at tumango. Pinagbuksan niya ito ng pinto.

Napabuntong-hininga ako nang tuluyan na silang makalabas ng gate. Ito na ang simula na kaming dalawa lang. Kung wala lang siyang nararamdaman sa akin at bumalik ang pagiging arogante at seryoso niya, hindi ako maiilang sa kanya.

Akma akong babalik sa loob nang tawagin niya ako, napapikit ako ng mariin at humarap sa kanya nang nakangiti.

"Yes Sir? May kailangan po kayo?" tanong ko. Hindi pinahalata ang kaba sa dibdib dahil sa mga mata niyang nakatingin sa akin.

"About a while ago, don't think that too much." he said and turned his back away from me.

Bumalik siya sa loob ng bahay at naiwan akong naguguluhan na naman. Ayaw niyang isipin ko ang nangyari at sinabi niya kanina? Sabi na nga ba eh, nagbibiro o nan-t-trip lang siya sa akin.

Kinagabihan, nagluto na ako ng ulam para sa aming dalawa. Hindi ko na siya tinanong kung anong gusto niya dahil sinunod ko lang ang nasa listahan. Kaya ko naman kainin din ang mga pagkain na para sa kanya.

Nang matapos kong ihanda ang lahat, pumunta na ako sa labas nh pinto niya at kumatok ng tatlong beses. Ang tagal niya pang buksan.

"Kain na po," wika ko at tumalikod na. Narinig ko naman ang pagsarado ng pintuan.

Tahamik lang kaming dalawang kumakain, tanging mga kubyertos lang ang naririnig sa paligid. Nakaka loka ang katahimikan. Nang matapos ako, agad akong tumayo at hinayaan ko siyang kumain nalang.

Kung ganito palagi araw-araw habang wala pa sila Manang, siguro mababaliw na ako ng tuluyan sa katahimikan. Sa sobrang ilang kapag kasama siya o nasa malapit ko siya.

"I'll sleep now, just go to your room and rest." Natigil ako sa paghuhugas nang marinig siya sa likod ko. Lumingo n ako at ngumiti.

"O-opo. Pagkatapos po nito," wika ko at binalik ang pansin sa mga hinuhugasan.

Hanggang kailangan ka maging ganito Rhenise? Hanggang kailan mong itago sa kanya na hindi ka naaapektuhan sa presensya niya? Hanggang kailan mong itago na kunyari hindi mo siya gusto? Hanggang kailan mo papahirapan ang sarili mo sa nangyayari? Hanggang kailan mo rin lolokohin at pagsinungalingan ang sarili mo? Nakakabaliw na talaga!

Gusto ko siya, iyon ang totoo pero hindi ko kayang sabihin sa kanya. Pakiramdam ko maraming magbabago, maraming mawawala. Ayaw ko na dumagdag pa ng problema ko. Hindi naman kailangan magkaroon ng kasintahan sa buhay, hindi ba? Maayos akong sarili ko lang ang iniisip ko at ang pamilya ko. Ang patungkol kay Rexford, ang iisipin ko lang sa kanya ay alaga ko siya. At yaya niya ako, tama! Hindi kami nararapat dahil magkaiba ang mundo naming dalawa.

I was about to open the door of my room when suddenly someone grabbed me. Gulat akong napatingin sa kanya.

"Rexford," banggit ko. He looked at me intensely.

"Rhenise," sambit niya at hinawakan ang pisngi ko. Hindi ako makagalaw sa sobrang lapit naming dalawa. Ang lakas na ng tibok ng dibdib ko.

"Please baby, be mine." Hinalikan niya ako nang agresibo. Nanlulumo ako sa ginawa niya and I can't even push him away from me.

"R-rex,"

He didn't listen, instead he kissed me more, that made me response to his kisses. Hindi ko namalayan ang pagsabay ko sa halik niya.

"I like you. I like you so much."

Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon