Kabanata 4

751 31 12
                                    

"Oh, anong nangyari sa mukha mo bakit pulang-pula iyan?" tinakpan ko agad ang pisngi ko at umiwas kay Manang. "Hulaan ko, nakita mong nakahubad si Rex ano?" napatingin ako sa kanya dahil sa gulat ko.

"Masasanay ka rin, ija." dagdag niya pa sa'kin na para bang sanay na rin siyang makakita ng ganon.

"B-bakit ba siya naghuhubad ng damit habang tulog Manang? sana po sinabi niyo sa'kin na ganon pala siya." nakanguso kong sabi. Tumawa lang siya sa'kin, nakakainis kaya.

"Pasensya na, nakalimutan ko rin banggitin kanina." sabi nito at bumalik sa ginawa niya.

Bumalik ulit sa isip ko ang nakita ko kanina, agad akong umiling ng mabilis para mabura. Diyos ko naman po, bakit naman kasi naghubad ang isang 'yon. Ano? kailangan kong masanay na ganon lagi makikita ko, jusko baka gapangi-anak ka ng nanay mo Rhenise, magtigil ha, magtigil.

"Day off mo na pala bukas," nabalik ako sa katinuan nang magsalita ulit si manang.

"Ah oonga po," mahinang sagot ko. Hindi ko alam kung sasaya ba sila nanay na uuwi ako bukas.

"Manang," sabay kaming lumingon kay Rexford nang pumunta ito sa kusina, nakasuot na siya ng uniform. Mukhang papasok na siya.

"Bakit ijo? aalis ka na ba?" tanong ni Manang sa kanya, napaiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa'kin saglit.

"Pahanda ako ng pagkain later, my friends will be here." pagkatapos niyang sabihin 'yon tumalikod na siya.

Teka, kaibigan ba kamo? yung mga nakita ko ba nung nakaraang gabi? ibig sabihin, kasama yung Camille. Paano 'yong pinakilala niya akong pinsan niya tapos malalaman nila na muchacha pala. Nako naman oh, pakiramdam ko ipapahiya ako nung Camille mamaya.

"Tulongan niyo na ako rito maghanda," utos sa'min ni Manang na agad naman namin ginawa ni Ate Nita.

Kinagabihan dumating nga ang nga kaibigan niya. "Andito na naman 'yong girlfriend na akala mo maganda," napatingin ako kay ate Nita nang magsalita ito.

"Bakit ate, si Camille ba?" tanong ko pagkatapos kong ilagay ang mga pagkain sa hapag.

"Oo, ang arte akala mo maganda. Maputi lang naman pero maitim ang budhi." gusto kong matawa sa itsura niya habang nagsasalita ito, naka-ngiwi kasi ang mukha.

"Magtigil na kayong dalawa baka marinig pa kayo ni Rexford, alam mo naman Nita na magagalit ang batang 'yon." biglang singit ni Manang.

"Excuse m-oh hi, cousin of Rexford." sabay kaming lumingon sa babaeng kakasulpot lang, tiningnan ako mula paa hanggang ulo ni Camille. Napangiwa siya sa'kin.

"So I am right, you are a nanny." nakangisi nitong sabi na para bang tuwang-tuwa sa nakita niya.

"Anyway, can you give me water? nauuhaw ako e." sabi nito sabay inirapan ako, nagkatinginan kaming tatlo nila Manang at ate Nita nang bumalik na ito sa sala.

"Tingnan mo 'yon, kung kapatid ko lang 'yon siguro ningudngod ko na siya sa inidoro." inis na sabi ni ate Nita, humarap siya sa'kin na nakataas ang isang kilay. "Ano 'yong sinasabi niya na tama siya?" tanong niya.

"Pinakilala kasi ako ni sir Rexford bilang pinsan niya." narinig ko ang pagsinghap ni Manang sa gilid, malungkot niya akong tiningnan.

"Jusko, huwag kang mag-alala. Kapag may ginawang hindi maganda ang mga kaibigan niya sabihan mo agad ako ah, hindi ako kumilala ng mga mayayaman na tao." seryusong sabi ni ate Nita, tanging tango nalang ang sinagot ko.

Huminga ako ng malalim bago kunin ang mga pagkain para dalhin sa sala. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, sanay naman ako sa mga ganitong sitwasyon, mga mayayamang tatapakan ako, pero bakit ngayon ay kinakabahan ako. Siguro dahil bagong mukha ang makikilala ko.

"Oy Rex, hindi mo naman sinabi na may magandang katulong pala kayo." hindi ko pinansin ang lalaking nagsabi no'n.

Nilapag ko ang mga pagkain sa harap nila, ramdam kong nakatingin sila lng lahat sa'kin, anim silang nandito.
Si Rexford na katabi si Camille, isang babae na may katabing lalaki at dalawang lalaki pa sa gilid ni Camille.
Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Babe, why did you lie to me? akala ko ay pinsan mo ang katulong na 'to." hindi sumagot si Rexford sa sinabi ni Camille.

Akmang aalis na sana ako nang may magsalita. "Miss, may kukunin pa ba roon? I can help you." tumayo ang isang matangkad na lalaki habang nakangiti sa'kin.

"Ay h-hindi na po sir, kaya ko po." sabi ko sa kanya at ngumiti ng tipid. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin ni Rexford, seryuso lang siyang nakatingin sa'ming dalawa ng lalaking kaharap ko.

"No, it's my pleasure to help. Tara, nasaan ba?" nauna siyang maglakad kaya wala akong magawa kundi pasamahin nalang siya.

Nagtaka namang tumingin si Ate Nita sa kasama ko. "Magandang araw po," bati ng lalaki. Hindi mawala ang ngiti niya, mas lalo siyang gumwapo. Oo, gwapo ang isang 'to, maputi pa at halatang yayamanin ang kutis.

"Oh, Kenjo na miss kita ah." bati sa kanya ni Manang.

"Ako rin Manang, tutulongan ko lang po si?" tumigil siya sa pagsasalita at tumingin sa'kin.

"Rhenise po," sagot ko, halata namang gusto niyang malaman ang pangalan ko.

"Si Rhenise po, tutulongan ko lang siya kumuha ng kukunin pa rito." magalang na sabi niya kaya agad naman iyon inasikaso ni Manang at Ate.

"I'm Kenjo pala." sabi nito nang lumabas na kami sa kusina. "It's nice to see you, hindi sinabi ni Rexford na may maganda pala rito sa kanila." pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko sa sinabi niya, napaiwas ako ng tingin at ngumiti ng palihim.

"Rhenise!" natigil lang pagngiti ko nang may tumawag sa'kin. Si Rexford.

Tumingin siya saglit kay Kenjo at binalingan ako ng tingin ulit. "Ang tagal ng mga pagkain, nakikipag-harotan kalang pala rito." hala, pinagsasabi nito?

"Bro, she's not. Tinulongan ko lang si-" hindi natuloy ang sasabihin ni Kenjo nang kunin ni Rexford ang dala niyang tray, napa-awang ang labi ko sa ginawa niya.

"Ako na rito bro, bumalik ka nalang doon. You're a visitor." sabi nito, taka naman siyang tiningnan ni Kenjo.

"Ayos lang bro, parang hindi ka naman sanay sa'kin kapag nandito ako sainyo." sagot ni Kenjo sa kanya, nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na nagpapalitan ng tingin.

"nSige, kunin mo 'yang dala ni Rhenise at dala ko." halos manlaki ang mga mata ko nang ibalik niya ang tray na hawak niya kay Kenjo at kinuha rin ang dala kong bowl at ibinigay niya ito kay Kenjo.

Mas lalong kumunot ang noo ni Kenjo sa ginawa niya. Anong problema ng taong 'to?

"Bumalik ka sa kusina Rhenise at huwag lang lalabas." ma-otoridad na sabi niya. Nagkatinginan kami ni Kenjo dahil sa ginawa niya.

"Oh, I smells something malangsa." sabi ni Kenjo at umalis sa pwesto niya.

Nakatingin sa'kin si Rexford ng seryuso. "Sinabi ko ng huwag kang lalapit sa mga taong kakilala ko, bumalik ka na sa kusina at doon ka lang." sabi nito at akmang aalis siya nang magsalita ako, napahinto siya sa paglalakad.

"Bakit sir? 'yon naman po ang trabaho ko, pagsilbihan din ang mga bisita mo." sabi ko sa kanya, lumingon siya sa'kin at nang magtama ang mata namin, napa-atras ako nang hindi ko malaman ang dahilan.
Biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa diretsong tingin niya.

"Ako lang dapat ang pagsilbihan mo,"

Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon