Kabanata 11

628 17 6
                                    

"We're here," dahan-dahan akong nag-unat nang marinig ang boses ni Mica. Tiningnan ko ang paligid, ang ganda ng tanawin kahit gabi.

"We're just find a resort here at doon na tayo mag-stay. It's already midnight, mamaya na natin sila hahanapin." dagdag ni Mica. Lumabas na siya at sumunod naman ako.

"Papunta na rin si Kenjo," sabi pa nito.

"Si Rexford, tinawagan niyo po ba?" mahinahon kong tanong.

Umiling siya, "Hindi pa, mamaya ko na 'yon sasakalin. Tara na, magpahinga nalang tayo." sagot niya. Hinila niya ako papunta kung saan.

Kinaumagahan, maaga akong nagising. Siguro sobra na rin ang tulog ko dahil nakatulog ako sa byahe. Tiningnan ko si Mica sa katabing kama ko na mahimbing ang tulog, halatang napagod kakamaneho.

Dahan-dahan akong lumakad papunta sa banyo, pakiramdam ko nakaramdam ako ng dumi sa katawan. Gusto kong maligo pero naalala ko na wala pala kaming damit dala.
Pagkatapos kong maghilamos, lumabas ako at nadatnan pa rin na mahimbing ang tulog ni Mica, aayusin ko na sana ang kumot niya nang bigla siyang gumalaw at nagising.

"Good morning," antok na sabi nito.

"Good morning, wala pala tayong umagahan. Baka gutom ka na." sabi ko. Bumangon naman siya at inayos ang buhok. Ang ganda ng babaeng 'to. Kung lalaki lang siguro ako, liligawan ko siya. Pinagmasdan ko lang kung paano siya tumali ng buhok.

"Baka mahulog ka sa'kin, magselos pa ang kapatid ko." taka naman akong tumingin dahil sa huli niyang sinabi.

"H-huh? Magselos?" taka kong tanong. Ngumit siya at umiling bago tumayo mula sa kama niya.

"Wala, tara na. Bibili rin tayo ng damit, dito na tayo kakain at hahanapin pa natin si Rexford." sabi nito at naunang lumabas.

Pinagmasdan ko lang siya, nagtataka pa rin sa sinabi niya patungkol kay Rexford. Magseselos? At anong sabi niya? Hindi ako mahuhulog sa babae noh kahit maganda siya.

Nakabili kami ng damit at nakapagbihis na rin, ngayon ay patungo raw kami sa sinasabi niyang kainan. Ang ganda ng lugar, pati ang dagat na nakikita ko ngayon.

Habang kumakain kami ng tahimik, nakarinig kami ng usapan. Pamilyar ang boses ng iba sa kanila.

"So, they're here." napatingin ako kay Mica nang magsalita ito habang nakatingin sa likod ko. Agad din naman akong lumingon at doon ko rin nakita ang ibang kaibigan ni Rexford at siya mismo. Katabi si Camille, hindi ko na naman maintindihan kung bakit ako nakaramdamb ng kakaiba sa dibdib ko habang pinagmasdan sila ngayon.

Umiwas ako ng tingin at binalik ang attention sa pagkain. "Finish that, pupuntahan ko lang sila." akmang tatayo siya nang pinigilan ko ito. Padalos-dalos, baka anong gawin niya. Magkagulo pa.

"Sigurado po ba kayong susugurin mo sila sa kalagitnaan ng tawanan nila?" nahihiya kong tanong. Kita ko kung paano kumunot ang noo niya at napasingkit ang mata.

"Seriously Rhenise? Sayang naman ang pagputa natin dito kung hindi ko sasakalin ang kakambal ko. Ako ang malalagot kay daddy, oh scratch that. Ikaw ang malalagot kina nanay." bigla kong naalala ang trabaho ko. Potek naman kasi 'tong alaga ko. Sakit sa ulo.

Tumayo ako at hinayaan nalang din ang pagkain kahit unang tikim ko ng masarap na pagkain. Pahamak ka talaga Rexford!

"Rexford!" napatigil ang tawanan at gulat silang tumingin kay Mica na nag-aalburuto na sa inis. Napa-awang ang bibig ni Rexford nang makita ang kapatid.

Nang bigla siyang lumingon sa'kin biglang sumeryuso ang mukha niya at binalik ang attention kay Mica na nakakunot na ang noo.

"What are you doing here?" tanong nito.

"I should be the one who ask you that, Rexford. What are you doing here?" pagtataray ni Mica.

"The last time I checked, it's my life. Excuse us," paalam niya sa mga kasamahan at hinila niya si Mica papalayo. Tatalikod na sana ako para lumayo rin sa kanila nang biglang may humawak sa likod ng damit ko. "Sumama ka,"

"Nagmaneho kayo para lang sa akin? Seriously, Mica? Malaki na ako, hindi niyo na kailangan gawin 'yon." seryuso pa rin ang mukha niya habang nagsasalita. "Sinama mo pa 'tong babaeng ito." dagdag niya at umirap sa akin. Bakla ka gorl?

"Magagalit sa kaniya sina daddy kapag nakita nilang wala ka sa bahay, Rex. Hindi ka ba naaawa kay Rhenise kung mawalan siya ng trabaho dahil sa katigasan ng ulo mo?" ganito pala pag seryuso at naiinis si Mica.

Napabuntong-hininga si Rexford, ano bang ginagawa ko rito? "Alis po muna ako." sabi ko, sabay silang lumingon sa'kin. "Nakakaisturbo po ako sa usapan." akma akong tatalikod nang biglang hinawakan ni Rexford ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kaba at pagkuryente sa katawan, nakatingin lang ako sa kamay niyang nanatiling nakahawak sa kamay ko.

"Dito ka lang," ma awtoridad niyang sabi. Napalunok ako ng dalawang beses na nakatingin pa rin sa kamay naming dalawa.

Napabitaw lang siya nang biglang may tumawag sa kaniya, si Camille. "Ang tagal niyo naman mag-usap. And excuse me, what are you doing? Why you're holding my boyfriend's hand?" nakataas kilay niyang tanong sa akin.

"Hoy babae, she's not doing anything. Saka, bakit mo ba dinala si Rexford dito?" si Mica na ang nagtanong, sumama naman ang mukha ni Camille, masama na nga lalo pang sasama.

"And why was that? I mean, he's my boyfriend. Of course, he can do anything with me. Ano bang pinuputok ng butchi mo at nagagalit ka r'yan na sumama siya sa akin?" jusko naman, nagharap ang dalawang maldita.

Magtataray pa sana ulit si Mica nang magsalita si Rexford. "Stop that Camille, just tell them na uuwi na ako." gulat na napatingin sa kaniya si Camille.

"We're not yet enjoying babe, uuwi na agad tayo?" bakas sa boses niya ang inis.

"Ako lang ang uuwi Camille, you can enjoy with them. Let's go Mica and Rhenise." nauna siyang umalis sa amin, nakanganga at inis na mukha pa rin si Camille.

Natawa si Mica kaya mas lalong nainis ang bruha. "Ops, your boyfriend didn't choose you. How poor, little girl." nangiinis na sabi nito bago tuluyang umalis.

Aalis na rin sana ako nang bigla akong hilahin ni Camille. Nanlilisik ang mata niya sa akin. "Still, stay away from him. You don't know who am I. I will make your life miserable, begging me to stop turtoring you. So back off, stupid bitch."

Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon