Kabanata 28

758 26 1
                                    

"Ate, ilang araw ka nang hindi kumain baka mapano ka." Lumingon ako ng bahagya kay Rhema nang lumapit ito sa akin, bitbit ang anak niya. Naka-focus ako sa bata, mahimbing natutulog.

Kung ang anak ko kaya ang nandito, ganyan din siya? Katulad din ba ako ni Rhema na laging nakangiti sa tuwing pinagmasdan ang anak niya.

"Ate,"

"Puwede ko bang mahawakan si Rhanzen?" tanong ko na siyang ikinagulat niya. I smiled at her, siguro ay natatakot siya sa akin. "Huwag kang mag-alala, magiging ligtas naman siya sa kamay ko." Ngiti ko.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at ibinigay si Rhazen, laking tuwa ko nang mahawakan ang malambot niyang kamay. "Ang pogi mo," saad ko. Mahimbing pa rin itong natutulog.

Tumingin ako kay Rhema nang nakangiti kaming pinagmasdan. Sa ilang araw naming pagsasama ulit, naging maayos ang turingan naming magkapatid. Bumalik na rin nang tuluyan si Rhione at Rhian sa skwela dahil may maayos ng trabaho si Tatay. Ako? Hinahanap ko pa ulit ang sarili ko, kahit anong pilit kong sumuko naiisip ko pa rin ang pamilya ko. Si Nanay, tuluyan na silang naghiwalay ni Tatay. Tanggap na namin na may bago na siyang asawa at kasal na sa iba, bumibisita rin naman siya minsan dito pero hindi pa rin naman namin siya kinakausap ni Rhema, oo tanggap namin na wala na siya sa amin pero hindi pa rin namin makalimutan kung paano niya kami iniwan noon.

"Nahanap mo ba ang Tatay niya?" tanong ko. Umupo naman siya sa tabi ko at pinunasan ang laway ni Rhazen.

"Hindi na, maayos na kami ni Rhazen at saka hindi ko naman siya kailangan Ate. Masaya na akong malusog ang anak ko nang inilibas ko siya." Napangiti ako sa turan niya.

"Ikaw? Kailan ka gigising sa bangungot mo hanggang ngayon?" natahimik ang paligid sa tanong nito sa akin. Kailan nga ba?

Hanggang ngayon, masakit pa rin. Noong isang buwan lang naman nangyari ang lahat, ang pagkawala ng anak ko. Ang pag lisan ko na hindi nagpaalam kay Rexford. Pati ang pagtawag nila Mica ay hindi ko sinagot. Hindi pa ako handang makaharap ang taong sumira sa akin.

"Ate, kailangan mong makalaya. Bakit hindi mo siya kausapin manlang, at hayaang ipaliwanag niya sa'yo." Umiling ako. Para saan pa.

"Kung gustuhin ko man gumaling, sige kakausapin ko siya pero iyon na ang huli naming pagkikita." Malungkot siyang ngumiti sa akin.

"Kailan?" tanong niya.

Siguro simulan ko na ulit maging matatag at bumangon ng ako lang. Sisimulan ko sa pagtatapos na dapat ng tapusin para makapag simula ng bago.

"Bukas, makikipaghiwalay ako nang tuluyan sa kanya." saad ko at ibinigay sa kanya ang bata.

Maghahanda ako para bukas. Bukas na ang pagtatapos ng paghihirap ako. Ilang araw na akong malungkot, ilang araw na akong umiiyak. Ilang araw ko nang sinisisi rin ang sarili ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan niya kung bakit siya umasta ng ganoon sa akin noon. Pero kung may balak pa siyang sabihin sa akin, hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Nawala pa rin ang anak namin, pinatay niya pa rin ang anak ko. Makikipagkita lang ako sa kanya para tapusin nang tuluyan ang ugnayan naming dalawa. Hindi ko rin magawang pakinggan kung ano man iyon, ayaw ko na. The damaged is done.

Kinabukasan, kaagad akong pumunta ng Manila. Nang nalaman iyon ni Nanay, she insisted na sa kanya na raw muna ako tumuloy but I refused. Ayaw ko rin naman makasama ang bago niyang pamilya, nakakahiya. Kina Josh ako mananatili samantala.

"Buti ay bumalik ka rito," sabi ni Josh nang sinundo niya ako sa terminal.

"May importante lang akong gagawin." sagot ko.

Pagkatapos ng lahat na pag-uusap namin, aalis ako. Mag-aaral ako kahit matagal pa matapos at magpapakalayo. Babawi ako kay Tatay dahil tumatanda na ito lalo. Hindi puwedeng tutunganga lang ako sa bintana ng bahay namin, iniisip kung paano ko mababalik ang anak ko kahit sobrang labo naman.

Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon