Napalunok ang dalaga. Kaya ba niyang sabihin dito na hindi sila napagbigyan para sa isang diyalogo? Baka mapaano ang kanyang ama. 

"Ahh! Pinababalik po ako sa makalawa, Tay! I-iku-konsulta daw muna sila sa may-ari, pag pumayag daw malalaman ko sa makalawa." she swallows. Pakiramdam niya ay natuyo ang kanyang lalamunan dahil sa pagsisinungaling. Hindi siya sanay na hindi magsabi ng totoo sa ama. Mabuti na nga lamang ay hindi ito nakatingin sa kanya, kundi baka mabasa nito sa kanyang mga mata na hindi siya nagsasabi ng totoo. 

"Ganon ba, Anak? Sana ay pumayag ang mga Forto kahit pa suntok na sa buwan yan." malungkot na sabi ni Mang Caloy. 

"Bakit naman, Tay?" kunot ang noo na tanong niya dito. 

"Alam mo kasi, dapat ay sa amin na ang lupa na ito. Ipinangako ni Don Ramon Forto na ia-award na sa amin ang lupa dito sa Sampaloc." paliwanag nito. Ang huling move nito sa dama ang naghudyat na talo na si Enzo at tapos na ang kanilang laro, kaya naman ngayon ay humarap na ang kanyang itay sa kanya. 

"Narinig ko nga din yan sa Papa ko, Mang Caloy! Don Ramon daw used to be Santillan's Mayor, at isa sa pinakamayan sa buong Batangas. His family holds almost all succesful business in the province and even here in Metro Manila. A fair man. Pero, for some reason daw po, kamuntikan nalugi ang mga negosyo nito. The whole Forto's legacy were in danger, but when his eldest and only legitimate child took over their company, nasagip naman daw nito ang korporasyon na pinanghawakan na nang kanilang pamilya sa mahabang panahon." Czarina gave her bestfriend Enzo a disbelieving look. 

"Ayos ha! Ang dami mong alam? San mo naman nakuha yan?" she asked him sarcastically. 

"Public knowledge!" maagap naman na sagot ni Enzo. 

"Public knowledge? Eh bakit hindi ko alam?" she pout again. Ni hindi nga niya alam na alam pala ng kanyang Itay kung sino ang nagmamay-ari ng lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay eh. 

"Tama si Enzo, Czari!" pagsang-ayon nman ng kanyang ama sa kaibigan. Saglit na nag-isip ang dalaga. 

"So, technically, yung anak na ni Don Ramon ang may-ari ng lupa natin, ganun ba?" inilagay niya sa ilalim ng kanyang baba ang kanang kamay na tila nag-iisip. 

"Hmm, yes! But, if you are thinking to talk to his son, I suggest na wag mo nang ituloy, Czari!" agap ni Enzo nang mabasa ang kanyang nasa isip. She growl at her. Minsan naiinis din siya na kaya siyang basahin ng lalaki kahit hindi pa siya magsalita. 

"Why not? Baka malay mo, since mas bata siya, makinig siya! How old is he nga?" taas ang kanyang isang kilay na binalingan ang kaibigan. 

"33! And no, hindi siya makikinig. He is known for being ruthless! He is a succesful businessman because of his ruthful approach. He don't have a heart." ani nito. Natigilan si Czarina. He don't have a heart? Parang ayaw niyang paniwalaan yun. Meron ba namang mga tao na walang puso? 

"Ang sabi, balak daw itong gawing condo buildings since malapit sa University Belt. Magtatayo din daw ng isang maliit na shopping mall." nahimigan niya ang lungkot sa tinig ng ama. Nakaramdam na naman ng sakit sa kanyang puso ang dalaga. Paano niya sasabihin dito na wala naman talaga siyang napala sa lakad niya kanina? Na sinabi na nang sheriff ng lungsod na desidio na daw ang may-ari na bawiin ang kanilang mga lupa? 

Nakabuo siya ng isang pasya. Bukas na buka din ay babalik siya sa City Hall upang makiusap. Kung kailangan lumuhod siya sa harap ng mga ito, gagawin yan. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Czarina clunches her body bag tightly. Kung alam lang niya na ganito kalaki ang building ng opisina ng mga Forto, she could have chosen to wear a much, more appropriate atttire for this place. Well, kasalanan din naman niya. Noong sinabi sa kanya ng secretary ng sheriff ng Manila City Hall ang address, dapat alam na niya that Makati is the business capital of the Philippines. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now