Chapter 39 - Moment of Truth Part 2

Start from the beginning
                                    

*bbbeeeepp*

Natauhan lang ako nang makarinig ng busina ng isang sasakyan. Nasa labas na pala ako ng bahay at nang lingunin ko ang sasakyang bumisina sa akin. .

o_O

Kotse ni Daniel to ha?

May babae namang bumaba mula sa sasakyan at nilapitan ako.

" Hey! Kung magpapakamatay ka, huwag mo kami idamay! Ang mahal ng buhay mo! " Nakapamewang niyang sabi sa akin.

Siya yung nasa picture frame ni Daniel sa kwarto niya! Ano naman ang ginagawa niya sa sasakyan ni Daniel at bakit siya kasama ni Daniel?

Sumunod naman na bumaba sa sasakyan si Daniel. Kitang kita ko sa mukha niya ang pag-aalala at pagkagulat pero bigla naman ito napalitan ng galit. Agad siyang lumapit sa akin.

" Natameme ka na diyan?! Oh, honey bakit ka pa lumabas ng sasakyan? Sabi ko naman sayo, ako nang bahala dito. "

Ano yung tinawag niya kay Daniel? Honey? Girlfriend ba ni Daniel to?

Hinawakan naman niya ang kamay ko at tinignan kung may galos o pilay ba ako. Nakaramdam ako ng kaba at kilig sa ginagawa niyang pag-aalala sa akin.

" Shayne, ayos ka lang ba? " Pag-aalala niya. Hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko at imbes ay hinihigpitan pa niya ang pagkakahawak dito kaya lalo ako kinikilig. >///<

" O-oo! Ayos lang ako, Daniel. " Nakangiti kong sabi sa kanya. Gumanti naman siya ng ngiti sa akin.

" Excuse me! Honey! Do you know her? " Sigaw ng maarteng babae sa amin. Muntik ko nang makalimutan na may kasama pa pala kami dito.

" Yes, I know her! " Proud na sabi ni Daniel sa akin.

Hindi ko na napigilang tanungin kung sino nga ba ang maarteng babaeng yan na makatawag kay Daniel ng honey eh akala mo girlfriend siya nito.

" Daniel, sino siya? Bakit ka tinatawag na honey? " Sa wakas! Binitawan na din niya ang kamay ko. Kinalma ko lang ang aking sarili.

" She is Nicole Anne. My -- " Naputol ang sasabihin ni Daniel nang biglang sumingit itong maarteng babae na ito.

" His soon-to-be-fiancee! So pwede ba! Umalis ka na dyan sa harapan ng sasakyan namin at malalate na kami sa DATE namin! " Sabay lapit kay Daniel at hatakin ito palayo sa akin. Kailangan pa talagang pagdiinan ang salitang DATE!

Nakikita ko naman na umiiling si Daniel na huwag daw ako maniwala sa kanya at he mouthed the words, " Believe in me. " .

Naglakad na ako paalis sa sasakyan na naguguluhan. Soon-to-be-fiancee? Ano ba nangyayari? Magkakafiancee na pala siya tapos nililigawan pa niya ako? And the worst is. . may nararamdaman na din ako para sa kanya. Believe in me? Ano ba dapat kong paniwalaan sa kanya? Argh!

Patuloy lang ako sa paglalakad palabas ng subdivision namin nang nararamdaman kong nagbavibrate. Tumigil ako sa paglalakad nang makakita ako ng isang waiting shed malapit sa guard house. Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag nang hindi man lang tinitignan kung sino ang tumawag.

" Hello? " Sabi ko sa kabilang linya.

" Shayne, where are you? " Mukhang si Kris ang tumawag. Napatingin ako sa wrist watch ko. Kaya naman pala siya tumawag dahil 12:30pm na. Iniisip siguro nito na mahuhuli ako sa usapan namin.

" On my way na. I'll be there in 45 minutes. "

" Okay. I'll wait for you. " Sabay end ko sa tawag. Nilagay ko agad ang phone ko sa bag at nagmamadaling naglakad palabas ng subdivision. Sumakay agad ako sa isang jeep na dumaan sa harapan ko.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now