Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kung hindi lamang may tumapik sa pisnge ko "Gising ka muna" napamulat naman ako sa boses ni Ingrid. Nakapajama ito. "Dapat sa kwarto mo ka na natulog." 

Napaupo naman ako saka tiningnan ang kinauupuan ni Corwin kanina ngunit wala siya doon " Nakatulog din siya pinataas ko na" ika niya kaya napakamot ako sa ulo at napahikab

"Anong oras na ba?"tanong ko at nakita kong madilim na sa labas

"Umaga na, " sabi niya sabay pinatayo ako " Matulog ka na muna doon. Mamaya ka na gumising ng maliwanag na " sabi niya at tinulak-tulak ako sa may hagdan kaya tumango ako 

"Okay, pagkatapos mong kumuha ng pagkain magpahinga ka na din " sabi ko. Ganito kasi siya, nagising dahil gutom. 

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga ngunit hindi ako makatulog hanggang sa sumapit ang araw ay nakatitig lamang ako sa kisame. Naisipan kong maligo na at magbihis. Baka gising na silang lahat at makakain na marahil ay magsasabay-sabay kaming lahat sa pagkain. 

Nakababa na ako ng makita ko si Diamond at Clint na nag-uusap ngunit tumigil sila ng makita nila ako. "Gising na ba ang iba?" tanong ko

Si Diamond naman ang sumagot " Oo, dumiretso na sila  kay Knight upang kmaustahin. Mukhang parating na din sila maya-maya kumain ka muna ng pagkain mo. Inihanda iyon ni Ingrid para sayo" sabi niya

Tumango naman ako saka dumiretso sa  kusina at doon na kumain. Akala ko pa naman ay sabay-sabay kaming kumain. Dapat pala ay inagahan ko ang pagbangon ko. Naubos ko na naman ang pagkain ko ng maisipan kong pumuntang kwarto ng biglang bumukas ang pintuan "Hadwin!" napalingo naman ako at nakita ko si Corwin 

"Bakit?"  nakahawak ito sa tuhod niya at ang isa ay sa bewang at pawis na pawis pa siya. Rinig ko naman ang pagmura niya ng mahina at tumingin saakin 

"Langya, pinatakbo nila ako papunta dito. " sabay tayo niya ng ayos " Nga pala, dumiretso sila sa mall sumunod daw tayo" 

Napakamot naman ako sa ulo ko. Anong naisipan nila at pupunta sila ng Mall "bakit naman ?"

Kibit-balikat niya akong sinagot "Bigla nalamang nilang nagustuhang pumunta doon " sabi niya 

"Hayaan mo na sila doon. Magbo-bonding lang sila" sabi ko at tumaas na. Wala naman naggawa si Corwin kung hindi tumaas na din at pumunta sa kwarto niya. Naupo lang ako sa tapat ng bintana at pinagkatitigan ang labas. 

Ang daming gumugulo sa isipan ko ngunit ayokong sabihin sa lahat. May magiging asawa na ako at magiging hari ng palasyo kaya nararapat na maging matatag ako at maging malakas. 


"INGRID'S POV"

Hindi na bumalik pa si Corwin at wala ding sumipot na Hadwin kaya napasimangot kami pauwi noon kaya ilang araw ko silang hindi pinansing dalawa. Natatawa nalamang si Harmonie dahil may balak pa daw akong hindi pansinin si Hadwin e malapit na ang aming kasal. 

Pwede naman kasing hindi sila sumama pero sana nagsabi man lang sila edi sana hindi kami naghintay doon. Sana nakabili na kami ng marami na gusto namin. Minsan kasi ang dalawang iyon ay hindi nag-iisip kay nakakaiyamot. 

Bigla namang may kumatok sa pintuan ko kaya napatayo ako at padaskol na binuksan ang pinto na dapat ay hindi ko na binuksan pa. Sasaraduhan ko na sana ng tawgain niya ang pangalan ko "Ingrid," napairap naman ako at binuksan iyon 

"Ano?" sabay taas ko ng kilay 

" Bakit hindi mo ako pinapansin? May ginawa  ba akong kasalanan?" saka niya ako tinitigan sa mata. Halata naman siyang pagod kaya napaiwas ako 

Artius Academy :The Unknown GirlKde žijí příběhy. Začni objevovat