Ngumiti nama si Stephen " Huwag kayong mag-alala, kami ang bahala sa kanya. Magpahinga na kayo at mukhang pagod kayo sa training niyo" 

Lumabas naman ako at pumunta na kami sa kwarto namin. Sana ay maging maayos ang lahat. Gusto ko na ding manghina ngunit saakin kumukuha ng lakas si Ingrid lalo na at nalalapit na ang aming kasal.

Napatingin naman ako sa pinto ng may kumatok. Tumayo naman ako at binuksan iyon nakita ko si Corwin na nakatalikod "bakit?"

"Tara, kakain" ika niya. Palagi na siyang ganiuto kaya nasanay na ako. Sumunod na ako sa kanya sa baba at siya lang naman ang kumain kaya nahiga ako sa sofa at napatingin sa kisame.

"Dapat ay nagpapahinga ka ngayon dahil ginamit mo basta ang kapangyarihan mo lalo na at hindi naman iyon ang mismong kapangyarihan mo" ika ko sa kanya

Tumikhim naman siya bago magsalita " Pahinga ko na ang pagkain saka hindi naman natin inaasahan ang  pangyayari kaya ayos lang " 

Napabuntong-hininga nalamang ako ganito talaga siya makulit ewan ko ba at kanino niya namana. "Sa isang lingo na ang kasal namin " bulong ko 

"huh? may sinasabi ka ba?" takang tanong ni Corwin. 

"Pagbati" napaupo naman ako ng may magsalita at si Diamond pala iyon nakangiti sa harapan namin at naupo sa isahang sofa. 

"Anong pagbati Diamond?" nagtatakang sabi ni Corwin at nakakunot-noo pa siya 

Ngumiti lamang siya kay Corwin at saakin " Kailangan ko na sigurong maghanda ng maisusuot" kita ko sa mata niya ang kagalakan 

"Hoy, ano iyon?" pagsingit ni Corwin 


"Nalalapit na ang aming kasal Corwin" napatingin naman ako sa nagsalita  at  si Ingrid pala iyon. 

Nanlaki naman ang mata ni Corwin at napatayo siya. Mabuti at hindi siya kumakain ng marami sa oras na iyon " Seryoso?"

Sabay naman kaming tumango  ni Ingrid. Kaunti palang nakakaalam nito, Hindi naman namin agad pinapaalam dahil sa mga sabay-sabay na nangyari. Masaya naman kami kahit kaunti lamang ang dumalo kahit ang mga reyna, hari at kaibigan lamang namin ay pwede na ang mabuti ay naikasal kami ng ayos. Ngunit sa isip-isip ko ay hindi kami papayagan nina Ina lalo na ng ikinatataas sapagkat kami ang susunod na reyna at hari ng aming palasyo kaya naman mabuting mas  makilala kami.


Natahimik naman silang lahat pero alam  kong masaya sila ngunit alam kong parehas kaming lahat ng inaalala "Huwag kayo mag-alala magiging ligtas tayo" sabay ngiti ko sa kanila "Bakit nga pala kayo narito? Hindi ba dapat nagpapahinga kayo?" ika ko

Umiling naman si Ingrid "Hindi ako makatulog, Nag-aalala pa din ako kay Knight" malungkot na sabi niya. Niyakap ko naman siya 

"Magiging maayos din si Knight, isipin mo nalang na bumalik siya sa pagiging tahimik niya" sabi ko. 

Umupo naman muli si Corwin at kumain doon kaya napatingin ako kay Diamond ng marinig ko ang yapak nito. "Diamond,  kailan?" tanong ko

Hindi naman siya humarap saakin ngunit sinagot niya ang tanong ko " Hindi ko masasabi sayo kung kailan ngunit huwag na kayong mag-alala pa" saby taas nito sa hagdan . 

Hinwakan ko naman sa balikat si Ingrid. "narinig mo iyon, huwag ka ng mag-alala. Tumaas ka na at matulog." sabay hinalikan ko siay sa kanyang noo. 

Tumango naman siya at pinilit na ngumiti "Magpahinga din kayo," ika niya saka tumaas na din. Padaskol naman akong nahiga sa sofa. Kahit miski ako ay nag-aalala para kay Knight. 

Kahit alam kong dapat wala kaming ipag-aalala ay hindi namin mapigilan lalo na at malapit na ang kasal namin gusto kong kahit papaano ay maging maayos ang lahat bago kami ikasal.

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon