Chapter 31

3.5K 63 10
                                    


Pinapanood ko lang si Siobhan habang iniinom niya ang gatas na hinanda ko sa kanya. Silas will be picking her up soon to visit his family in Laguna. Sa nakalipas na dalawang buwan ganito na ang ayos namin. Hindi man kami nakatira sa kanya ay parang nasa iisang bahay pa rin kami. He's always around, minsang para paglaruin si Siobhan sa park dito sa village. Mas madalas nga lang ang paglalaro nila dito sa bahay.

Hindi ko sinisita sa madalas niyang pagbisita, karapatan niya rin naman iyon. Tsaka mas okay na rin dito sa bahay para mas private. Lalo na dahil lumabas na sa balita ang pagbalik ko.

I thought that it wouldn't be a big deal, I mean I wasn't even what one can consider as a celebrity. I guess people, especially pageant enthusiasts, are just curious about the reason why I suddenly left.

"Good morning, family," Meara announced when she entered the dining area. May hawak siyang mukhang flask, hindi ko alam kung flask talaga iyon o baka gonoon talaga ang disenyo. "Siobhan, your prettiest Tita is here." Tumapat siya sa upuan ni Siobhan at hinaplos ang buhok.

"You guys really wake up early," She said as she sat down the dining chair beside my daughter's.

"You're early too, probably the earliest that you have ever been. Early morning?" Bigla kong naalala iyong dapat kong ihanda na dadalhin ni Siobhan. Tumayo ako sa pagkakaupo ko. May magbabantay na kay Siobhan habang nagaalmusal siya kaya maayos ko na iyong babaunin niya sa pupuntahan nila ng Papa niya.

Pinuno ko iyong maliit na backpack ng maimemeryenda niya. Sigurado akong magtatatakbo ito mamaya kasama ang Papa niya. Pagbalik ko sa dining area, ganoon na lang ang gulat ko nang nakitang may nakabalot nang Gucci scarf sa ulo ng anak ko. Tinuro-turo pa ni Meara ang ginawa niya sa pamamgkin niya, mukhang proud na proud sa ginawa niya.

Si Siobhan na naman ay parang walang pakialam na ginawa na siyang barbie doll ng tiyahin niya. Patuloy lamg siya sa pagkain ng waffles niya, tuwang-tuwa habang sumusubo.

"Long night," She said suggestively. She kept wiggling her brows at me. Binato ko siya ng hawak kong napkin. This girl really have no filter. Technically, wala naman siyang sinabing masama pero baka gayahin ni Siobhan. She's on an impressionable age pa naman. "What? She'll know about it soon."

"No, Meara. Bata pa si Siobhan. Hindi pwede iyong mga ganyan sa kanya."

Inangat ni Siobhan ang ulo niya, nainig siguro ng bata ang sinabi ko at ang pagtawag ko ng pangalan niya. "Mama, ano yon?" Tanong niya sa akin sabay subo nanaman sa waffle niya.

Nagisip ako kung ano ang pwede kong sabihin sa kanya. What can I say that will guarantee no further questions from her? "Ito kasing si Tita mo, ayaw maniwala na bawal kang magsalita ng bad words."

Humarap agad siya sa Tita niya, "Tita, bawal po. Good girl kasi ako kaya hindi ako nagsasalita ng bad word. Sabi din ni Papa sa akin na bad ang magsalita nga gabpnoon."

Tumango si Meara sa pamangkin niya. "Tsk. I never imagined you to be such a conservative Mom." Uminom ulit siya. Her face wrinkled from her drink. What is she drinking anyway? Alak ba? "Our brothers told me you developed a potty mouth at a young age. You were cursing like a sailor daw."

"They're exaggerating. I remember only using dumbo and that's not even a curse word." Depensa ko sa sarili ko.

"Dumbo, Mama? Gaya nung pinanood natin sa tv dati? Diba siya yung elepante na lumilipad." Tumango ako. "Manonood kayo ulit, Mama? Gusto ko din!"

"Hindi kami manonood, si Tita mo kasi hindi ata alam iyon. Ikwento mo nga sa kanya iyong napanood." Mabilis na inubos ni Siobhan ang pagkain niya bago bumaling sa tiyahin para magkuwento.

Behind The CameraWhere stories live. Discover now