Chapter 18

3.5K 68 9
                                    


I almost screamed but luckily I stopped myself. Nakalimutan ko kasing natulog kaming tatlo sa iisang kama kaming natulog na tatlo. Five years ago, I was used to waking up to a sight like this pero ngayon naninibago na ako.

Wala na kasi sa gitna namin si Siobhan, sa sobrang galaw niya sa pagtulog niya nakahiga na siya ngayon sa dibdib ng Papa niya.

I quietly climbed out of the bed. Dumiretso ako sa bintana para silipin kung ano na ang oras. Madilim pa kaonti pero kita ko nang nagsisimulang sumilip ang araw. There should be enough time for me before Siobhan could wake up.

I closed the door of my bedroom behind me before continuing to the kitchen. I looked around for my rattan basket. Matagal ko rin kasing hindi nagawang bumili ng mga nahuhuli nilang isda dito sa isla. Meron kasing nagbebenta dito ng mga isda bago nila dinadala sa malaking isla.

"Mama?" Tumigil ako sa paghahanap nang marinig ko ang boses ni Siobhan. Kinakamot niya ang mata niya habang nakatayo sa gitna ng sala. Mukhang bumangon agad sa kama ang anak ko pagkagising niya. "Anong ginagawa mo??"

Lumapit ako sa kanya at binuhat siya. "Bakit ang aga mong nagising? Nanaginip ka ba?" Hindi niya pa kasi talaga oras ng panggising, ang late niya pa ngang natulog kagabi dahil nakipaklwentuhan pa siya sa Papa ni kagabi.

"Mama, maingay ka po." I chuckled and said sorry to her. I tried to be quiet but I guess that the opening and closing of drawers woke her up.

Inupo ko siya sa counter at unabot ang pinggol na nakita ko sa gilid kanina. I didn't bother using a comb for her hair. That's the things about straight hair no matter how tangled it would get, you can still comb it out with your fingers.

"Di ka na inaantok?" Tumango siya. Binuhat ko na siya ulit at dinala sa CR. Sabay na kaming naghugas ng mukha at nagsipilyo. Paglabas namin sa banyo, bumalik ako ulit sa kusina para hanapin ang basket. Kailangan ko nang magmadali bahil baka wala na akong maabutan na isda mamaya. "Siobhan, nakita mo ba yung basket ni Mama?"

"Bibili ka ng fish, Mama?" Bumibili kasi ako nang mga huling isda kapag hapon kasama si Siobhan. Ngayon ko lang masusubukang bumili ng isda kapag madaling araw dati kasi wala ako mapagiiwanan kay Siobhan habang natutulog siya. Alangan naman kasi istorbohin ko ang tulog ni Bonita para bumili ng isda. "Linagay ko dito oh." Tumayo siya mula sa upuan at linapitan ang cabinet na hindi ko pa nabubuksan sa dulo.

Binuksan ko iyon at kinuha ang basket sa loob. "Mama, wait mo kami ni Papa ah. Gigisingin ko lang siya." Hindi na ako nakahindi dahil tumakbo na siya paalis sa kusina. Lininisan ko na lang ang basket para matanggal ang mga alikabok doon.

Lumabas sila sa kwarto na mukhang naguguluhan si Silas. "What's happening?"

I laughed at his confusion. Seems like Siobhan woke him up without telling him anything. "Siobhan, dalhin mo na Papa mo sa CR. Do it fast Silas or we won't be able to buy anything."

Pumasok muna ako sa kwarto ni Siobhan para kuhanan siya ng jacket niya, malamig pa sa isla kapag ganitong oras tapos lalapit pa kami sa dagat. I even made her wear a beanie because it makes her look adorable.

"Ngiti ka nga, Siobhan. Picture ka ni Mama." Tumayo siya sa harap ng sofa kung asan ako nakaupo. Ngumiti naman siya agad at nagpose-pose pa. "Ganda-ganda naman ng Siobhan ko."

"Ganda-ganda din kasi Mama ko." Sus, bumola pa talaga ang batang ito sa akin. Malay ko kung kanino niya natutunan iyon pero lagi niyang ipinagmamalaki na maganda ang Mama niya. "Diba, Papa?"

Hindi ko na siya hinayaang makasagot. "Tara na, Siobhan. Bili na tayo ng fish."

Hawak namin dalawa ni Silas si Siobhan habang naglalakad kami kung saan dumadating ang mga bangka ng mga mangingisda ng isla. Mabato kasi ang daan papunta doon at medyo madilim pa konti kaya baka madapa pa si Siobhan.

Behind The CameraWhere stories live. Discover now