Chapter 14

4K 72 1
                                    


Tatlong araw nang tumitira si Silas sa bahay. We've been civil with each other but we still hasn't properly talked with each other. One good thing that resulted from his stay was he and Siobhan is closer than ever. Marami na siyang mga gamit sa bahay, it seems like he doesn't have any plans on leaving.

Ayoko sana but he makes Siobhan happy and he's her father kaya kailangan talaga naming mag co-exist.

"Mama, asan iyong gift natin kay Tito Anton?" Naka-upo sila ni Silas sa sofa. Kahapon kasi ay nagpumilit si Siobhan na bilhan namin si Anton kahit na ayaw naman ni Anton na nakakatanggap ng regalo, binawasan niya pa nga ang ipon para doon.

"Andito na po mahal na prinsesa," Biro ko sa kanya. "Dito muna kayo ng Pa- Tito Silas mo," I quickly corrected myself. "Mga Alas-dos kayo pumunta sa bahay ni Tito Silas mo."

Tutulong kasi akong magluto para sa birthday niya. Maliit lang ang isla at magkakakilala ang mga tao kaya kapag may mga birthday, pumupunta ang lahat at nagtutulungan na para magluto.

"May chicken, Mama?"

Tumango ako. "Meron siyempre. Alam naman ni Tito Anton mo na favorite mo iyon. Uuna na ako ha, huwag mong kakalimutan na dalhin iyong regalo mo. Okay?" Tumango-tango siya.

"Mama, kiss," Hinarap niya ang pisngi sa akin. I smiled at her before showering kisses on her face. "Si Tito Silas din." Hinawakan niya ang mukha ng tatay niya at hinarap sa akin.

I laughed awkwardly, "Hindi pwede, ang kiss lang ni Mama ay para kay Siobhan."

"Kay Papa din dapat Mama. I-kiss mo siya kapag umuuwi siya dito kasi tulog naman ako kapag nandito siya kaya di ko naki-kiss."

She looks so sad that I almost told he that her father's right here but I stopped myself. Not yet, I reminded myself. It's not the right time.

"Siobhan, nakita ko Papa mo kagabi." Tumingin kaming dalawa ni Siobhan kay Silas. "Ang sabi niya ibigay ko daw itong kiss na to sayo." Hinalikan niya niya sa noo at pisngi si Siobhan. "Sabi niya sa akin miss na miss ka na daw niya."

Tumulo ang luha ni Siobhan, "Totoo po? Miss ako ni Papa?"

"Miss na miss and he can't wait to meet you."

Pababa na ang araw pero nasa bahay pa rin ako ni Anton, busy pa rin kasing nakikipaghabulan si Siobhan sa pamangkin ni Anton.

"Saan mo ipupunta iyan?" May hawak si Bonita na plato na may lamang dalawang inihaw na isda.

"Sa mga nagiinuman sa labas, ang lakas mamulitan nang mga matatanda." Sinilip ko sa bintana ang palaki nang palaking bilog ng nagiinuman. Kasama din sa bilog si Silas which made me worry a bit. I know he can handle his liquor well but they're drinking lambanog and he's not used to it.

Kinuha ko ang plato sa kanya, "Ako na, titignan ko lang din naman si Siobhan sa labas." Una kong sinilip si Siobhan, naglalaro pa rin sila ng habulan ni Viko at nandoon naman si Nay Anna para bantayan sila.

Lumapit ako sa mga nagiinuman at linapag ang plato sa gitna. "Ikaw ba Giovanna, kailan kayo magpapakasal nitong si Anton?"

"P-po?" Hindi ako nakapagsalita ng maayos sa gulat. That question came out of nowhere.

"Hindi bat linigawan ka nitong si Anton? Aba'y malapit na siyang pumunta sa ibang bansa dapat itali mo na." Nagtawanan ang mga matatanda dahil doon.

"Ito namang si Mang Ibor, natamaan ka na ata ng iniinom mo." I joked to ease up the tension. "Hindi ko naman po nobyo itong si Anton."

"Naku! Hindi niyo naman kailangang itago. Tandang-tanda ko pa na sinabi nitong si Anton na siya na ang tatayong tatay kay Siobhan." Singit ng isa pang matanda sa tabi ni Mang Ibor. "Parang mag-ama na rin naman ang turing nila sa isa't isa."

Behind The CameraWhere stories live. Discover now