Chapter 7

4.3K 102 19
                                    


"Giovanna, ready ka na?" Tanong sa akin ni Syd nang pumasok siya sa kwarto ko.

I just finished packing up, hindi naman marami ang dadalhin ko dahil halos lahat ng ito ay ibebenta. Pagkatapos kong kausapin si Lola, my dad's mom, ay agad akong nagimpake.

Hindi ko alak kung paano niya nalaman ang number ni Syd dahil never kong nakilala si Lola. From what I heard ay nag-away si Lola at Mom nung baby pa ako which urged my parents to live abroad at kahit nung umuwi na kami dito ay hindi ko siya nakita. She never left the island in Batangas that she was living in.

Kinausap niya ako kanina, she told me na gusto niyang doon na lang ako tumira sa isla. I never knew that my grandmother could be convincing, napilit niya kasi na mag-stay na lang ako sa isla when my plan was to stay abroad, away from the public's eyes.

Ayoko kasing malaman ng public ang pagbubuntis ko, tiyak ako na pagpipiyestahan lang nila ang anak ko. I even deleted all of my social media apps on my phone dahil alam ko na nabubuhay ngayon ang mga bashers.

From what I heard from Syd kanina ay marami na daw speculations na kumakalat from the internet. Some were saying that I was disrespectful to everyone, na mayabang daw ako at malaki ang ulo. There's was even a rumor that I slept with one of the board member's husband kaya natanggal ang korona.

Sinabi ko kay Syd na wag na lang kaming maglalabas ng statement, hahayaan ko na lang na isipin nila ang gusto nilang isipin. They can twist the story and it wouldn't matter to me. I am out of the spotlight now, I don't want my daughter to be under their prying eyes at baka malaman din ni Silas ang tungkol dito.

Nagsuot na lang ako ng hoodie at leggings para hindi naman ako makilala ng mga tao sa labas. Bago ako lumabas sa unit ay i ilapag ko ang mga debit cards at mga susi sa ibabaw ng counter. Hindi naman ako mahihirapan na iwan ang unit ko, I never really had any precious memories here. Lagi naman kasi kaming nandoo sa unit ni Silas.

"Syd? May gagawin lang ako saglit, hintayin mo na lang ako dito sa loob," Inilapag ko ang hawak ko na hand carry sa sahig at naglakad palabas ng unit ko.

Suot ko sa ulo ko ang hood ng hoodie para hindi ako makilala ng mga tao na makakakita sa akin sa gagawin ko. I rode the elevator to go to the all familiar condo unit.

Alam kong walang tao sa loob kaya malakas ang loob kong gawin ito. I stopped in front on his unit, ang unit kung saan marami kaming mga alaala sa isa't isa. I slowly slid off the promise ring that he gave me two years ago.

It felt heavy on my palm at kahit na masakit para sa akin ay gagawin ko to. I bent down and placed the ring on the floor at ini-slide ito paloob ng unit niya before walking away. He'll see that kapag umuwi na siya and I hope that that is enough for him to realize that I'm letting go.

Napahawak ako sa tiyan ko sa loob ng elevator, ngayon araw ko pa lang nalaman na bunti ako ay attached na ako sa baby ko. "Hi baby, can you hear me? This is your mommy, we only met today but I love you already. Mommy will get us out of this mess okay? We will live a life out of the spotlight."

Syd insisted to accompany me to Batangas, nag-aalala kasi siya sa kondisyon ko. Hindi naman malayo ang Batangas pero gabi na kasi at ang sasakyan ko lang ay bus.

Hindi ako natulog sa biyahe kahit na pagod na ang katawan ko galing sa training kanina. I just stared out on the window as the skyscrapers and blinding lights starts shrinking as we drove away.

Nang nagusap kami ni Lola kanina ay sinabi niya na may magsusundo sa akin sa terminal para dalhin ako sa isla. Isla Vitaña ang pangalan ng isla kung saan namamalagi si Lola.

She moved there when she married my late Lolo years ago, sa isla na sila bumuo ng pamilya. The island is an hour boat ride from Batangas, that was also one of the reasons why I was hesitant at first. Nakakatakot kasi ang tubig kapag gabi baka mataon na malalakas ang alon kapag papunta na ako but Lola guaranteed that it will be safe ride.

Behind The CameraWhere stories live. Discover now