Chapter 11

4.3K 107 18
                                    


Silas? Bigla akong napaisip kung sino sa isla ang may pangalang Silas pero walang pumasok sa isip. Iisa lang naman ang kakilala kong Silas pero imposibleng siya ang nandito sa isla at paano naman siya makikilala ni Siobhan.

Hindi ko napigilan si Siobhan nang bumaba siya sa upuan at tumakbo papunta sa direksyon na tinignan niya kanina. Agad kong hinabol si Siobhan sa kaba na din.

"Tito!" Narinig kong sinabi ng anak ko, "Akala ko di ka na makakapunta. Punta tayo kay Mama para makita ka niya."

Side view lang ang nakikita ko sa lalaki pero kilalang-kilala ko na siya at nang narinig ko ang boses niya ay nagkatotoo lahat ng pangamba ko. Siya, siya nga ang nandito sa isla pero bakit? Bakit siya nandito? Paano siya nakilala ni Siobhan?

Lumingon silang dalawa sa pwesto ko pero agad akong nagtago kaya hindi nila ako nakita. Looking at them now, with Siobhan in Silas' arms, gives me all sorts of emotions that I never knew I could feel at once. Ang saya pala ng feeling na makita ang anak mo na hawak ng tatay niya kahit wala silang ideya sa koneksyon nila sa isa't isa.

The fates must've been cursing me at this moment dahil nakita ako ni Bonita at tinawag ang pangalan ko, "Giovanna! May bisita tayong artista," Pasigaw niyang sinabi ang pangalan ko pero pabulong na ang mga sumunod na salita.

Sa pagtawag niya ng pangalan ko ay bumaling ang atensyon ng mag-ama sa akin. Nagtama ang mga mata namin ni Silas pero agad ko ding pinutol. Wala na rin namang silbi ang pagtatago ko dahil nakita naman na nila ako.

I tried to calm my nerves nang lumapit silang dalawa sa akin, Silas' stare is so intense na kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin.

"Siobhan, lika dito kay Mama," Tinawag ko ang anak ko na agad namang lumapit sa akin.

She raised her hand up para buhatin ko, "Mama, si tito Silas po may dog siya. Kalaro ko po kahapon."

Tumaas ang kilay ko at agad na tinignan si Bonita na parang gustong tumakas, kakilala pala ah. Bonita raised her hand in a peace sign and smiled sheepishly at me.

Inirapan ko siya kung kani-kanino niya pinapakilala ang anak ko, alam ko din naman hindi niya kilala si Silas dahil buong buhay niya ay nandito siya sa isla at artista si Silas kaya imposible na totoo ang binigay niyang rason kanina.

"Hindi niya dinala yung dog niya Mama pero white iyon tapos mabait, hindi nangangagat."

Hindi ko na nasagot ang anak ko dahil ang atensyon ko ay na kay Silas na ngayon ay titig na titig sa amin ni Siobhan. I wonder if he can see the same features that he and Siobhan share, hindi iyon marami pero kapansin-pansin agad.

"Tito Silas, kain tayo. Si Mama yung nagluto ng iba, masarap yung buko pie niya. Kanina ka pa nandito siguro hungry ka na," Binaba ko na din si Siobhan. "Tabi tayo doon sa table namin, Tito."

Wala na akong nagawa nang hilain ni Siobhan si Silas papunta sa lamesa namin kundi sumunod sa kanila. Ramdam na ramdami siguro talaga ng anak ko ang luksong dugo pero hindi niya lang maintindihan. Nakaupo na si Anton at Bonita nang makarating kami sa lamesa. Nasa ka ilang lamesa si Lola kasama ang mga kaibigan niya at si Nay Anna.

May tatlong bakanteng upuan pa sa lamesa, ang dalawa ay mag katabi habang ang isa ay nasa tabi ni Anton. Uupo na sana ako sa tabi ni Siobhan pero iba ata ang nasa isipin siya,

Mabilis niya tinapik ang upuan sa tabi niya, "Tito Silas, dito ka sa tabi ko."

Lumingon si Silas s akin na parang nagtatanong kung okay lang kaya tumango ako at umupo na lang sa tabi ni Anton.

"Mukhang bigatin yan bisita mo ah, artista yan diba?" Bulong niya sa akin

"Di ko bisita yan, si Bonita ang nagtawag sa kanya," Sagot ko habang nakatingin kay Bonita na binigyan nanaman ako ng peace sign.

Behind The CameraWhere stories live. Discover now