"Kung alam ko lang na ganitong klaseng tao siya, hindi ko na dapat siya nilapit pa sa 'yo! That bastard! Akala mo kung sinong matino, katulad lang din siya ng ibang mga lalake, mga basura ang ugali!"

My heart pounded so hard. I have never seen her this angry before. Napuno ng kaba ang aking sistema dahil sa nakikita sa kaibigan. I couldn't utter a word. Bakit? Anong ginawa ni Aedion at galit na galit siya?

Bumaling sa 'kin si Rebecca. Tiim ang kaniyang bagang nang humilig sa lamesa.

"Alam mo ba kung ano ngayon ang pinag pi-piyestahan ng mga estudyante sa school natin?"

Nangilid ang luha sa aking mga mata sa sobrang kaba. Ni hindi ko magawang umiling ng maayos.

"Ikaw! Everyone is making fun of you! Lahat sila, alam nila na nililigawan ka ni Aedion!"

Pakiramdam ko bumagsak ang puso ko sa narinig. My vision blurred due to tears pooling my eyes. Gamit ang mga daliri, pinasadahan ni Rebecca ang kaniyang buhok. Ang iritasyon ay nakaukit sa maganda niyang mukha.

"And you know what? They're all betting on how long will it take Aedion to make you say yes to him! The worse part, Aedion, that asshole knows all about these! He's even joining them on making fun of you!"

Natigilan ako. It felt like my world stopped for a while after what she said. And when it started to move again, I felt a pang on my chest as my throat run dry.

Rebecca stamped her hand on the table. "I wouldn't be surprised if he also did this to the other girls who liked him. Ano? Para maiba naman kaya ka niya nililigawan? Gagong 'yon!"

A tear rolled down to my cheeks. Natigilan si Rebecca nang makita iyon. Agad siyang lumipat sa upuan sa aking tabi at inalo ako. Pinalis ko ang luha sa aking mukha.

Suminghap ako. Kanina pa naninikip ang aking dibdib sa mga naririnig. I was also having a hard time breathing for something is blocking my throat.

Gustong-gusto ko iyong pabulaanan, ngunit tuwing naaalala ko ang mga dahilan kung bakit may pait sa aking kalooban at kung bakit nagdesisyon na tatanggihan si Aedion, tila naging ebidensya pa ang mga iyon sa mga sinabi ni Rebecca. So that's the reason why? Kaya ba parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko, at kaya ba ayaw niyang magsabi ng tungkol sa kaniya? Dahil laro lang ito sa kaniya? Is that also the reason why he was shy with my mother?

Pinunasan ko ang ilang patak pa ng luha na lumandas sa aking pisngi. I turned to Rebecca who's rubbing my back gently, trying to calm me down, though the anger in her eyes is still evident. Lalong tumingkad ang galit na iyon sa kaniyang mata nang magkatinginan kami.

"P-Paano mo nalaman ang tungkol dito?" my voice was too weak and trembling so bad.

Nagtagal ang titig niya sa akin, para bang tinatansiya ako bago sumagot. "Someone stupid from our class accidentally added me to their group. They kicked me out as soon as they realized I was added. Akala naman nila hindi ko nakita ang mga kagaguhang pinag-uusapan nila! Tangina nila!"

Yumuko ako at huminga ng malalim.

"S-Si Aedion... paano mo nasabing a-alam niya 'to?" I bit my lower lips.

From my peripheral vision, I saw Rebecca's shocked expression. "Because he's also in that fucking group chat, Yuri! Ano ka ba?! Don't tell me you're still going to stick with him?!"

Hindi ako nakapagsalita. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ko pa tinanong iyon o bakit parang gusto ko pa rin maghanap ng paraan para malinis ang pangalan niya.

"See?! This is why I'm thinking twice of telling this to you!"

Nguli akong yumuko. "I'm sorry..."

Orphic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon