Hahakbang na sana kami ng isa ng biglang may humalakhak kaya napahigpit ang kamay ko kay Corwin at Ingrid. 

"Akala niyo ba ang maiisahan niyo ako?" ika nito ngunit hindi namin siya makita "hindi ibigsabihin na makukuha niyo siya ay mabubuhay siya. Asahan niyo babalik ako. babalik kami!!" irit niya at iyon ang huling boses na narinig namin. 

Doon ko naramdaman na guminhawa ang pakiramdam ko at biglang may pumatak na kung ano sa balikat ko at doon ko nakita ang ginawa ko kanina. Mukhang nawala na ang nagsasalita kanina . 

"Nawala siya." ika ni Hadwin " Mukhang plano nila ito" 


"Hanapin na natin si Knight, masama ang kutob ko dito" ika ni Hallie. Naghi-hiwalay naman kami at kasama ko ngayon ay si Corwin. Dead end ang napuntahan namin at sobrang lawak nito. Napatigil at nagkatinginnan kami ng bigla naming narinig ang hiyaw ni Ingrid. Kaya walang atubiling tumakbo kami kahit malayo siya.  Nakasalubong naman namin sina Hallie at tumangong tumakbo din. Napatigil ako sa pagtakbo sa nadatnan ko. 

Ang walang emosyon at malakas na si Knight a nakaposas ang buong katawan at halatang namayat ito. Ilang linggo na ba siyang hindi napakain. Duguan ang itsura niya. 

"Mahina na siya" ika ni Hallie saka lumapit dito at itinapat ang tenga sa hininga niya saka umiling saamin " Kailangan natin siyang mailabas dito at pumunta sa palasyo nasa panganib ang buhay niya" ika ni Hallie at walang inaksayang oras ang mga lalaki at inalis nila ang posas gumamit na din ng potion si Stephen saka kami tumakbo palabas ng kweba. 


Kahit malayo at hinihingal kami at walang tumigil saamin dahil saamin nakasalalaya ang buhay ni Knigt. Magiging walang kwenta ang pagpunta namin dito kung patay namin siyang maibabalik sa palasyo. Malapit na kami ng biglang sumuka ng dugo si Knight kaya nanlaki ang mata ko. 

Naramdaman ko ang ginhawa at doon palang alam kong paunti-unting bumabalik ang kapangyarihan ko. 

Nagtataka man na wala kaming nakasalubong na kung ano ay pinabayaan ko na. Kinausap ko ang mga halaman na tulungan kaming maghanap ng gamot at ang mga lalaki naman ay ginamit ang kapangyarihan nilang pumunta sa palasyo o sa paaralan. Hindi namin magamit ang dimesyon sa hindi maipaliwanag na paraan. 

Sa paaralan kami dinala kaya naman nagkagulo ang mga tao doon. Nang maipasok si Knight sa loob at nasa labas lang kami at nag-iintay ng resulat. Nasa loob sina Stephen at Hallie. Sila ang tumulong sa kanila dahil isa din sila sa mga magagaling na manggamot. Kita ko naman ang pagdating manggamot sa paplasyo nina Knight at pumasok ito. 

"Umuwi muna kayo" sabi ni Hadwin saamin. Tumango naman kami at hindi na umagal. Naiwan doon sina Corwin at Hadwin upang gamutin din doon lamang lumabas ang  mga sugat nila. 

Pagbukas ko ng dor namin ay nakita ko si Diamond at Clint na sabay na napatingin saakin at sabay ding tumayo at tumaas papunta sa kwarto nila.

Napabuntong-hininga nalamang kami saka dumiretso sa kwarto namin upang magpahinga. Hindi ko maiwasan na mag-aalala sa mga nangayayari. Sana ay maging maayos ang lahat. 


"DIAMOND'S POV"

Napangiti naman ako ng makita ko silang nasa maayos na kalagayan at walang malalang nangyari sa kanila dahil alam kong delikado ang nangyari at mabuti nalang nakita din nila si Knight. 

Napatayo naman ako sa kianuupuan ko ng may biglang kumatok sa kwarto at ng bumukas iyon ay nakita ko si Clint kaya lumpait agad ako sa kanya. 

"Kailan ka pupuntang palasyo?" bigla niyang tanong saakin. 

Artius Academy :The Unknown GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon